Chapter 24

72 4 1
                                    

Maagang nagising si Maya dahil may napagkasuduan sila ni Gelal. Bago sila uuwi ng Maynila..mg surfing muna sila at nagkasunduang magsamang mg swimming.
Inihanda na kaagad niya ang sarili para sa kanilang napagkasunduan. Lumabas na kaagad siya dala ang malaking bag.

Nakita niya si Gelal na naghihintay sa kaniya. Naka trunk ito at nakasando hawak ang pang surfing. Lalaking lalaki ito tingnan sa kanyang paningin.

Ngumiti ito.

"Tayo na" yaya niya rito.

Nang makarating na sila sa dagat..ayun nag susurfing na kaagad sila. Tinuruan pa siya nito. Ramdam niya ang hawak nito sa kanyang mga kamay. Masayang masaya siya sa mga oras na iyun.

Tumatawa sila pareho. Parang kalian lang simula noong ngkahiwalay ang kanilang landas.Maniwala na talaga siya sa destiny💞💞

Andito na sila ngayon sa isang kainan sa boracay. Ayun na aackward parin siya. Pabebe. Parang napansin ni Gelal na hindi siya komportable.

Panay ito sa pagtingin sa kanya.

"Whats wrong?" puna sa kanya ni Gelal.

"Pwede bang mg C.R muna ako??magbihis lang ako saglit" paalam niya rito.

Tumawa lang ito.

"Okay, take your time"

Kasi nga naman ng two piece lang siya. Hindi siya sanay kahit pa maganda ang katawan niya hindi parin siya komportable. Baka hindi mapigilan ang sarili nito dahil panay itong nakatitig sa kanyang dibdib.

Dali dali siyang pumasok sa C.R para mgbihis. Tiningnan niya ang kanyang relo. 20 minutes na pala siya sa C.R..

Pumunta na kaagad siya sa may canteen para bumili ng dalawang drinks.

Nakita niya si Gelal na nakatayo sa canteen. Nakita niya na may lumapit ky Gelal. Kilala niya iyun.

"pre, masaya ako para sa inyo..ngkaayos na pala kayo ni Maya...mabuti kapa supurtado sa iyo si Mark" sabi ng lalaking kaharap ni Gelal

Napatago siya sa may malaking pader.Mariin siyang nakikinig.

"Jake, yes ofcourse I always pray for that and God granted me and sa wakas ngkaayos na kami ni Mark" sabi naman ni Gelal na nakangiti.

"ou nga eh..nakita ko nga siya bumili ng dalawang ticket..akala ko para iyon kay Nanette at sa kanya..mapa sana all talaga ako" sabi naman ng lalaki na parang na inggit ito.

Kinakabahan na talaga siya sa nangyayari. All this years, pinamukha siyang tanga.

"Don't say that Jake, ..baka marinig ka ni Maya"

"Sorry, mauna na ako" paalam nito ky Gelal.

Hindi na maintindihan ni Maya ang nangyayari. Sari sari na ang kanyang naisip.Nagpasya na lamang siya na bumalik sa hotel na kanyang tinutuluyan.

Matagal na palang nagkaayos ang kapatid niya at si Gelal. Bakit pinamukha pa siyang tanga??Ang ticket?Free accomodation?Set up lang ba lahat ng iyun??

Kinuha niya ang cellphone at dinial niya ang number ng isang kaibigan na nagtrabaho sa hospital kung saan na confine si Junjun.

"Hello, Sherly"

"Maya, napatawag ka??"

"Tungkol ito sa bill ng pamangkin ko, pwede bang malaman kung mgkano lahat??"

Dahil hindi sinabi ng kanyang kapatid kung magkano talaga ang nababayaran nito sa hospital.

"Bakit nag alala ka Maya..eh nababayaran naman lahat..wala naman kayong remaining balance"

"Please Sherly, .Please do me this favor"pagmamakaawa niya dito.

Ilang sandali ang lumipas.

"Maya, 500,000.00 pesos"

"Salamat Sherly"

Binaba na kaagad ni Maya ang kanyang cellphone.
Kompirmado na niya ang lahat na ang nagbabayad noon ay si Gelal.

Uuwi na siya bukas..kahit ang ticket niya ay pang makalawa pa.
Tiningnan niya ang kanyang relo..mag 7pm na pala.

Naka 20 miscalls na pala si Gelal.

Nasaktan talaga siya sa nagyayari.Hindi niya na maisip na kunwari pala lahat ang mga iyun. Ang saya na pinaramdam sa kanya ay hindi pala totoo.

Tumulo ang kanyang luha nang tiningnan niya ang tawag mga tawag nito.

Inihanda na niya ang kanyang mga gamit para sa pag alis.
Mayat maya pa may kumatok.

"Maya, whats wrong??" sabi nito.

Hindi parin niya ito pinansin.

"Please, mag usap tayo, huwag ganito.." dagdag na sabi nito.

"You lied to me Gelal!!" sabi niya na tumulo na ang kanyang luha.

"Give me a chance na ma explain ko ang lahat"
Hindi parin niya ito pinansin.

"Hindi ako aalis dito kung hindi mo ako pagbuksan ng pinto" sabi pa nito sa kanya.

Hindi na siya umimik dahil umagos na rin ang kanyang luha habang nakahiga.

Mayat maya pa naalimpungatan siya nang may kaluskos sa labas.

$💜💜💜$

Please vote po. And say something bout this story😘

My Little Girl😉(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon