XV.

240 8 0
                                    

Imbes na bumalik sa hotel na tinutuluyan ay sumunod si Lyster sa lugar kung nasaan si Tyrone. Nasa isang bar sila nagkita at di na siya nagulat na maabutan ito na may kaliwa’t kanang babae na nakapulupot sa braso niya.

Maingay masyado sa loob ng bar kaya nag-aya agad si Lyster na kumuha sila ng private room.

“So paano bay an girls, sinusundo na ako ng boyfriend ko! Bye!” Nakuha pang magbiro ni Tyrone at nagboses pa na parang bakla.

Habang naglalakad papalayo narinig pa nila ang usapan nung mga babae. “Eeeiiii…..Yuck! bakla pala siya!” Sabi nung isang babae. “Sayang gwapo pa naman!” Panghihinayang naman ng isa.

Pangiti ngiti nalang si Tyrone at kumapit pa kay Lyster.

“You broke their heart pre!” Nakangiti sabi ni Lyster.

“Hahaha! Para masolo mo ako, I need to do that!” Paliwanag ni Tyrone. “Ano nga palang pag-uusapan natin?”

“Tungkol kay Celestine Pre!”

Ng makaupo na sila sa private room at umoorder narin ng maiinom nag-simula na ang kanilang pag-uusap.

“So what’s the problem?! Kanina ang saya saya niyo, ngayon lang nga kita uling nakitang ganun kasaya, na kahit kalian hindi ko nakita nung kayo ni Christine.”

“Yun nga yun eh, Iwant to know if she’s really Christine for me to be able to do that, I need to be close to her family pero ayaw niya.”

Inakbayan ni Tyrone si Lyster. “Bakit hindi mo nalang kasi dahan-dahanin alam mo namang napilitan lang yung taong maging girlfriend mo to save her family. Ang kelangan mong gawin eh paibigin muna siya, gain her trust at yun nay un pwede ka ng mag-imbistiga.”

Lyster sighed. “Alam ko kasing may nararamdaman na siya sa akin pero ayaw niya lang umamin.”

“Then used you’re brain pre!”

Tumayo si Lyster na parang nakaisip ng isang bright idea.

“Oh ano may naisip kana?!” Tanong ni Tyrone.

“Naiisip mo ba ang naiisip ko!” Nangingislap ang mata ni Lyster.

“Nope!”

“Alam ko na kung sinong pwedeng tumulong sa akin!”

Biglang tumayo si Tyrone. “Pre kung siya ang iniisip mo goodluck! She’s too expensive!”

“Sus, kunyari ka pa gusto mo rin namang makita siya uli!” Nanunukso ang mga titig ni Lyster kay Tyrone.

“Hindi kaya!” Pagtanggi ni Tyrone. “I don’t give a damn about her!”

“Whatever, pero siya na lang ang last resort ko eh wala na akong choice.” Pursigidong sabi ni Lyster. “I  call her.”

“Bahala ka na!” sagot nalang ni Tyrone.

Pagkatapos ng pag-uusap nilang yun nagpasya na si Lyster na umuwi na sa hotel at nag-long distance call.

Gonzales Residence

Kung anu-anong dahilan ang ginawa ni Celestine pag-uwi niya sa bahay nila para ipaliwanag kung bakit inabot siya ng gabi sa pagsundo kay Fiona. Nagpasalamat nalang siya kasi nakalusot siya ngunit hindi kay Max.

Nagulat na lamang siya ng bigla itong pumasok sa kwarto niya at galit na galit ito.

“Bakit ngayon ka lang umuwi?! Sinong kasama mo at doon ka lang nagpahatid sa may kanto?!” Pasigaw na tanong ni Max.

“Ah…ano kasi…..si Fiona….nagyayapang maglibot-libot sa mall.” Tarantang sagot ni Celestine.

“Sinong naghatid sayo?! Sino yung lalaking yun nakita ka ni Mang Ermie?!” Mas lalong galit na tanong ni Max.

Di na alam ni Celestine ang isasagot, ngayon lang niya nakitang ganun ka galit ang Kuya Max niya. Nagulat lang sila ng nagsidatingan na rin sa kwarto niya ang tatay, tito at dalawa niyang pinsan. Pinakalma nila si Max na namumula na sag alit.

“Max, tama na yan! Inumin mo muna itong tubig?!” Inabutan ni Vincent si Max ng tubig.

Kumalma naman si Max, umupo sa dulo ng kama ni Celestine at tumingin ito sa kanya ng nakakatakot.

“Now explain!” Matigas n autos ni Max. Nakakatakot talaga ang paraan ng pagbigkas nito. Kinikilabutan si Celestine hindi niya alam kung papaano sisimulan ang pagkukwento.

Nakakainis naman kasi yung matandang si Mang Ermie na yun napaka-chismoso kalalaking tao asar! Sa dami pa ng pwedeng pagkwentuhan si Kuya Max pa!

Humugot ng malalim na hininga si Celestine.

“Tay, tito at mga kuya, magsasabi na ako ng totoo?”

Lahat sila nakatingin ng seryoso kay Celestine.

“Kaibigan ko yung naghatid sa akin kanina!”

“Kaibigan ha! May kaibigan bang naghahalikan sa labi!” Galit na sabi Max. “Akala ko ba magsasabi kana ng totoo!”

“Wow hindi nga Tin! Nakikipaghalikan?! Ikaw!” gulat na sabi ni Erickson. “Impossible naman yata yun eh allergic yata sa lalaki yang si Tin!”

“Anak please ano talaga ang totoo.” Mahinahon na tanong ni Mario sa anak. “Maghihintay kami!”

Napayuko si Celestine kasi hindi niya alam kung paano haharapin ang tatay, tito at mga kuya niya. Pero napagpasyahan niya nalang na magsabi nan g totoo.

“Sige aamin na ako!’ bumuntong hininga mo na siya. “I have.” Napayuko siya ulit. “I already have a---“pero parang nawawalan siya ng lakas na ituloy ang sasabihin.

“Ano ba naman Tin! Pabitin-bitin effect ka pa dyan!” Naiinip na sabi ni Erickson.

It’s now or never! Kaya ko ‘to!

“Ialreadyhaveaboyfriend.” Galing sa ilong na pagbigkas ni Celestine.

“Ayusin mo naman Tin hindi namin maintindihan!” Naiinip na rin si Vincent.

“May boyfriend na ako!” Nahihiya man pero saw akas nasabi narin ni Celestine.

“Huwhatt!” –Vincent at Erickson.

“Anoooo!”  -Mario, Manuel at Max.

Napapitlag si Celestine sa lakas ng boses ng lima.

Unang nakabawi sa pagkabigla si Erickson at kinulit-kulit si Celestine. “Talaga Tin! Sa wakas Tin may botfriend ka na! Goodluck sa kanya! Sino? Sino?” parang batang tanong ni Erickson.

Hindi naman pinansin ni Celestine si Erickson dahil sa tatay niya siya nakatingin.

“Anak, bakit ngayon mo sinabi yan sino yung lalaki? Paano kayo nagkakilala, gusto ko siyang makilala.”

“Tay kasi ano eh, opo sa susunod po dadalhin ko siya dito! Promise!”

“Dapat lang, gusto naming kilatisin yang boyfriend mo at kung bakit mo siya nagustuhan.”

Tumayo si Max at dali-daling lumabas sa kwarto ni Celestine. Parang lalo itong nagalit. Sumunod na rin ang tito  at dalawang pinsan niya. Tumabi si Mario sa anak.

“Anak, malakika na, alam kong alam mo kung ano ang ginagawa mo! Nandito lang ako para suportahan ka!”

Yumakap si Celestine sa tatay niya.

“Alam kop o tay, kaya nga mahal na mahal ko kayo, kasi napaka-understanding mo! Salamat!” Hinalikan ni Celestine ang tatay niya sa pisngi.

“Basta ipakilala mo siya sa akin ha! Para naman makitatis ko siyang mabuti!’

Tumango nalang si Celestine.

Tay patawad! Kelangan ko talagang magsinungaling sa inyo!  

******************************************************************************************

Later XVI. 

iangelspark

Twins in my Heart <3 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon