Alys POV:
Natutulog na si Lola Tasya sa guest room. Ako naman ay nakaupo lang ngayon sa sofa dito sa salas. Hindi pa din ako lubos makapaniwala sa aking nalaman. Si Lola Tasya pala ang batang si Natasya. Ang batang babaeng tinutukoy na nagmumulto sa Buenavista Haunted House. Pero hindi pala totoo iyon.
Nang biglang may narinig ako sa bakuran. Parang may kumaluskos. Sinilip ko mula sa bintana kung ano iyon. Wala akong nakita. Bumalik ako sa sofa at naupo muli. Kinuha ang isang magazine na nakapatong sa lamesitas at nagbasa.
Habang nagbabasa ay may naulinigan akong yabag ng mga paa. Parang nanggagaling ito sa kusina. Tumayo ako sa sofa at tinungo ang kusina upang malaman kung sino ang nandoon.
Habang naglalakad naisip kong baka ang aking lola lamang ito. Ngunit nang makarating ako sa kusina ay nagulantang ako sa aking naabutan.
"Diyos ko po anong nangyari sa inyo Lola Tasya?!" Bulalas ko. Nakita ko si Lola Tasya na puno ng saksak sa buong katawan niya. Naliligo na ito ng dugo sa sahig. Dilat ang mga mata niya. Nakita ko naman na may isang kutsilyong nakalapag sa sahig ng kusina. Nababahiran ito ng dugo.
Nagpalinga-linga ako sa aking paligid. Hanggang sa may narinig akong yabag ng paa sa aking likuran. Lumingon ako bigla. Ikinagulat ko naman ang aking nakita. Isang babaeng nakasuot ng maskara.
Tumakbo agad ako papalayo ng kusina. Pagdating sa salas tinungo ko agad ang hagdanan sa pangalawang palapag. Ngunit nang akmang tatapak na ako sa unang baitang biglang may isang lalaking nakasuot ng maskara ang bumulaga sa akin sa itaas nitong hagdanan. Labis ko itong ikinagulat.
Tumakbo ako papalabas ng bahay. Binuksan ko ang gate sa garahe. Pagkatapos ay nagmadali akong sumakay ng kotse. Ngunit nang pinapaandar ko na ito ay ayaw naman bumukas ng makina. Tiningnan ko ang gas at full tank pa naman ito.
Bakit ngayon pa ayaw umandar ng sasakyan kung kailan nasa panganib ang buhay ko. Sino ba kasi ang mga taong nakamaskara sa loob ng bahay? At saka bakit nila pinatay ang Lola Tasya ko?
Lalabas na sana ako ng aking kotse nang biglang dumating na ang mga nakamaskarang pumatay kay Lola Tasya. Inilocked ko ang lahat ng mga pintuan sa kotse. Pagkatapos ay lumipat ako sa backseat. Yumuko ako at nagtago dito. Hindi nila ako dapat makita.
Sumilip ako bahagya sa bintana ng kotse kung nawala na sila. Hanggang sa bigla akong nagulat. Biglang lumitaw sa harapan ng bintana ang lalaking nakamaskara. Napaatras ako sa backseat at napatili sa takot.
Hindi ko na alam kung ano pang dapat gawin. Hindi naman ako makatawag sa police hotline. Naiwan ko kasi sa salas yung aking cellphone. Hanggang sa nakita kong binabasag na ng lalaki ang salamin sa pintuan nitong kotse. Ginagamitan niya ito nang isang mahabang tubo.
Tuluyan nang nabasag ang salamin ng pintuan. At nabuksan na din ng lalaki ang pintuan sa backseat. Sa kanan. Binuksan ko naman agad ang pintuan sa kaliwa at lumabas dito. Paglabas ko naman dito ay nakaabang na pala sa akin ang babaeng nakasuot din ng maskara.
Hinampas ako bigla ng babae sa aking ulo nang isang baseball bat. Bigla akong nabuwal sa lupa at nawalan ng malay.
***
Iminulat ko ang aking mga mata. Nagpalinga-linga ako sa aking paligid. Nakaupo ako sa isang tiffany chair sa harap ng isang oval table na malaki. May mga kandilang itim na nakasindi. May mga pagkain na nakalapag sa mesa. Parang may isang piging dito. Ngunit kinilabutan ako sa iba pang aking nakita.
Nakaupo sa kaliwa ng lamesa ang bangkay ni Cornelia na matagal ng nawawala. Sa kanang upuan ay nakita kong nakaupo ang nawawala ding bangkay ni Taranee. Sa tabi naman ng bangkay ni Taranee ay ang bangkay ni Hayley. At ang huli at hindi ko inaasahan makita ay si Lindsey sa tabi ni Cornelia. Puno ng dugo si Lindsey. Mukhang kapapatay lang sa kanya.
BINABASA MO ANG
Goldilocks (Completed)
Misterio / SuspensoNagsimula ang lahat noong mga bata pa lamang sila Alys at ang lima niyang mga kaibigan na nag summer vacation sa bahay ng Lola Tasya niya sa Gerona, Tarlac. Una ang lahat ay masaya lalo na't kapag nagkukwento ng bedtime stories si Lola Tasya. Ngunit...