"So what are we going to do now?" Tanong ni Hayley kanila Lindsey at Alys. Kasalukuyan na magkakasama ang tatlong magkakaibigan sa isang coffee shop malapit sa funeral home na pinaglalagakan ng labi ni Taranee.
"I don't know Hayley. All I know now is that I'm just really fed up with this sh*t things that is happening to our friends who committed suicides." Naaburidong turan ni Lindsey kay Hayley.
"You know what guys I felt before that something really strange is happening." Sabat ni Alys. Napakunot naman ng mga noo pareho sila Lindsey at Hayley sa kanya.
"What do you mean Alys?" Curious na tanong ni Lindsey.
"Noong namatay si Cornelia may napansin ako sa kanyang suicide note. She used a beautiful cursive hand writing style to it. Eh ayaw na ayaw ni Cornelia sa cursive hand writing. Panget nga kasi ang hand writing niya. Kaya nakakapag taka kung kailan pa siya nagpakamatay saka pa ata bigla gumanda ang penmanship niya." Tugon ni Alys kay Hayley.
Habang nag sasalita si Alys tungkol sa suicide note ni Cornelia ay may inilabas naman na maliit na kapirasong papel si Lindsey. Pagkatapos ay iniabot niya ito kay Alys.
"Is this the same suicide note you are telling us Alys?" Tanong ni Lindsey kay Alys.
"Oh my God where did you get this Lindsey? This is the same suicide note that I found in the room of Cornelia when she commited suicide." Gulat na tanong ni Alys.
"That's the suicide note of Taranee." Napatanga si Alys nang nalaman niyang itong papel na ibinigay sa kanya ni Lindsey ay ang mismong suicide note pala ni Taranee.
"Wait... something is absolutely wrong now guys." Saad ni Hayley na gulat sa nalaman tungkol sa parehong suicide note na iniwan nila Cornelia at Taranee.
"This is so unbelievable. Parehong pareho ang penmanship. So ibig sabihin---" Hindi na naituloy ni Alys ang kanyang sasabihin.
"So ibig sabihin hindi talaga nagpakamatay sila Cornelia at Taranee. Posible niyan may pumatay sa kanila!" Bulalas naman ni Lindsey kanila Alys at Hayley.
Mayamaya pa ay biglang nag ring ang cellphone ni Lindsey.
Ring... Ring... Ring...
"Hello who's this?"
"Ma'am Lindsey si Mr. Siege Ocampo po ito."
"O, Mr. Siege ba't po kayo napatawag bigla?"
"Huwag po sana kayo mabibigla Ma'am Lindsey. Ang katawan ni Taranee ay nawawala sa loob ng kabaong niya."
"What?!"
Naibaba bigla ni Lindsey ang tawag sa kanya ni Mr. Siege Ocampo. Yung may ari ng funeral home na pinag lalamayan ng labi ni Taranee.
"What happened Lindsey?" Tanong ni Hayley.
"Nawawala ang katawan ni Taranee sa loob ng kabaong niya!" Bulalas ni Lindsey kay Hayley.
"O, ano pang hinihintay natin tatlo? Tara bumalik na tayo sa funeral home!" Saad ni Alys kanila Lindsey at Hayley.
***
"So tell me Mr. Siege Ocampo paano nawala ang katawan ni Taranee sa kabaong niya?" Pataray na tanong ni Lindsey kay Mr. Siege Ocampo.
"I'm really sorry Ma'am Li---" Hindi na naituloy pa ni Mr. Siege Ocampo ang kanyang sasabihin nang bigla siyang sampalin sa pisngi ni Lindsey.
"Ano sorry? Sorry lang ang sasabihin mo? What kind of security people do you have here Mr. Siege Ocampo? You are all delinquent!" Nanggagalaiti sa galit na sabi ni Lindsey kay Mr. Siege Ocampo. Ikinagulat naman nila Alys at Hayley ang ginawang pag sampal ni Lindsey kay Mr. Siege Ocampo.
BINABASA MO ANG
Goldilocks (Completed)
Mystery / ThrillerNagsimula ang lahat noong mga bata pa lamang sila Alys at ang lima niyang mga kaibigan na nag summer vacation sa bahay ng Lola Tasya niya sa Gerona, Tarlac. Una ang lahat ay masaya lalo na't kapag nagkukwento ng bedtime stories si Lola Tasya. Ngunit...