Chapter 12

513 18 6
                                    





AYA'S POV


Nasa coffeeshop ako ngayon dahil ako ang bantay. Mas dumami rin ang mga customers namin ngayon kaysa no'ng nakaraang araw.


Dahil wala namang magawa ay ako muna ulit ang naging kahera. Wala akong masyadong kinausap dahil nga sa dami ng customers.


"Goodmorning, sir. What's your order?" nakangiting sabi ko sa kaharap ko. Pero naiinis ako. Imbis kasi na sa menu siya tumingin, ako ang tinitingnan. Hinihintay ko order mo ser!


"By the way, are you the manager?" Nakangising sabi niya. Teka pamilyar 'tong lalaki na 'to.


"Yes, sir. And I'm the owner of this coffeeshop. Is there any problem, sir?" Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin. Pinagsasasabi ba nito? Naiinip na 'yung nakapila sa likod mo hoy!


"Oh, I am Hanz and you are Athena, right?" Agad na nanlaki ang mga mata ko. Pa'no niya nalaman? Stalker ko ba ire?. Tiningnan ko ang name tag ko at 'Aya' ang nakalagay rito. Pa'no niya nalaman na Athena ang name ko? pisti


"Ah sir, oorder ka pa po ba? Hahaba kasi ang pila kung magpapakilala ka lang naman," napalingon naman siya sa kan'yang likuran at agad siya napaharap sa'kin.


"O-one Café Latte," jusme, ayan lang pala oorderin. sarap manakal


"Ihahatid ko na lang, sir. Yawa ka" mahinang sabi ko sa kan'ya. Naguguluhan man siya ay tumango na lamang siya at humanap ng mauupuan.


Inasikaso ko na agad ang mga nakapila at mga nakataas na ang kilay, pisti. Inasikaso ko lang ang mga natirang nakapila kanina pero nang may panibago nang pumipila ay nagtawag na ako nang papalit sa 'kin. Ginawa ko na rin ang Café Latte 'nung Hands? Hans? ba 'yon? Ah basta 'yung lalaki na 'yon. Hindi ko na lang nilagyan ng name ang kape niya. Ipakain ko 'to sa kan'ya e.


Pagkatapos ay hinanap ko na siya at ang akala ko ay umalis na siya. Tss 'di pa umalis. Char.


"Ito na ang kape mo" kasabay no'n ang paglapag ko ng kape niya. At nakangiti nanaman siya sa 'kin. Arggh kakainis


"Hello-----"


"Paano mo ako nakilala?" Deretsahang tanong ko.


"Woah! kalma HAHAHA pinakilala ka na sa amin ng kaibigan mong si Desiree"


"Ha?" Naguguluhang tanong ko. 'Di 'ko gets.


"Abbigail is our friend, nakilala namin si Desiree 'nung pinapunta kami ni Abbigail sa unit nila. Wala ka nga lang do'n pero pinakilala ka na sa 'min ni Desiree"


"Pa'no mo nalamang ako si Athena, e hindi pa naman tayo nagkikita?" Nakataas pa ang kilay ko, nakakainis talaga.


"Naalala namin kayo, kasi kayo rin 'yung nagbantay rito 'nung time na nagpunta kami rito." Okay?


Lalo ata akong nainis ah, isa pala siya do'n sa kasama 'nung lalaking nang-agaw ng taxi sa 'kin. Kaya pala pamilyar siya.


"Nice to meet you," tanging nasabi ko na lang at akma na sana akong aalis nang may naalala ako "By the way, pakisabi ro'n sa kaibigan mo na mang-aagaw ng taxi. Huwag siyang magpapakita sa 'kin"


kahit g'wapo pa yo'n, kung panget naman ng attitude. Wala rin.


"And about that, ako na ang humihingi ng tawad sa inasal ng pinsan ko. I'm sorry"


RᴏʟᴇPʟᴀʏᴇʀ WᴏʀʟᴅTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon