VII.

310 13 0
                                    

Inis na inis si Celestine sa mga nangyayari bakit may panibago na naman silang problema.

"Bakit ba ganito ang life napakacomplicated!"

Napahiga nalang si Celestine at maya-maya pa ay nakatulog na rin. Naalimpungatan lang siya ng maramdamang may humahaplos sa kanyang buhok, napabalikwas siya ng bangon.

"Tay, kayo pala."

"Okay ka na ba anak, kumain ka na anak dinalhan kita ng pagkain."

"Sana hindi na kayo nag-abala tay."

"Wala yun anak." Ngumiti si Mario. "Para sayo lahat gagawin ni tatay."

"Kung ganun tay, gumawa tayo ng paraan para hindi mawala sa ating mga taga brgy. Uno ang dalampasigan."

"Pero anak!"

Medyo nag-aalinlangan si Mario, pero wala siyang magawa sa gusto ng anak.

"OK sige, gagawa tayo ng paraan."

"Yeheey!"

NIyakap ng mahigpit ni Celestine ang ama.

"Yan, yan ang tatay ko matapang, manang-mana sa akin!"

Natawa si Mario sa tinuran ng anak. Masayang kinainni Celestine ang mga pagkaing dala nito. Masaya ring pinagmasdan ni Mario si Celestine habang kumakain.

"Allora." Mahinang usal ni Mario.

"Huh?! May sinasabi ka tay."

"Wala anak, sige lang kumain ka lang, una na ako anak may gagawin pa kasi ako."

Lalabas na sana si Mario.

"Tay, sandali." Tinawag siya ng anak, lumingon si Mario.

"Bakit?"

"Tay, pwede bang magtanong."

"Oo naman, anu ba yun?"

Muling lumapit si Mario sa anak at umupo sa tabi nito.

"May kapatid ba ako o kakambal?"

Nagulat si Mario sa tanong ng anak.

"B-bakit mo n-naman tinanong yan?"

"Kasi tay, may nakilala akong tao sabi niya kamukhang-kamukha ko daw yung girlfriend niya."

"B-baka naman k-kahawig lang, may mga ganun naman diba, tsaka ang pagkakatanda ko eh mag-i-isa ka l-lang nung niluwal ka ng nanay mo bago siya nawala, kaya mali yang iniisip mo."

Hindi makatingin ng diretso si Mario kay Celestine.

"Okay tay, sabi mo eh."

Ngumiti si Celestine sa ama, nagpaalam naman na si Mario na baba na.

Litong-lito si Mario sa mga pangyayari. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan.

Pumunta agad si Mario sa bakuran upang pakalmahin ang sarili. Naabutan niya dun ang kuya niyang si Manuel.

"O Mario, bakit ganyan ang itsura mo?"

Pambungad na tanong ni Manuel sa kapatid.

"Si Tin kasi."

"Anong meron kay Tin at ganyan ang pag-aalala mo?"

"Kasi tinanong niya sa akin kung may kapatid o kaya'y kakambal siya!"

Bumakas rin ang pag-aalala sa mukha ni Manuel.

"Anong sinabi mo sa kanya?!"

"Na wala siyang kapatid o kakambal na kahawig niya lang yun sinasabi nung taong nakilala niya na yun. Kuya natatakot ako ayaw kung magsinungaling sa anak ko, pero ayaw ko naman siyang mawala sa akin."

"Ikaw naman kasi eh, dapat hindi mo ginawa ang bagay na yun noon!"

"Kuya naman nakaraan na yun, wag mo na akong sisihin."

Habang nag-uusap si Mario at Manuel, di nila napansin na may isang taong nakakubli at nakikinig sa kanilang usapan.

"Ano pa nga bang magagawa ko, dahil sa sobrang kabaliwan mo noon sa pagmamahal, nakuha mong magnakaw ng isang inosenteng sanggol, para lang ano, para makaganti."

"Sinaktan niya ako Kuya, yun lang ang alam kong paraan upang makaganti sa kanila at pinagsisihan ko na yun."

"Kung pinagsisisihan mo na nga yun, bakit hindi mo binalik si Celestine sa tunay niyang mga magulang ha?"

"Dahil siya na lang ang natitirang ala-ala ni Allora sa akin at mahal na mahal ko na si Celestine."

"PERO HINDI MO SIYA ANAK!!!"

Napalakas ang sigaw ni Manuel. Di na rin nakatiis ang taong nagkukubli at lumabs na ito.

"HIndi niyo anak si Celestine, Tito Mario!"

Nagulat si Mario at Manuel sa pagsulpot ni Max.

"Max narinig mo lahat ng pinag-usapan namin?" Tanong ni Manuel sa kanyang anak.

"Opo, lahat lahat simula sa umpisa!" Mariing sabi nito.

"Max, nakikiusap ako sayo huwag mo munang sabihin sa kahit kanino ang natuklasan mo."

"Hindi ko kayo maintindihan Tito Mario, pero sige hindi ko sasabihin sa kahit kanino ang sikreto nyo." Yun nalang ang nasabi ni Max.

"Maiintindihan mo lahat ng ito kung mararanasan mo ng magmahal ng tunay."

Yun ang huling sinabi ni Mario kay Max bago umalis.

Sa loob loob ni Max ay may nararamdaman siyang tuwa sa nalaman niya na hindi niya kadugo si Celestine.

May pag-asa pa!

 A/N: Sa mga naging fans ko salamat, pero sana mag COMMENT din kayo!

VOTE AND COMMENT PLEASE!

Next update comming up!

iangelspark

Twins in my Heart <3 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon