Chapter 2

13.4K 288 23
                                    

"What happened couz?" Salubong na kuwestyon ni Cornelia kay Alys nang nakita na niya itong lumabas na ng kuwarto na natutuliro.

"I'm just wondering about a text message I recieved a while ago." Tugon naman ni Alys na nakakunot ang noo.

"What's in the text message?"

"Ah, nevermind. Siguro epekto lang ito ng anxiety attack ko kanina nang nagising ako sa isang masamang panaginip." Saad naman ni Alys. Hindi na kinuwento pa ni Alys kay Cornelia ang tungkol sa text message na natanggap niya mula sa nagngangalan na Ms. Z.

"Tara na sa client natin. I don't want us to be late. Big event kasi ang gusting ipa-organize ng client na ito satin." Ani naman ni Cornelia kay Alys.

"Ano ba ang proposed event ng client natin?"

"Ang sabi sakin ay Reunion Celebration daw. Pero hindi pa sinasabi kung saan mismo ang location at kung kailan. Probably, mamaya pa sasabihin lahat ng details satin ng client." Tugon ni Cornelia.

***

"Ma'am ano pong order ninyo?" Tanong ng isang waitress sa babaeng kanina pa nakaupo sa isang table sa loob ng isang coffee shop.

"Mamaya na lang miss. Hinihintay ko pa kasi ang mga event organizers ko na ka-meet dito sa coffee shop ninyo." Tugon naman ng babae sa waitress.

"Okay po. Balik na lang po ako mamaya." Nakangiting saad ng waitress.

Maya-maya pa ay dumating na din ang mga ka-meet na event organizers ng babae sa coffee shop.

Ang mga event organizers na ka-meet ng babae sa coffee shop ay walang iba kundi sila Alys at Cornelia.

"Ah, excuse me ma'am. Are you Ms. Sadelle Saavedra?" Magalang na tanong ni Cornelia.

"Yes, that's me. Well I guess you are the event organizers that my friend referred to me. I just hope na tama ang decision kong piliin kayo kasi sabi ng aking friend na magaling daw kayo." Tugon ni Sadelle kay Cornelia.

"Yes Ms. Sadelle. We assured that our event organizing company is the best referral you can have for your reunion celebration."

"Then, show me what you got." Wika ni Ms. Sadelle.

Si Ms. Sadelle ay isang business woman. Ang kanyang postura ay napakastrikto tingnan. Gusto niya lahat ng bagay ay pulido. Ayaw niya ng mga palpak na trabaho. Taklesa din siyang uri ng tao. Kung ano ang nasa utak niya hinahayaan lang niya ang kanyang bibig na bigkasin ang mga tumatakbong bagay dito.

"Kailan po ba ang reunion sa mga kaibigan ninyo Ms. Sadelle?" Tanong ni Cornelia.

"Sa April 25. Alas-sais ng gabi." Tugon ni Ms. Sadelle.

"Ms. Sadelle ano po bang theme ang gusto ninyo sa reunion?" Tanong naman ni Alys.

"I want a mascarade theme."

"Saan naman po ang venue Ms. Sadelle?" Tanong ni Cornelia.

"Gusto ko sa aking mansion sa North Fairview. Here's the address. May mga guwardiya ako diyan. Magpakilala na lang kayong dalawa na kayo ang mga hired event organizers ko para sa reunion celebration once na pinuntahan ninyo na ang mansion."

"Okay po." Sabi naman ni Cornelia.

"So, ano may iba pa ba kayong details na kailangan alamin?" Kuwestyon naman ni Ms. Sadelle kanila Cornelia at Alys.

"Last question na lang po. Ano po bang mga menu ang gusto ninyo? Saka ano po bang mas prefer ninyo, buffet or catering?" Tanong ni Alys.

"Buffet... and about the menu, gusto ko ng different variety of asian cuisine. But I want it be light. Weight conscious kasi ako at ang aking mga friends. Ito na nga din pala ang paunang bayad." Nilabas ni Ms. Sadelle ang kanyang check book. Isinulat niya ang amount at pinirmahan ito. Pagkatapos ay pinilas niya ito sa check book sabay abot kay Alys.

Namilog bigla naman ang mga mata ni Alys sa laki ng presyong isinulat ni Ms. Sadelle sa check.

"Seriously, P200,000 pesos po?" Gulat na tanong ni Alys.

"Yes P200,000 ang paunang bayad. May balanse pa ako sa inyo na another P200,000. So, suma-total ay P400,000 ang makukuha ninyo sakin. So, please prove to me na magaling talaga kayo or else. I will deduct the balance you will recieve from me after the event. Get it, huh?" Saad ni Ms. Sadelle. Habang si Alys at pati na din si Cornelia ay namimilog pa din ang mga mata dahil sa laki ng paunang bayad na natanggap nila sa kliyente na si Ms. Sadelle.

"So, I guess tapos na ang meeting natin para sa reunion celebration. Since busy na ako sa iba pang mga darating na linggo sa iba kong mga business, probably I will see the both of you sa mismong event na. Is that clear Ms. Cornelia Flores and Ms. Alys Palma?"

"Yes Ms. Sadelle." Sabay na tugon nila Cornelia at Alys. Nagulat naman bigla si Alys ng sa dulo ng meeting nila kay Ms. Sadelle ay binaggit ng buo ang kanilang mga pangalan. Samantalang sa umpisa pa lang ng meeting nila ay hindi pa naman sila nagpapakilala ni Cornelia ng mga pangalan nila.

"Okay I got to go now." Pamamaalam ni Ms. Sadelle kanila Cornelia at Alys. At dumiretso na ito sa door exit ng coffee shop.

***

"Ang strikto naman ng Ms. Sadelle na 'yon." Sabi ni Alys.

"Ano ka ba okay lang 'yon. At least mayaman ang kliyente natin. Aba kahit tatlong buwan pa ata tayong huwag magtrabaho okay na okay lang. Ang laki kaya ng down payment niya satin. Diba usually naman na hinahandle natin na clients P100,000 lang ang kinikita natin. Kay Ms. Sadelle naman doble-doble pa." Masayang sabi ni Cornelia kay Alys.

"Sa bagay. So, kailan natin sisimulan ang event planning para sa reunion celebration ni Ms. Sadelle?" Tanong ni Alys kay Cornelia na umiinom naman ng coffee jelly.

"Ahhmn... siguro bukas na. Pupunta pa ako sa bangko. Mag we-wedraw lang ako ng pera dito sa tseke na binigay satin ni Ms. Sadelle. Tapos ililipat ko sa bank account ng event organizing company natin. O, sige una na ako sayo. Pupunta na akong bangko. Kaw couz uuwi ka na ba?" Tugon ni Cornelia.

"Dito muna ako. Pero mamaya aalis na din ako ng coffee shop." Sagot naman ni Alys sa pinsan niyang si Cornelia. At pagkatapos n'on ay umalis na din si Cornelia. Naiwan naman ng nag iisa sa table nitong coffee shop si Alys.

***

Nag aabang ngayon si Cornelia ng taxi na masasakyan papunta ng bangko.

"This day is really great. Ang yaman ng bago namin kliyente ng couz ko. Sana parating ganito na lang para madaling umasenso kami sa buhay." Nang biglang naramdaman ni Cornelia na nag vibrate ang cellphone niya.

Kinuha agad ni Cornelia ang kanyang nag v-vibrate na cellphone sa bulsa ng pantaloon niya. Nakita niya na may text message.

_______________________________________________
Text Message Sender: Unknown
Once upon a time, there was a little girl named Goldilocks.
She lived at the edge of the forest with her family.
One morning, while she was picking flowers...

Hi Cornelia, Have a great summer vacation ahead!
Love lots, Ms. Z
________________________________________________

"Hmmn, who the hell send me this message huh?" Kunot noong tanong ni Cornelia sa kanyang sarili.

"Sino naman kaya itong Ms. Z na 'to? Nevermind baka naman may nag g-goodtime lang sakin na isang closed friend ko." Wika ni Cornelia sa sarili. At pagkatapos no'n ay pumara na si Cornelia ng isang taxi. Sumakay siya dito at nagpahatid sa bangko.

-End of Chapter 2
(Please feel free to leave some comment and vote if you like this chapter, thanks.)

Goldilocks (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon