VI.

312 16 0
                                    

(Same time na nagkita si Celestine at Lyster.)

"Kanina ko pa inutusan si Tin, bakit hanggang ngayon wala pa rin siya."

Huminga ng malalim si Max at nag-iisip, nag-aalala si Max ngayon sa kalagayan ni Celestine, ngayon lang kasi nangyari na may gumawa ng ganun sa kanya.

Pagnakita ko uli yung lalaking yun! Babaldahin ko siya para di siya makalapit pa kay Tin, hindi namin siya iniingatan ng ganun para bastusin ng kung sino sino lang.

Matagal ng may nararamdaman si Max kay Celestine, kaya lang hindi pwede dahil magpinsan sila, hindi niya ito itinuturing na pinsan o kapatid dahil higit pa doon ang nararamdaman niya para dito, kaya kelangan niyang itago dahil incest yun, kasalanan sa Diyos.

Bumukas ang pinto at iniluwa ang tito niyang si Mario at ang tatay niyang si Manuel. Nahalata ni Max na parang may pinagdadaanan ang tito at tatay niya.

"Tay, Tito, anong nangyari at parang biyernes santo ang mga mukha niyo."

Umupo sila sa hapag-kainan, sumunod si Max.

"May nagsurvey kanina sa dalampasigan, tapos tinanong namin kung para saan yun, sabi nung nagsusurvey dumating na daw yung may-ari ng dalampasigan at balak nilang magpatayo ng resort dun."

Malungkot na kwento ni Manuel.

"Hindi pwede yun, paano tayo, saan tayo kukuha ng ikabubuhay natin!"

Nagulat sila Max sa nagsalita, nilingon nila kung sino. Si Celestine lang pala, humahangos ito bitbit ang mga pinamili.

"Bakit ngayon ka lang? Anong nangyari sayo?"

Tanong ni Max kay Celestine, pero hindi siya nito pinansin tuloy-tuloy lang ito at lumapit sa tatay niya.

"Tay hindi natin pwedeng ipagwalang bahala ito, gumawa tayo ng paraan."

"Anak, gusto man namin eh, hindi naman pwede dahil hindi naman atin ang dalampasigan na yun."

"Ano hahayaan nalang natin ito, susuko na lang tayo, ikaw tito?"

Napayuko nalang at napailing ang magkapatid.

"Pwes! Ako hindi ako susuko, alam ko may paraan pa!"

Tumayo si Celestine at padabog na umalis patungo sa kwarto niya.

"Hoy, Tin magluluto ka pa!" Tinawag ni Max si Celestine."Tsk!" Naiiling-iling na lang si Max.

Ibang klase ka talaga Tin kung lahat sumuko na, ikaw hahanap at hahanap ng paraan upang ituloy ang isang laban kahit walang kasiguraduhan. Kay mahal na mahal kita!

A/N:  Later..........

Vote and Comment

iangelspark

Twins in my Heart <3 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon