XVIII.

254 12 0
                                    

A/N: Sorry natagalan hindi naman kayo nagvo-vote at nagco-comment. Peace tayo bagong taon na bawal magalit! Be generous! 

XVIII.

Kinabukasan ay gumanda na ang panahon kaya hinatid na ni Lyster si Celestine sa kanila. Pagkababang pagkababa nila sa sasakyan sinalubong agad sila ng tatay ni Mario.

“Ana kayos ka lang ba?” Niyakap ni Mario si Celestine.

Kumalas sa pagkakayakap si Celestine.

“Si Tatay ang O.A., nga pala Tay may kasama ako si—.” Hindi na natapos ni Celestine ang sasabihin ng biglang nagsalita si Lyster.

“Magandang umaga po Tay.” Nagmano ito kay Mario. “Ito nga pala Tay may dala po kaming pang-almusal.”

Nanlaki ang mata ni Mario, nabigla ito.

“Tay, si Lyster po yung sinasabi ko pong boyfriend ko.’’

Lalo pang nabigla si Mario sa sinabi ng anak.

“Tay ok lag kayo?!”

Nakabawi naman sa pagkabigla si Mario. “Anak, Mr. Diniego pasensya na tuloy kayo.”

“Lyster nalang po!”

Pumasok na sila Lyster at Celestine, inabot naman ni Mario ang mga pagkain na dala ni Lyster at nagtungo sa kusina, dumiretso naman ang dalawa sa sala.

“Maupo ka muna Lyster.”

“Babes naman wala namang kalambing-lambing yung Lyster, why don’t you call me babes para sweet.” Nakatayo parin si Lyster dahil nagtatampo-tampuhan kay Celestine.

“Eh, kasi naman para kasing pang pig yung babaes, Babe pig in the city, napanuod ko yun!” Tapos nagpout si Celestine.

Lumapit pa lalo si Lyster kay Celestine. “Huwag ka nang magpout natetempt ako eh.”

“Na tetempt na?”

“Na halikan ka!”

“Eeiii….Lyster naman!” Tapos tinakpan ni Celestine yung lips niya.

“Okay hindi na basta babes ang itawag mo sa akin! Ok lang yun, ayaw mo nun tayo ang pinakagwapo at magandang pig, babes.”

“Haha funny!” Pilit na tumawa si Celestine. “Sige na maiwan na muna kita magbibihis lang ako.”

“Bilisan mo ha!”

“Opo…..babes!”

Umakyat na si Celestine sa kwarto niya upang magbihis. Napangiti naman si Lyster sa huling sinabi nito.

Habang nagbibihis si Celestine at hinahanda ni Mario yung almusal nila, si Lyster naman naiwan sa sala, napansin ni Lyster yung photo albums ng mga Gonzales, napagkatuwaan niyang buksan ang mga albums.

Yung una niyang nakuha ay yung album na may mga recent pictures ni Celestine, kundi yung mga pinsan eh yung tatay at tito niya lang ang lagi niyang kasama.

“Ano ba naman itong si babes, di masyadong sociable, ganito na ba talaga ang gusto niya ngayon?”

Sumunod niyang nakuhang album ay biglang nagpakabog sa dibdib niya.

“Oh my….shit! This can’t be!”

Nakita niya yung mga baby pictures ni Celestine. May picture dun na bagong panganak palang siya tapos mga pictures kasama ang mga pinsan niya, lahat detailed kung anong edad na siya.

Napahawak si Lyster sa kanyang ulo, biglang sumakit ito dahil sa pagkalito niya.

“Hindi siya…….”

Twins in my Heart <3 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon