Prologue

2.7K 75 11
                                    




AYA'S POV


"Xyrix, siguro ay hindi talaga tayo para sa isa't isa," biglang sabi niya sa kabilang linya.

"Ano bang sinasabi mo diyan, Ashton? hahaha " Kinakabahang tanong ko habang pilit na tumatawa

"Seryoso ako, Xyrix. I'm brea------" pinutol ko kaagad ang sasabihin niya

"Hahaha, nagbibiro ka lang di'ba? Prank lang 'yan di'ba? Kumain ka na ba? Baka gutom lang 'yan," sunod sunod na sabi ko dahil hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan niya kaya niya nasasabi 'yan

"Shit." pagmumura niya. Huminto siya sa pagsasalita ng ilang segundo bago ulit nagsalita "Im fvcking serious, Xyrix. I already know that.. my decision will fvking hurt you. Pero kasi Xyrix, iba kasi kapag nakikita at nahahawakan ko yung taong mahal ko. Ibang iba. Siguro nga tama sila na, oo Rpw will makes you happy pero hanggang do'n lang 'yon" seryosong sabi niya na dahilan kung bakit naiiyak na ako

"A-ano bang sinasabi mo ha? A-akala ko ba hanggang real world na tayo? Akala ko ba matutuloy ang meet-up na plinano natin? Akal-----"

"Akala ko rin 'yon. Akala ko ikaw na. Akala ko lang pala" agad tumulo ang luha sa mga mata ko.

Tangina.

Ilang minuto akong hindi nagsalita bagkus ay humagulgol lamang ako sa pag iyak. Hindi malabong hindi niya marinig iyon dahil hindi ko kayang pigilan ang pag iyak ko

"Fvck Xyrix, don't cry please. Nasasaktan ako"

"Gago ka ba? Ano ako robot? Walang damdamin para hindi masaktan? Anong gusto mo? Magtatatalon ako sa tuwa kasi nakikipaghiwalay ka?" natawa naman ako bigla sa sinabi ko pero halatang pilit 'yon "Eh kung saksakin kaya kita tapos sabihin ko sayong 'wag kang mamatay? Mapipigilan mo ba ha? Di'ba hindi! Kaya hindi mo rin ako mapipigilan sa pag iyak ko kasi nasasaktan ako!"

"That's not what I mean"

"Saka anong sabi mo? Nasasaktan ka kapag umiiyak ako. Tangina naman Ashton. 'Wag akong umiyak pero ikaw mismo ang dahilan kung bakit ako umiiyak ngayon"

"I'm really sorry, Xyrix"

Huminga ako ng malalim bago nag salita "B-bakit ngayon mo lang naisip at sinabi 'yan? Kung pwede namang inagahan mo ang pag iisip mo tungkol sa bagay na 'yan. Hindi yung pinatagal mo pa yung relasyong kahit kailan ay hindi mapupunta sa reyalidad huh?! Nangako ka pa kung hindi mo rin naman pala tutuparin? Pinatagal mo pa para ano? Para masakit ba?" Sigaw ko sa kanya kahit alam kong basag na ang boses ko kakaiyak

"Nasa Rpw lang tayo, Xyrix. Kaya hindi mo dapat sineseryoso kung ano mang mayroon dito"

Tama nga naman siya.

"May iba na ba?" Mahinahong tanong ko pero ang lakas ng kutob ko na meron.

"Xyrix, hindi mo kailanga----"

"M-madali lang sagutin ang tanong ko oo o wala lang, Ashton. May iba ka na ba?"

"Sa tingin ko, oo. Sorry Xyrix ginawa ko naman ang lahat para hindi mahulog sa iba e."

"Mali ka ro'n, Ashton. Kasi kung mahal mo ako hindi ka mahuhulog sa iba."

"Minahal kita, Xyrix----"

"S-sana pala hindi nalang kita nakilala, Ashton. K-kung alam ko lang na masasaktan ako. Sana hindi ko nalang pinasok 'tong mundong 'to" agad kong pinatay ang tawag saka umiyak ng umiyak.

Pagkatapos kong umiyak ay bumalik na ako sa condo unit namin ni Desi, tinatakpan ko ang mukha ko gamit ang buhok ko kapag may makakasalubong ako. Baka may nakakakilala sa'kin at makitang mugto ang mga mata ko.

Malapit na sana ako sa unit namin nang mapaatras ako sa gulat nang may biglang lumabas sa pintuan ng katapat ko ngayong unit.

"Athena? Anong ginagawa mo rito? Gabi na ah," Gulat ding tanong ni Ethan. Awtomatiko akong yumuko dahil baka mapansin niya ang mata ko at malaman pa ni Desi.

"Ah a-ano, may b-binili lang. Sige mauna na ako," saad ko na hindi tumitingin sakan'ya saka nagtungo na ako sa unit namin na katabi lang ng unit nila

First try, First heartbreak.






A/N: Ang mga pangalan, pangyayari at lugar ay kathang isip ko lamang.

Kung 'di niyo trip basahin ang storyang ito. Edi 'wag basahin char. 

RᴏʟᴇPʟᴀʏᴇʀ WᴏʀʟᴅTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon