XX.

190 11 0
                                    

XX.

Pupungas pungas pa si Max habang pababa ng hagdan, patungo siya sa kusina para mag-almusal sana ngunit nakaharang sila Vincent at Erickson sa daanan at parang may pinagtatalunan. Nilapitan niya ang mga ito.

“Vincent sigurado ka bang si Tin yan?” Naiiling at nagtatakang tanong ni Erickson kay Vincent ng pabulong.

“Hindi ko alam eh.” Takang sagot ni Vincent.

Sumingit sa usapan nila si Max.

“Hoy! Anong tinatanga-tanga nyo dyan?”

“Shhhhh.....” saway ni Vincent at Erickson kay Max.

“Bakit ba?” Hininaan na niya ang boses nya.

“Huwag kang magulo at mag-ingay baka maistorbo si Tin.”

Dala ng kuryusidad sumilip si Max sa kusina sa pagitan ng dalawang kapatid at di siya makapaniwala sa nakikita.

Si Celestine Allora Gonzales nagluluto! Sa lahat ng gawaing bahay ito ang pinakaayaw niya dahil masyado daw matrabaho, mas gusto pa nga niyang magkumpuni ng sirang sasakyan at madumihan kaysa magluto pero ngayon bakit niya ito ginagawa at mukhang nag-e-enjoy pa siya kasi pakanta-kanta pa.

Hindi nagtagal mukhang napansin na rin niya na pinanunuod siya ng mga pinsan niya.

“Good morning mga kuya’s.” Masayang bati nito

Tumango lang ang tatlo.

“Nagluto na ako ng almusal natin, mayroon ako ditong pritong itlog, pritong daing na bangus, pritong talong tapos pritong kanin.” Inisa- isa ni Celestine ang mga pagkaing nakahain na sa hapag-kainan. “Kain na!”

“Pritong kanin!?” Takang tanong ng tatlo.

“Ai..Hahaha.” Natawa si Celestine. “Sinangag na kanin pala, Chow fan, masarap yan!” Pagmamalaki niya sa niluto niya.

“Eh anu yung nakasalang pa?” Tanong ni Erickson na pasinghot-singhot pa. “Hmmm... adobo yan nalang ang kakainin namin.” Lalapitan na sana ni Erickson yung nakasalang na adobo.

“Ooppss...” Pinigilan siya ni Celestine gamit ang sandok. “Hanggang dyan ka lang, subukan mo lang hawakan ito hahampasin kita ng sandok hindi ito para sayo.”

“Ang daya mo naman Tin, sa amin puro prito, para kanino ba yang adobo na yan?” Hindi pa rin papaawat si Erickson, akmang lalapit siya sa kaserola ng pigilan siya ng Tito Mario niya na kapapasok lang sa kusina.

“Erickson! Huwag ka ng magpumilit, ako ngang tatay niya ayaw niyang patikim ng adobo niya, hayaan nalang natin.” Suway ni Mario sa pamangkin.

“Thanks tay.”

“Pero tito naman, para kanino ba kasi yan at ipinagdadamot mo sa amin ha Tin?” 

“Kanino pa bas a palagay mo?” Umupo na si Mario sa hapag. “ Alam mo bang gumising pa yan ng maaga para lang mamalengke at nagluto para sa nobyo niya.” May himig ng pagtatampo ang tono ng pananalita ni Mario. “Ni minsan hindi pa niya yan nagawa sa atin, pakiramdam ko tuloy mas mahal niya ang nobyo niya kesa sa atin.”

“Tatay naman, di totoo yan noh!” Pagtatangol ni Celestine sa sarili. “Ok next tine babawi ako sa inyo, ipagluluto at pagsisilbihan ko kayong lahat promise yan!”

Pagkatapos ng pag-uusap nila masaya nilang pinagsaluhan ang mga pagkain niluto at hinanda ni Celestine pwera lang sa adobo.

“Wow! Hanep! Kahit puro prito ‘tong luto mo masarap.” Papuri ni Erickson kay Celestine. “Pwede ka ng mag-asawa, kelan kasal mo?” Muntik ng mabilaukan sila Celestine, Mario at Max dahil sa sinabing yun ni Erickson.

Twins in my Heart <3 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon