XIX.

205 10 0
                                    

A/N: Yes naka-UD rin!

 XIX.

Pagkagaling kila Celestine bumalik na lang si Lyster sa hotel. Inis na inis siya sa kanyang sarili.

“Tanga! Ang tanga tanga ko talaga!” Sa sobrang inis sinipa niya yung upuan. “Ouch!” Napaupo siya sa sahig dahil sa impact ng pagkasipa niya sa upuan. Napayuko siya at hinawakan ang ulo gamit ang dalawang kamay, maya’t maya ay naihilamos niya ito sa mukha.

Bwisit na buhay!

Tumayo siya at kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan si Tyrone.

Pagkarinig sa boses ni Tyrone sinabi niya agad “I need you, I’m in the hotel, ASAP!”at i-nend ang call.

Habang hinihintay ang pagdating ni Tyrone napagpasyahan ni Lyster na uminom ng alak, nakakailang baso na siya ng dumating si Tyrone.

“Pre, what’s up?” Bungad nito.

“Nothing’s up everything is down.” Malungkot na tugon ni Lyster.

“Anong nangyari?” Tanong ni Tyrone na may bahid ng pag-aalala.

“Pre, ang laki kung tanga, hindi si Christine si Celestine!” Madiin na pagbigkas ni Lyster.

“Napaka stubborn mo kasi, yan, yan ang napala mo, noon palang nakikita mo na yung differences nila, pero anong pinagana mo yang puso mong sabik na sabik kay Christine, so ano ka ngayon!”

Pumikit si Lyster na parang ninanamnam ang bawat salitang binibigkas ni Tyrone. Oo nasa harapan na niya lahat ng signs ng pinagkaiba ng dalawa, pero mas nanaig ang hangarin ng puso niyang makasama ang pinakamamahal. Tama si Tyrone! Siya ang may kasalanan sa nangyayari sa kanya ngayon at walang dapat ibang sisihin kundi siya lamang.

Nanahimik na lamang siya at uminom uli ng alak.

“So what’s your plan?” Basag ni Tyrone sa namumuong katahimikan.

“I don’t know, I’m still confused sa nararamdaman ko ngayon.”

“Ok let’s put it this way, mahal mo ba si Celestine?” Tumango si Lyster. “How about Christine do you still loved her?” Natahimik si Lyster, yumuko at maya maya ay tumango. “ Tsk. Pre, problema nga yan, may dalawang babaing pumasok dyan sa puso mo, you’re so dead man!” sabay tapik sa balikat ni Lyster.

“Nakakainis ka naman e, nahihirapan na nga ako, mang-aasar ka pa.” Tumayo si Lyster at nagtungo sa tapat ng bintana. “ Alam mo ba, nangako ako kay Christine na siya lang ang kaisa-isang babaing mamahalin ko.”

“Which is binalewala niya.” Singit ni Tyrone.

“Samantalang si Celestine, I did not promise anything, because i will do anything for her sa abot ng aking makakaya.”

“Ha ha ha ha, good job pre, I don’t want to be in your situation.”

Napabuntong hininga nalang si Lyster.

“Kaibigan ba talaga kita?”

“Ito naman oh, ok ganito nalang  magpalamig ka muna at timbangin ang mga bagay bagay, kung paano ito nagsimulang lahat, sinong may kasalanan—Aray!” Binato ni Lyster si Tyrone ng throw pillow. “Wait lang kasi hindi pa nga tapos, ok ito nalang, just follow what your heart dictates and the rest will follow, you’ll never go wrong, slowly everything will be back to its proper place, kasi puso mo na yung sinunod mo, kasi pag pati isip mo hinayaan mong makisawsaw dyan sa problema mo mas gugulo lang lagi pa naming salunghat yan!”

“Tsk. Ang galing mo namang mag-advice bakit hindi mo yan i-apply sa sarili mo!”

“Ikaw na nga itong tinutulungan.” May himig ng pagtatampong sabi ni Tyrone.

Twins in my Heart <3 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon