Chapter 3: [The Librarian]
"Excuse me miss, alam mo ba kung nasaan ang Filipiniana section?" Tanong ng isang estudyante sa babaeng librarian na nakaupo sa isang desk table.
"Ayun po ang Filipiniana section pangalawa sa dulo ng mga bookshelves. Katabi ng Science and Fiction section." Tugon naman ng librarian sa estudyante.
"Salamat." Wika naman ng estudyante. Pagkatapos ay tinungo na ng estudyante ang Filipiana section.
"Hay pambihirang buhay 'to. Kailan kaya ako makakahanap ng bagong propesyon. Nagsasawa na ako sa pagiging isang dakilang librarian. Tatlong taon na din ako dito sa Griffin University." Pabulong na saad ni Hayley sa kanyang sarili habang binubuklat ang isang romantic novel sa kanyang desk.
"Alam mo narinig ko 'yon." Biglang may bumulong sa kaliwnag tainga ni Hayley. Paglingon naman ni Hayley ay nakita niya ang suitor niya na si Zeke.
"Ginulat mo naman ako bigla Zeke." Bulalas ni Hayley sabay hampas sa tiyan ni Zeke.
"Ikaw naman kasi sinabi ko na sayo na lumipat ka na lang sa leasing company na pinapasukan ko. Mas malaki ang kita do'n." Sabi ni Zeke kay Hayley.
"Ba't ka nga pala naparito sa library ng Griffin University?" Tanong ni Hayley kay Zeke.
"Natural hinihintay kang mag out." Nakangiti naman na tugon ni Zeke kay Hayley.
"O, siya-siya... sige hintayin mo na lang ako sa labas ng Griffin University. Tutal malapit ng mag 5:30 ng hapon."
"Okay, labas na ako. See you later!"
***
Zeke's POV:
Nakasandal ako ngayon sa aking kotse habang hinihintay si Hayley. Kailan kaya niya ako sasagutin. Apat na buwan ko na siyang nililigawan pero hindi ko pa din makamit ang kanyang matamis na oo. Naipakilala ko na din naman siya sa mga magulang ko. Gano'n din siya naipakilala na rin niya ako sa mga magulang niya. Pero ito pa din ako naghihintay sa kanyang pagsagot sa aking panliligaw.
Ayan na si Hayley. Nakalabas na din siya sa library. Pero may napansin akong kakaiba sa kanya. Tila ba ay may malalim siyang iniisip.
Sinalubong ko na siya sa labas ng gate nitong Griffin University. Tinulungan ko siya sa mga bitbit niyang gamit.
"O, ba't parang ang lalim ng iniisip mo?" Tanong ko kay Hayley.
"Alam mo ba ang fairy tale ng Goldilocks?" Tanong niya sakin. Nang narinig ko 'yon bigla akong natawa ng bahagya. Ang weird niya. Out of nowhere bigla niya akong tinanong tungkol sa pambatang kuwentong iyon.
"Oo naman. Yung Goldilocks and the Three Bears." Tugon ko sa kanya. Pagkatapos ay bigla naman bumuntong hininga ng napakalalim si Hayley.
Tinanong ko si Hayley kung bakit niya natanong sakin ang tungkol sa pambatang kuwentong iyon.
"Ba't mo naman natanong Hayley?"
"Ang weird lang kasi ng mga nakaraan na araw. Lately kasi may mga natatanggap akong chained messages sa isang Ms. Z. Every morning nakakatanggap ako sa kanya ng mga lines sa kuwento ng fairy tale story na Goldilocks. Pag tinetext ko naman, hindi naman nagrereply. Kapag tinatawagan ko naman, out of coverage area." Saad sakin ni Hayley na nakakunot ang noo.
"Don't mind that, Ms. Z. Baka naman isa lang 'yan sa mga kaibigan mo na gusto kang pagtripan. O baka ng isa sa mga katrabaho mo sa library na walang magawang matino." Ani ko naman sa kanya.
BINABASA MO ANG
Goldilocks (Completed)
Mystery / ThrillerNagsimula ang lahat noong mga bata pa lamang sila Alys at ang lima niyang mga kaibigan na nag summer vacation sa bahay ng Lola Tasya niya sa Gerona, Tarlac. Una ang lahat ay masaya lalo na't kapag nagkukwento ng bedtime stories si Lola Tasya. Ngunit...