Chapter 2

638 30 0
                                    


AYA'S POV

Dalawang araw ang lumipas simula nang ginawan ako ni Desi ng RP account. Pero takte hindi ko 'to magamit, dahil hindi ko alam kung ano ang dapat gawin dito.

May mga words din akong hindi maintindihan dito katulad ng mga rb? Lbdp ba yun? Basta ayun yung mga ganon

Hindi ko naman maistorbo si Desi dahil nasa coffeeshop siya. Salitan lang kasi kami sa pag aasikaso ng coffeeshop namin. Para kahit papaano mayroong magbantay dito sa condo namin.

"Aya!!" Sigaw ng kung sino mula sa pintuan namin. I think, si Desi na 'to. Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa sofa at binuksan ang pinto. Pagkabukas ko, nagderederetso si Desi sa pagpasok

"Oh Desi, kapagod ba?" Pangiinis ko dito at pumunta ako ng kusina para magtimpla ng kape

"Hindi ba obvious, Aya?" Pinaikutan lang niya ako ng mga mata niya saka siya naupo sa sofa

"So, kamusta na yung account?" Biglang tanong niya at saktong humihigop ako ng kape muntik ko pang mabuga

"Oh? Anyare sayo?" Tanong niya saka lumapit sakin

"Wala.. May sasabihin pala ako"

"Ano yun, Aya?"

Humigop muna ako ng kaunti bago nagsalita "Hindi ko nagamit yung account na ginawa mo kasi hindi ko alam kung paano" nakatungong sabi ko pero bigla siyang tumawa

"Ano? Woy te andali lang non parang fb lang yun"

"I mean, hindi sa hindi ko alam kung paano ang ibig kong sabihin may mga hindi ako maintindihan dun, parang 'di ako makarelate ganon? Saka naninibago ako puro mukha ng koreano yung bumubungad sa newsfeed ko" nakabusangot na sabi ko pa

"What the---- HAHAHAHHAAHA pagpahingahin mo muna ako Aya HAHAHA at tuturuan kita HAHAHA shet ka!" Tawa tawang sabi niya at pumasok sa kwarto namin

Psh, baliw

One hour ago

"So ganto kasi yan... GRP means Girl RolePlayer ata-----"

"Hindi ka pa sure ah"

"Huwag kang epal 'di pa ako tapos e" napatawa lang ako.. " So yung BRP naman ay Boy RolePlayer. Ang CRP nakalimutan ko meaning ng acronyms nun pero ibig sabihin ng CRP ay hal. babae ka pero nagpapanggap kang lalaki ganern. Tapos yung RB naman. React back ata yun. Yung kapag nag react ka sa isang post nila tapos gusto mo ireact din yung post mo icocomment mo sa post nila yung RB? Haha im not sure. Wala kasi akong source tinatamad akong mag research"

"Then, yung LBDP (LoveBack Dp) naman ay yung nag heart react ka sa profile nila at gusto mo i heart react din yung iyo. Gets? Yun palang alam ko e?" Kamot ulong sabi niya

"Okay lang HAHAHA pero nakakapagtaka lang. 8 months kana diba sa RPW? Pero yun palang nalalaman mo? Kaloka ka!" Natatawang sabi ko na ikinukunot ng noo niya

"Eh? Sa yun lang yung mga common na nakikita ko sa RP e, epal 'to"

"HAHAHA sorry na. So paano makahanap ng jow-- ah haha wala nevermind" Tanong ko

"Malandi pala ako ha" pang aasar niya

"Eh? Kasi diba sabi mo nagkakaroon ka ng ka-RS dito?"

"Ah oo , pero syempre kailangan mong gamitan ng super powers"

"Super powers?"

"Chareng lang, I mean gagamitan mo ng landi HAHAHA yung ikaw ang mag fifirst move ? Akin na nga selpon mo" inagaw niya sa akin ang selpon ko saka nagpipipindot

Pagkatapos ay ibinalik niya sa akin ito at nagulat ako kasi nagpost siya ng 'I am newbie here' tiningnan ko siya ng masama

"Bakit? Wala namang masama ah, tingnan mo kung maraming magrereact"

"Teka marami na friends nito?" Tumango naman siya

"Inadd ko lahat ng RP yung account e HAHAHA"

"Pero, Aya may kaisa isang rule ang RPW." Mahinang sabi ni Desi kaya napalingon ako sa kanya

"Ano naman yun?"

"No OP related (Original Picture) kumbaga hindi ka pwedeng magface reveal sa lahat ng RP'ers, ang kaso lang hindi na sinusunod yun ng iba. Basta kapag maganda o gwapo ka okay lang. Pero pag shonget okay wala na"

"Paano kapag sineryoso ako ng kausap ng magiging ka-RS natin? Tapos mag mimeet ganon, bawal pa rin?"

"Kung seseryosohin ka." Natahimik nalang ako. "...Saka gusto kong hindi tayo magreveal kasi sa RPW, pwedeng masaktan tayo. Okay na yung fake lahat kahit totoo yung nararamdaman mo hays.."

Maya maya pa ay tumunog ang selpon ko, agad ko sana itong kukunin nang maunahan naman ako ni Desi

"Omygaaaddd ang daming nagreact!!! May mga nagcomment pa oh!" Agad naman ako nakitingin sa selpon at napalaki nalang ang mata ko sa gulat

"139 reacts, 96 comments" bulong ko

"Sanaol straight love react. Famous agad, Aya ang galing kong mag add HAHAHA" hindi ko nalang siya pinansin at tiningan ko ang mga comments nila

Puro, 'welcome' 'hi' hello' lang naman ang comments nila at mayroon din pala na nag comment ng RB, sabi ni Desi ireact ko nalang daw yung post nila pag may ganon. Hinart react ko naman ang mga nagcomment ng welcome chuchu. At nireplayan din ito

Kaso lalo silang dumarami kaya nagoff muna ako at lumingon kay Desi na natutulog na pala sa kama niya.

Tama nga si Desi,

RPW will makes me happy






A/N: Ang RS po ay Relationship Status ay kung saan magiging mag bf o gf kayo sa RPW. Ang DRS naman ay Display Relationship Status ay kung saan display ka lang layk walang kayo, parang m.u ata o ka fling? Ang CRP naman ay Cross Role Player, kung saan lalaki ang account pero babae ang may ari nito o babae ang account pero lalaki ang may ari nito.. Mas sikat nga lang ngayon ang Boy Rp kaysa sa Girl Rp, 'di tulad noon ay babae ang hinahabol. Yun lang 💖☺



Hi guys don't forget to VOTE, COMMENT, and SHARE💖

RᴏʟᴇPʟᴀʏᴇʀ WᴏʀʟᴅTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon