XVI. Part 1

254 8 0
  • Dedicated kay to al the readers of TIMH
                                    

Naiinip na si Lyster, nandito na naman siya sa bayan at nasa airport siya ngayon. Inaabangan niya ang pagdating ng isang taong tutulong sa kanya para paaminin si Celestine sa nararamdaman nito para sa kanya.

Hanggang sa nakita nan i Lyster ang hinihintay niya. She is wearing a white sleeveless dress with a red belt as an accessory, a red high heel shoes and a silver shoulder bag and take note all branded. This is the woman he and Tyrone called expensive.

Laila Rhaine Locksmith, 22 years old, half-British half-Filipino, she’s good in tagalog but she stop speaking it for unknown reason. She is Lyster’s cousin, she has a pretty face, and she’s a model a bit liberated and a body to die for.

 “Hello! There my dear cousin!” She is smiling and kiss Lyster on his cheek.

 Lyster smile.  “Let’s go Lai, we need to plan everything!”

 “Not so fast dear cousin.”

 “Yeah! Yeah! I know what you ask for in return, will talk about it later!”

Hinila na ni Lyster si Laila sa kanyang kotse at pagkatapos maayos lahat ng baggages ni Laila ay umalis na sila sa lugar na yun.

 Matamlay si Celestine, simula ng eksena na yun sa kwarto niya ay naging ganun na siya. Nalilito, naguguluhan tapos nag-away pa sila ni Lyster.

 Nakakainis yung lalaking yun ni hindi man lang mag-text o tumawag! Alam kung nag-away kami ng huli kaming magkita pero dapat gumawa naman siya ng paraan para nagkaayos kami. Tsk ako naman pala may kasalanan. Syet lang namimiss ko na siya! Lyster…….. Kung nandito lang sana si Kuya Max,mapapagaan niya ang nararamdaman ko! Kaya lang isa pa yun ilang araw ng hindi umuuwi.

“Good Morning Philippines! Good Morning Celestine!” Napahawak si Celestine sa dibdib niya sa sobrang gulat sa ever energetic na si Fiona.

“Ano k aba naman Fiona, nakakagulat ka!”

“Oh I’m sorry, where is Vincent my loves?” Naiinis si Celestine sa kaartehan ni Fiona magsalita kaya ginaya niya ang paraan nito ng pananalita.

 “I don’t know for all I care!”

“Ito naman di na mabiro, wait lang bakit parang hindi maganda ang araw mo?! LQ noh!”

 “Haayyy!!” Tumango si Celestine. “Kasi naman eh!”

 “Kasi ano?!”

 “Basta!”

 “Ok fine bahala ka na!” Suko na si Fiona. “Pero para mawala yang badvibes mo eh gala na lang tayo please! Boys hunting kung gusto mo!”

 “Baliw ka ba?”

 “Matagal na ano ka ba! Ano na lang kung ayaw mo eh let’s go shopping treat ko!”

 “Promise!” Ngumiti si Fiona at tumango.

“Para mapalitan ang mga wardrobe mo ng magagandang dress, para mas lalong mainlove sayo si fafa Lyster!”

 “Halika na nga!” Sumang-ayon na lang si Celestine.

Nagtungo sa mall sila Fiona and Celestine syempre sa bayan dahil dun lang naman may mall. Nagpalibot-libot sila sa loob upang pilian ng mga damit, sapatos at kung anu ano pang accessories ni Fiona si Celestine, pasoksa isang boutique, sukat dito, sukat doon tapos bibilhin yung nagustuhan, lalabas, papasok na naman sa ibang boutique hanggang sa napagod sila.

 “Grabe! Ang dami mo namang pinamili sa akin, nakakahiya naman.”

“Sus! Nahiya pa daw, bet mo naman, hehehe! Basta lahat yan gift ko sayo kasi ang tagal nating hindi nagkita, wag kang mag-alala hindi kita sisingilin, kasi matagal ko ng dream na ayusan ka at pagsuotin ka ng ganitong mga damit, para ka kasing model.”

Twins in my Heart <3 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon