Chapter 24

3.8K 126 63
                                    

Chapter 24

-----

The day of the wedding arrived. May make up artist at hair stylist ang pumunta sa unit ko para ayusan ako, courtesy of my best friend Demi na hindi raw papayag na naka-dress nga ako tapos ay bared face naman. It was also her way of making sure I'd attend her wedding.

After ko maayusan ay sa mansyon ako ng family ni Demi nagpahatid. Demi also prepared a car, with a driver, for me to use. Talagang wala akong pwedeng gawing excuse para hindi um-attend sa wedding niya since lahat ng pwede kong ireklamo ay nagawan niya na ng paraan.

Sa mansyon nila Tita Ria ako dinala ng kotse since doon inaayusan ang mga kasali sa entourage. Medyo may pagka OC rin kasi si Tita Ria na ang gusto talaga ay pareparehas ang mga abay, from their clothes to their shoes and make ups. Ako lang 'yung medyo naiba since maid of honor naman ako ni Demi.

Pagdating sa mansyon ay nakita ko pa sina Kal sa may pool area, mga naka slacks at dress shirts pero hindi pa suot ang mga coats ng suit nila. I didn't look that long, hindi ko nakita si Caspian na kasama nila kaya wala rin akong naisip na dahilan para tingnan pa sila doon.

I went up the grand staircase and went straight to Demi's room. Nakita ko pa si Asher na nasa sala ng second floor at hawak ang kanyang cellphone. He looked like he was lookin for signal, nakataas ang kamay niyang may hawak na cellphone at kung saan saan niya iyon itinatapat. Napataas ang kilay ko at nagmamadaling nilampasan ko ang sala.

There was a men in suit outside Demi's room. They were probably there to monitor the people going in and out of the bride's room lalo pa at may filming crew ang darating maya maya lang para i-document ang kasal ni Demi.

Pinagbuksan ako ng pinto noong body guard ni Demi. He was familiar since siya ang kasama ni Demi parati noong bago pa siya kuhanin ni Kamatayan dito sa bahay nila.

"I can't believe this is really happening." I said with a chuckle. Napatingin si Demi sa akin at parang automatic na namula ang magkabilang dulo ng mga mata niya. "Para nung isang araw lang ngungawa ka pa sa condo ko dahil inuwi ka ni Kamatayan sa unit nila. Tapos eto ka na ngayon, nakasuot na ng wedding gown."

"Shut up, Quinn. Tulungan mo na lang ako dito." Umirap si Demi sa akin na reason para matawa ako. She could pretend that she was annoyed but her tone betrayed her. Inirapan ko na lang din siya at nilapitan. I touched the hem of her gown, pretending to fix it kahit wala namang mali.

I was at a loss of words for a very brief moment. Kasi ano ba dapat ang sinasabi sa best friend na ikakasal?

Napalunok ako, trying to swallow the lump that suddenly appeared in my throat. Parang maiiyak na rin ako while pinagmamasdan si Demi na suot na ang kanyang wedding gown.

Wow. Totoo na talaga. Ikakasal na ang best friend ko.

"Bakit kasi ganito pa yung gown e." Kunyari ay inis na sabi ko. Just to say anything. Wala naman talagang mali sa gown. Ayoko lang talaga umiyak dito kaya manlalait na lang ako. "Asan ba bride's maid mo?"

Demi snorted, halatang nagpipigil lang din na maiyak.

"Did you even read the invitation? Last time I checked, may pictographic memory ka. Anong nangyari sa utak mo?" Mataray na tanong ni Demi.

Natawa ako doon and for a weird reason, I sniffled.

"I literally got my dress yesterday." My voice was croaked and I was sure the tears would fall anytime now. "Tapos ay aasahan mo pang nabasa ko ang invitation? Come on, Dems. You know me better than that."

Nag irapan kami ni Demi and it was like we were both thinking the same; we hugged each other.

Demi sniffled as she placed her forehead on my neck. Pigil na pigil ko ang sarili ko na maiyak but I still felt a thin trail of tears on my cheeks.

EZH #4: Caspian Hernandez [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon