IV.

408 17 1
                                    

"Badtrip ka pa rin ba Tin."

Lumapit si Max sa kanya at tumabi. Nandito sila ngayon sa paborito nilang tambayan, ang covered court ng barangay.

"Ano ba sa tingin mo Kuya Max, ikaw kaya mabastos."

Sumimangot si Celestine at inirap siya.

"Ito naman huwag mo nang isipin yung nangyari, hindi na babalik dito yung kumag na yun, sa ginawa ba naman namin sa kanya eh parang nang hiram siya ng mukha sa aso."

Medyo gumaan ang pakiramdam ni Tin sa sinabi ng Kuya Max niya. Sa lahat ng Kuya niya si Max lang talaga ang kayang pagaanin ang loob niya, kaya minsan nasabi niya sa sarili niya na kung magkakaboyfriend man siya, sana katulad ng Kuya Max niya.

"Halika na, tama na ang mukmok dyan, magbasketball nalang tayo, and this time galingan mo! Palagi ka nalang talo."

Ngumiti si Tin, ito talaga ang bonding nilang magpipinsan ang basketball, minsan 2 vs. 2 ang laro nila pero kadalasan 1 on 1. Natalo na ni Tin si Vincent at Erickson, pero hindi niya matalo talo si Max kahit minsan.

At ang resulta...................................

Talo na naman siya.

"Paano ba yan Tin, to the nth time talo ka na naman, hahaha!"

"Hmp, yabang mo balang araw matatalo din kita, taga mo yan sa bato."

"Sige lang Tin, libre lang mangarap, oh eto saluhin mo!'

May binato si Max kay Tin na nasa supot.

"Ano 'to?"

"Pera yan, bumili ka ng lulutuin ulam sa tanghalian, sarapan mong luto mo ha!"

"Bakit ako magluluto?!"

"Dahil talo ka yan ang punishment mo! Sige lakad na!"

Tumalikod na si Max na tatawa tawa, alam na alam nila na sa lahat ng gawain pambahay at pambabae, ito ang pinakaayaw ni Tin, ang magluto.

Wala namang magawa si Tin.

***********************************************************************************************************

Naisipan nalang ni Tin na magluto ng Pinakbet, paborito kasi ito ng tatay niya.

"Okay nandito na lahat ng ingredients; sitaw, ampalaya, okra, kalabasa, at talong." Yung ibang rekado meron nasa bahay nila.

Hindi namamalayan ni Tin na may mga matang nagmamasid sa kanya. Habang naglalakad siya parang nararamdaman na rin niya na may sumusunod sa kanya. Kaya her instinct told her to run.

Dala-dala ang kanyang pinamili, tumakbo ng tumakbo si Tin, naramdaman niya na may humahabol nga sa kanya.

Sabi ko na nga ba may sumusunod sa akin.

Patuloy parin sa pagtakbo si Tin, hanggang nakahanap siya ng pagkakataong magtago.

"Humanda ka sa akin!"

Naghanap si Tin ng bagay na pwede niyang gawin sandata, pero wala siyang makita. No choice siya, ng malapit na ang taong sumusunod sa kanya ay pinatid niya ito, natumba ang lalaki at kumuha ng kahit anong pwedeng ipanakit dito.

"Gago ka ha! Bakit mo ako sinusundan?! Gusto mo na bang mamatay!"

Dahan-dahang humarap yung taong pinatid ni Tin, dahil padapa itong natumba.

Nagulat siya sa itsura nito, kasi ito yung lalaking binugbug nila, medyo halata na ang mga pasa nito sa mukha at namamaga ang labi, naawa dito.

"Your funny Christine, do you think you can kill me using that! Hahaha!"

Shit, oo nga naman noh, may nabalitaan na ba kayong taong namatay dahil hinampas ng talong.

Pero naiinis pa rin si Tin sa lalaking ito.

"Bakit mo ba ako sinusundan ha?!"

Binalik na ni Tin yung talong sa plastic. Tumayo na ang lalaki at lumapit kay Tin. Umatras si Tin.

"Hanggang dyan ka lang, huwag kang lalapit sa akin."

Huminto naman ang lalaki.

"Look Idont wan't to fight, I'm here to talk to you and apologize for what happen yesterday Christine!"

Christine na naman sino ba si Christine na yan.

"Pwede ba tigil-tigilan mo ang katatawag sa akin ng Christine, hindi Christine ang pangalan ko! Ako si Celestine maliwanag!"

"Hahaha, whatever, pero pwede ba tayong mag-usap?"

"Bakit tayo mag-uusap, wala tayong dapat pag-usapan Mr.--"

"Lyster, Lyster Diniego!"

Lumapit si Lyster kay Tin at inabot ang kamay dito para makipag shake hands.

Hindi alam ni Tin kung tatanggapin niya ito, pero may nagtutulak sa kanya na abutin ito. At yun yung nangyari.

Inabot ni Tin ang kamay ni Lyster, hindi alam ni Tin kung bakit parang nakukuryente siya sa shake hands na yun. Agad niyang binawi ang kamay niya, tapos may naramdaman  siyang kakaiba, biglang bumilis ang tibok ng puso niya, parang nagwawala at gustong kumawala.

"Please Celestine, can we talk?"

Ewan ni Tin kung bakit napatungo siya sa pakiusap na yun ni Lyster. Hindi niya maintindihan kung anong nangyayari sa kanya. Pero one things for sure parang maykakayahan ang lalaking ito na pasunurin siya.

A/N:  Vote naman or Comment

Kahit isa lang.

Thank you sa mga nagbabasa.

iangelspark 

Twins in my Heart <3 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon