Chapter 10

8.3K 188 6
                                    

"Alys ano ba 'yan kasi kanina pa natin hinihintay si Hayley. Dito ka nga lang muna sa chapel. Susundan ko lang si Hayley sa rest room tsk." Iritadong turan ni Lindsey kay Alys.

Sinimulan ng hanapin ni Lindsey si Hayley. Kasalukuyan na siyang naglalakad papunta sa rest room. Pagdating ni Lindsey sa rest room ay wala naman laman itong kahit sino man. Ngunit may nakita si Lindsey sa rest room. Nakita ni Lindsey ang shoulder bag na gamit ni Hayley na nakapatong sa lababo.

Kinuha ni Lindsey ang shoulder bag ng kaibigan. Pagkaangat ng bag mula sa lababo ay may nakita si Lindsey na isang papel na kulay dilaw. Dinampot naman ni Lindsey ang dilaw na papel. Pagkadampot niya dito ay nagimbal siya sa kanyang nakita. May nakasulat dito. At mukhang hindi lang basta-basta na panulat ang ginamit dito. Isang dugo. At ang nakasulat ay, "YOU'RE NEXT!"

Nabitawan bigla ni Lindsey ang dilaw na papel. Nagmadali siyang makalabas ng rest room at bumalik sa chapel nitong funeral home.

Pagbalik ni Lindsey sa chapel ay napansin naman ni Alys na tila humahangos ito.

"Ano nangyari sa iyo Lindsey? Bakit ka humahangos? Parang may humahabol sa iyo." Kunot noong wika ni Alys sa kaibigan.

"Wala lang ito. Tara na Alys. Gusto ko ng magpahinga sa bahay. Masyado ng stressful ang araw na ito para sa atin lahat." Tugon ni Lindsey. "Teka paano naman si Hayley wala pa siya? Saka ba't nasa iyo ang shoulder bag niya?" Tanong ulit ni Alys.

"Nag text siya s-sa akin... ah... oo nga eh nakalimutan nga daw niya sa rest room. Ibalik ko na lang daw sa kanya kapag nagkita kami. May e-emergency k-kasi... sa bahay nila." Nagdahilan na lamang si Lindsey kay Alys kahit hindi naman talaga niya nakita si Hayley sa loob ng rest room.

***

Lindsey's POV:

May kaaiba akong nararamdaman ngayon. Weird. Something is bothering inside of me. I just really can't define what's that. Nawawala si Hayley. Simula noong umuwi ako dito sa bahay sinimulan ko nang tawagan ang cell number ni Hayley pero walang response. Ang pinagtatakahan ko pa bakit niya naiwanan ang bag na dala niya kanina sa funeral home. Sa rest room. At saka bakit may nakita ako kaninang kapirasong papel na may nakasulat, "YOU'RE NEXT."

Binuksan ko ang bag ni Hayley at kumpleto pa din naman ang mga gamit niya sa loob. Nasaan na nga ba kaya ngayon si Hayley.

Things are getting weird now as time passes by. I just hope that everything will be fine soon. Ayoko ng buhay na napupuno ng doubts at mysteries.

Ring... Ring... Ring...

"Hello, Alys ba't ka napatawag bigla?"

"Buksan mo ang telebisyon ngayon dali!"

"Huh, bakit naman Alys?"

"Basta buksan mo na lang dali at ilagay mo sa channel 2!"

Binuksan ko ang tv gaya nang pinapagawa sa akin ni Alys. Pagbukas ko ng tv nagulantang ako sa news flash na kasalukuyan palabas.

Isang babae na puno ng saksak natagpuan sa ilalim ng tuloy sa may Araneta dito sa Quezon Avenue. Wala na itong malay. May hinala daw na salvage victim ang babae. At namilog na ang aking mga mata nang sinabi ng news reporter ang pangalan ng biktima. Hayley Sy.

"Seryoso ba ang nasa balita ngayon Alys?"

"Hindi ko sure Lindsey. Pero kapangalan at kaapelyido ni Hayley ang babaeng salvage victim."

"S-so... paano 'yon Alys? Saka wala naman larawan ng biktima na pinakita sa news flash."

Narinig kong huminga muna ng malalim si Alys sa kabilang linya bago tumugon muli sa akin.

Goldilocks (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon