XVII. No Promises

290 10 0
                                    

A/N: sinubukan kung maglagay ng video sa side para feel nyo na si Lyster yung kumakanta!

I love this song!

Ngayon lang uli nakatulog ng ganun kahimbing  si Celestine, kahit nararamdaman niyang medyo masakit ang ulo niya ay parang ang gaan-gaan ng pakiramdam niya.

Babangon na sana siya ng may nararamdaman siyang mabigat sa bandang tiyan niya. Doon lang niya napansin na hindi niya kwarto ang kinaroonan niya ngayon, at sa paglingon niya sa kanang bahagi ng higaan kitang kita ng kanyang mga mata ang gwapong-gwapong si Lyster na mahimbing ang tulog na nakayakap ang isang kamay sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya ng nakitang nakatopless ito.

Omygeeeeeeee! May nangyari ba sa amin kagabi, yung damit ko hindi ito yun! Oh no!

Nag panic mode na si Celestine na naging sanhi ng paggising ni Lyster.

“Good Morning! Babes! Huwag ka ngang makulit inaantok pa ako.” Malambing na bati at sayaw ni Lyster.

Nakakainlove naman ang bedroom voice nito! Hindi! Hindi dapat ako magpaapekto.

Hinampas ng ubod lakas ni Celestine si Lyster na naging dahilan ng tuluyang paggising nito.

“Ouch! Babes naman.”

“Hoy lalaki! Bakit ako nandito?! Anong ginawa mo sa akin ha?!” Sinigawan ni Celestine si Lyster.

“Huh?! Ikaw nga itong may ginawa sa akin eh!”

“Lyster naman eh, umayos ka nga!”

Umayos ng upo si Lyster at humarap kay Celestine.

“Babes kalma lang, walang nangyari okay.”

“Sigurado ka?!” Hindi kumbinsidong tanong uli ni Celestine. “Bakit? Bakit damit mo itong suot ko?”

“Wala ka ba talagang maalala?” Kunot noong tanong ni Lyster.

“Magtatanong ba ako kung meron!”

“Naku naman!” Napakamot sa ulo si Lyster. “ Babes naman, wala ng bawian, tayo na! Sinagot mo na ako kagabi as we are official boyfriend girlfriend, wala ng bawain.”

Halata sa itsura ni Celestine ang pagtataka at bigla itong nag-isip.

“Wala talaga akong matandaan!”

Actually yun lang yung na aalala ni Celestine. Yung pagko confess sa nararamdaman niya kagabi ang hindi niya lang maalala ay kung paano sila napunta sa kwartong yun dahil nakatulog siya habang nagbibiyahe sila ni Lyster, nagkukunwari lang siyang wala maalala dahil nahihiya siya sa ginawa niya kagabi.

“Liar!” Hindi naniniwala si Lyster.

“Do you think I’m a liar? Baka ikaw! Gumagawa ka lang ng kwento!” Pilit paring tinatanggi ni Celestine.

“Isa!”

“Para lang sabihin na tayo na!”

“Dalawa!”

“Para hindi na ako magalit sayo!”

“Celestine, paghindi ka pa tumigil hahalikan kita!”

“Ito naman eh! Nagbibiro lang naman ako! Hehe! Joke lang!”

“Hahaha! Alam ko naman yun kasi kahit sa panaginip ako yung tinatawag mo!”

“Kapal!” Inirapan ni Celestine si Lyster.

Hinarap ni Lyster ang mukha ni Celestine at inilapit sa mukha niya.

“I love you!”

Ngumiti si Celestine.

Twins in my Heart <3 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon