Chapter 1

28.5K 417 79
                                    

April 14, 2000:

"Once upon a time, there was a little girl named Goldilocks. She lived at the edge of the forest with her family. One morning, while she was picking flowers..."

"Lindsey..." Pabulong na tawag ni Taranee sa kaibigan niyang si Lindsey na seryosong nakikinig sa kinukwento ng Lola Tasya nila sa loob ng isang attic room.

"Ano ba 'yon Taranee? Puwede mamaya na kapag tapos na si Lola Tasya sa fairy tale book na binabasa niya?" Nakakunot ang noo na sabi ni Lindsey kay Taranee.

"Ngayon ko na sasabihin. Excited na ako!"

"Ano ba kasi 'yon?".

"Nag usap-usap kami kanina nila Alys, Cornelia, Haley, at ng kapatid mong si Sydney na pupunta tayo mamaya sa Buenavista Haunted House. Ano sama ka ba?"

"Goldilocks wandered into the forest and lost her way. She was very frightened, but then she saw a friendly little cottage in the distance..."

"Tama ba ang narinig ko, tinawag mong kapatid ko si Sydney?" Kuwestyon ni Lindsey kay Taranee na tila ba ay biglang nainis at nag taas pa ng kilay.

"Ay oo nga pala ampon nga lang pala siya ng parents mo." Nang napansin ni Lola Tasya sila Taranee at Lindsey na may pinagbubulungan habang nagkukwento siya ng fairytale book tungkol sa Goldilocks and the Three Bears.

"Taranee at Lindsey interesado pa ba kayo sa librong binabasa ko?" Nagitla naman pareho sila Taranee at Lindsey nang tinawag ang mga pangalan nila ni Lola Tasya habang nagkukwento ito.

"Opo, interesado po kami Lola Tasya!" Sabay na sagot naman nila Taranee at Lindsey kay Lola Tasya habang nakayukom ang mga kamay nila. At muling ipinagpatuloy ni Lola Tasya ang kanyang story telling sa mga bata pagkatapos sitahin sila Lindsey at Taranee dahil sa ginagawa nilang pagbulungan.

"The friendly little cottage belonged to three bears. One was a great big Papa Bear, one was a middle-sized Mama Bear, and one was a tiny little Baby Bear."

Sa kalagitnaan ng kuwento ni Lola Tasya ay bigla itong napahawak sa kanyang dibdib. Kapansin-pansin din sa mukha ng matanda na tila ba ay parang may dinadaing itong sakit sa kanyang dibdib. Napansin naman agad ito ng apo niya na si Alys.

Nagmadaling lumapit si Alys sa kanyang Lola Tasya. Batid na ni Alys na inaatake na naman ulit ng hika ang Lola Tasya niya. Agad niyang iniabot dito ang inhaler na nakapatong naman sa lamesitas na malapit sa inuupan na rocking chair ng matanda.

Pagkaabot naman ni Alys ng inhaler sa lola niya ay agad itong kinuha at ginamit. Nang mahimasmasan na si Lola Tasya dahil nakakahinga na muli siya ng maluwag ay napag desisyunan niya na magpahinga na sa kanyang kuwarto. Pero bago tuluyan magpahinga si Lola Tasya ay sinigurado muna niya na matutulog na din sa mga kanya-kanyang kuwarto ang mga bata.

Ang mga bata nga pala na sila Lindsey, Taranee, Cornelia, Hayley, at Sydney ay mga malalapit na kaibigan ni Alys. Kaklase niya din ang mga ito sa elementary school sa Manila. Ngayon ay nagsisipag bakasyon sa bahay ni Lola Tasya sa Gerona, Tarlac dahil summer break.

Si Lola Tasya lamang ang nag iisang kamag anak ni Alys. Tatlong taon gulang pa lang kasi si Alys noong namatay sa isang airplane crashed ang kanyang ina, ama, at ang kanyang ate Jazz. Nagkataon naman na hindi siya nakasama noon sa bakasyon ng pamilya niya sa Singapore dahil dinapuan siya ng dengue at naiwan siya sa pangangalaga nitong lola Tasya niya.

Lima ang kuwarto sa bahay ni Lola Tasya. Unang kuwarto ay makikita sa bungad ng hagdanan kung saan natutulog lagi si Lola Tasya. Sa kanan na katabi naman ng kuwarto ni Lola Tasya ay ang silid ng apo niya na si Alys na ngayon ay kasama na matutulog si Cornelia. Ang sumunod naman ay ang kuwartong tutulugan naman nila Taranee at Lindsey. Ang pangalawa sa dulong kuwarto naman ang tutulugan nila Sydney at Haley. At ang huling kuwarto ay isa lamang bodega sa bahay ni Lola Tasya.

Goldilocks (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon