I.

814 26 1
                                    

Twins in my Heart 

Unang Yugto

Alarm clock ringing..........

"5 minutes pa please, 5 minutes pa."

Ayan lagi ang paulit-ulit na sinasabi  ni Celestine tuwing tumutunog ang alarm clock niya.

"Tin, gising na! kanina pa yang 5 minutes hobby mo!"

Sigaw ng tatay ni Celestine.

"Nakakainis ka naman tay oh!"

Sigaw naman ni Tin sa tatay niya.

"Celestine ha! sinisigawan mo na ako!"

Bumukas ang pintuan sa kwarto ni Tin at iniluwa nito si Mario Gonzales ang butihing ama ni Tin.

"Sorry naman tay, pasensya na napuyat eh."

Lumapit si Tin kay mang Mario at niyakap ito ng mahigpit.

"Alam mong kelangan natin maagang magising kung hindi kabuhayan ating ang malulugi, bakit kasi naging pang-gabi yang parttime job mo?"

Kumalas na si Tin sa pagkakayakap sa ama.

"Nagkulang kasi yung tao ni Mr. Cuevas kaya kelangan may pumalit dun sa pang-gabing shift."

"Bakit ikaw?"

"Tay, naman, sayang yung kita dun."

"Kasi naman may trabaho naman tayo sa palengke at sa palaisdaan, bakit ba kelangan mo pang magpart time?"

"Alam mo naman kung bakit tay, para mabilis tayong makabili ng sarili nating bangkang pangisda, para di na tayo nakikisakay sa iba."

Ayaw talagang tigilan si Tin ng kanyang ama tungkol sa plano niyang yun, wala ring magawa si Mang Mario tungkol dito dahil mahal na mahal niya ang anak niya.

Market (Palengke)

"Tin, ikaw nalang ang sumingil kay Mr. Tee para magbayad agad, alam mo namang patay na patay sayo yun."

Palagi nalang inaasar ng mga pinsan niya si Tin

"Yuck, pweh! nakakadiri kayo ang tanda na kaya nun noh!"

Nagtawanan lang ang tatlong pinsan ni Tin na sila Vincent, Erickson, at Max.

"Ikaw kasi mag-ayos ayos ka nga ng sarili mo para hindi lang si Mr. Tee ang mahumaling sayo, ang ganda ganda mo pa namang babae kaya lang parang mas lalaki ka pa sa aming tatlo."

Palaging ganun ang payo ni Max kay Tin. Kasi naman kung manamit laging nakat-shirt tapos panatalon, yung buhok naman ni Tin na hanggang likod ay laging nakapony tail, kung minsan nakabull cap pa. Yan ang fashion style ni Tin always.

"Eh sa ayaw kong magsuot ng damit na pang babae, mas okay na ito noh! comfortable di tulad nun sasakalin ako sa sobrang fit, pero babae parin naman ako noh! kung gusto nilang magustuhan ako dapat gustuhin nila kung anong itsura ko! sige ako na maniningil."

Pagkatapos ng mahabang litaniya ni Tin umalis na siya upang singilin si Mr. Tee.

Habang naglalakad siya sa gilid ng  kalsada ay nagulat siya ng biglang may humintong sasakyan sa gilid niya, isang magarang sasakyan.

"Christine!!.."

May lumabas na isang gwapong lalaki mula sa sasakyan na tinawag siyang Christine. Nagtaka si Celestine sa tinuran nito pero mas lalo siyang nagulat sa sumunod na ginawa nito.

Bigla siya nitong niyakap ng sobrang higpit, yung tipong hindi kana makakahinga at...........

Hinalikan sa labi........

A/N: okay yan muna yung episode na natype ko, hope you like it, if not fine!

VOTE and COMMENT!!!!!!

I badly need those.

VIOLENT REACTIONS AND NEGATIVE CRITICISM!!!!!!!!!!!!!!

Much more welcome!

iangelspark

Twins in my Heart <3 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon