VIII.

316 12 0
                                    

Habang busy si Lyster sa mga papeles sa harap niya biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Tyrone Calling..............

"Hello Ty, napatawag ka!"

"Namiss kasi kita pre eh!"

"Yuck! Pre are you gay!"

Nagtawanan sila.

"Hindi nga pre serious, bakit ka napatawag?"

"Gusto ko lang kamustahin yung bago nating project dyan sa San Nicolas, ano tuloy pa ba?!"

"Sinurvey na namin yung lugar and it is a nice place to build a resort Architect Peralta."

"Wow its good to hear that, so kelan ako lilipad patungo dyan?"

"As soon as possible at pre may good news ako, nakita ko na siya."

"Really?!"

"Yup, medyo may konting problema lang pero you know me naman, I can handle this."

"Yes I know you very well Mr. Lyster Diniego! Sige I gotta go may date pa ako, see you when i see you, bye!"

Inend na ni Tyrone yung call. May kumatok sa pintuan.

"Please come in!"

Pumasok ang sekretarya ni Lyster at may kasamang lalaki.

"You may leave us now Ms. Sanchez!"

Pagka-alis ng sekretarya ay pinaupo ni Lyster ang lalaki sa upuan sa harapan ng desk niya.

"So did you get all the information I needed about the Gonzales?"

"Yes sir, I have it here" Nilapag ng Private Investigator ang mga dala niyang folders sa desk ni Lyster. "Uhm, can I ask you something?"

"Go ahead."

"What happen to you sir?"

"Don't worry about this" Hinawakan ni Lyster ang mukha niya at hinaplos ito. "It will heal in time." Ngumiti si Lyster sa P. I.. "You may go now, I will just transfer the remaining balance in your bank account."

Tumayo na yung private investigator yumuko kay Lyster bago tuluyang lumabas sa opisina nito.

Isa isang binuklat ni Lyster ang mga folders na dala ng P.I..

Magaling Christine, nakahanap ka pa ng pamilyang kukupkop sayo habang nagtatago ka sa akin, talagang ginawa mong lahat ito. 

Vincent, Erickson at Maximo Gonzales may mga araw din kayo.

May naisip na akong paraan para bumalik sa akin si Christine, at walang makakapigil sa akin kahit sino man sa inyo.

 ***********************************************************************************************************

Nasa tambayan ngayon si Celestine, nag-iisip ng paraan kung paano masusolusyunan ang problema nila sa dalampasigan ng Brgy. Uno.

Marami sa mga taga-brgy. nila ang sumang-ayon  na sa itatayung resort dahil kinausap sila ng abogado ng may-ari ng dalampasigan na bibigyan sila ng trabaho pagnatapos ang resort.

Ngunit mas marami pa ring tutol dahil ang pangingisda lang ang tangi nilang alam na hanapbuhay at wala ng iba pa.

"Honey, naman wag dito baka may makakita."

Napalingon si Celestine upang hanapin kung saan nagmula yung boses. Nagulat siya sa nakita niya may magkasintahang naghahalikan sa likod ng bleacher na inuupuan niya.

Twins in my Heart <3 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon