Chapter 1

1.1K 38 5
                                    


AYA'S POV

"Woy! Ano yan Desi?" Hindi naman agad sumagot si Desiree sa tanong ko dahil patuloy lang siya sa pagtitipa sa kanyang selpon. "Desi!!!" Agad siyang napabalikwas mula sa pagkakaupo niya nang sumigaw ako

"Ano ba? Ba't ka ba sumisigaw?" Busangot niyang tanong

"Tinatanong kasi kita kung ano 'yang ginagawa mo, hindi ka naman sumasagot kaya sinigawan na kita," nakangiting sabi ko

"Aishh I'm just using my RP account here, okay?" maarte niyang sabi

"RP account?"

"Athena Yin Ashleigh Vergara-----"

"Ano ba Desiree! 'Wag mong buuin ang pangalan ko. Aya nga diba?! Aya!"

"I'm kidding. Btw itong rp account na 'to ay ginagamit sa RPW or Role Player World"

"Role Player World? Ano yun Desi?"

"Myghaaddd Aya! Huli ka na ba sa balita? Ba't parang galing ka ng bundok?"

"Eh? Malay ko ba sa mga ganyan"

"So ieexplain ko sayo.. Sabi nila ang RPW or Roleplayer World ay mundo kung saan lahat ay kasinungalingan. Roleplayer world is our escape from reality. You can fake your name, your address, your lifestyle and etc. You can make everyone believe you since you are just typing what you are saying. No one will know if you are saying the truth or not. You can even fake your personality------"

"Parang poser ganon?" Agad siyang umiling

"Nope, ang poser kasi Aya ginagaya nila ang account ng iba or kinokopya lahat ng info ng totoong pinanggayahan nila ng account. Para makapanira ng ibang tao o para manggaya lang talaga ng katauhan. Pero ang mga Rp'ers na katulad ko ay hangad lang namin ang kasiyahan sa mundong ito." Madramang sabi niya

"Oo na, tapos?"

"Pinakamain na dito ang paghahanap ng ka-RS (relationship). Halos lahat nga ata ng nasa RPW puro RS na ang inaatupag nila. Afterall, naglolokohan lang naman sila. Rpw lang 'to where everything is a game, a lie. I know in myself, once you enter in a relationship in RPW, meaning pumasok ka na sa isang laro. Sa laro na kung saan ang unang magkagusto ay siyang talo dahil laro lang naman ang lahat"

Napaisip agad ako sa sinabi niya. Parang ang hirap naman magka gusto ron? 'Di mo alam kung totoo rin ba yung nararamdaman niya. Kaya kung marupok ka, talo ka

"Ganyan dito sa RPW, hindi mo alam kung ano ang totoong nararamdaman ng isang RP'er sa likod ng mensaheng natanggap mo. Ito rin 'yung masakit sa RPW e. Alam mong lahat peke lang. Alam mong lahat pwedeng niloloko ka lang o pwedeng rp to rp lang pero nasasaktan ka pa rin. Alam mo yung gagawin pero pinipili mong mag-enjoy. Alam mo ang lahat pero nagpapakatanga ka pa rin. Kasi nahulog ka sa taong dapat laro lang."

RᴏʟᴇPʟᴀʏᴇʀ WᴏʀʟᴅTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon