Chapter 6

424 23 0
                                    


ETHAN'S POV

"Alam niyo ang tatagal niyong magsikain" inip kong sabi

"Bakit ba kasi madaling madali kang kumain, yan tuloy wala ka nang pagkain kaya yung tahimik naming pag-aalmusal ay pinapakealaman mo" saad ni Hanz na may makahulugang tingin

"E-eh sa nagugutom ako kaya n-nagmadali akong kumain kanina" palusot ko pa

"Nagugutom ka naman pala e, edi kumain ka ulit" sabi ulit ni Hanz sabay abot ng pera "Ayan, umorder ka ulit. Kawawa ka naman"

"Gago, hindi ako nagugutom" sabi ko sabay balik ng pera sa kanya

"Sabi mo kanina nagugutom ka? Ano ba talaga kuya?" Singit ni Glenn

Taena nitong mga 'to

"Sabi ko nga nagugutom ako, akin na nga yang pera" saka inis akong tumayo at nagtungo sa cashier agad naman akong inasikaso ng staff nila dito

Pagkatapos kong umorder ay hinintay ko na lamang ang order ko, wala pa namang pumipila. Napadako ang tingin ko sa babaeng nakaupo at nagcecellphone sa kanang bahagi ng cashier dito. Siya ata yung may-ari nitong coffeeshop. Siya rin yung babaeng inagawan ko ng taxi.

"Ah sir, ito na po yung order niyo" tawag sa akin ng nasa cashier kaya agad akong lumapit

"Ah thanks" matapos niyang iabot ang order ko ay napatingin ulit ako sa babaeng nakaupo kanina, patuloy pa rin siyang nagcecellphone. Kaya bumalik na ako sa pwesto namin

"Ang tagal umorder ha" sabi ni Glenn

"Pake niyo ba? Pina-order niyo 'ko tapos aatatin niyo ako?"

"Oh easy lang, sige kumain kana. Bilisan mo. After mong kumain babalik na tayo sa trabaho"

"Psh" singhal ko sabay kagat ng malaki sa sandwich na inorder ko

"Bago palang 'tong coffeeshop na 'to dito pero ang daming tao na ang bumibili rito 'no" saad ni Hanz sabay higop ng kape

"Syempre masarap naman kasi e" komento naman ni Glenn

"Saka maganda rin kasi yung may-ari nito HAHAHA" biglang dagdag ni Hanz kaya napatingin kami sa kanya

"Ano?!" sabi ko

"Bakit??" Sabay nilang sabi

"Ha? I mean , Ano... may sasabihin ako sa inyo"

"Ano yun?"

"Yung babae kasing may-ari nito. Inagawan ko ng taxi kanina, syempre late na kas--------"

"Ano naman kung late ka? Dapat 'di mo pa rin inagawan ng taxi, gago" sabi ni Hanz

"Oo nga, hindi ka gentleman nako kuya" pagsang-ayon ni Glenn

"Magagalit nga lalo si dad kung nalate ako ng sobra" depensa ko pa

"Pero napagalitan kana kasi late ka. Edi sana binigay mo nalang yung taxi d'on sa babae kasi mapapagalitan ka na rin naman, tulok 'to" sabi ulit ni Hanz.

"Mapapagalitan kana rin naman, hindi mo pa sinulit, tanga" dagdag pa ni Glenn

"Oo na mali ako tangina niyo"

"Oh namura pa kami" pailing iling pang sabi ni Hanz

"Sa susunod na magkita kayo, magsorry ka" sabi ni Glenn

"Oo na, ako na bahala d'on. Isipin niyo yung condo nating tatlo"

"Maghanap na tayo bukas, tutal wala naman tayo mga pasok bukas e" sabi ni Glenn

"Oo para malaman na natin kung magkano ba yung pag aambagan natin" sabi ni Hanz

"Akala mo talaga malaki yung iaambag niya oh" asar ko

"Last na yun na gagastos ako ng malaki" proud pa niyang sabi

"Saka sabi mo kuya may nakita ka ng condo diba?" Singit ni Glenn tumango naman ako.

"Magtanong tayo d'on baka may bakante pa. Tss mukha tuloy tayong kawawa haha" sabi ni Hanz

"Btw kuya, nakuha mo ba yung pangalan nung babae?" Tanong nitong kapatid ko

"Glenn" sabay naming sabi ni Hanz

"Bakit? I'm just asking" kibit balikat niyang saad











AYA'S POV


Psh nagoffline agad. Nag tatype palang ako kanina e

"Ma'am andiyan po si ma'am Desi" sabi ni Claire , isa sa mga staff pa namin dito tumango lang ako

Ha? Kala ko ba ako bantay ngayon dito?

Maya maya pa ay bumungad agad ang mukha ni Desi sa harap ko

"Bakit ka andito?" Tanong ko

"Ihh ang boring sa condo, walang magawa. Dito nalang ako" maktol niya tapos lumingon pa siya paligid. Pero bigla nalang hindi siya lumingon sa akin na animo'y may nakita siyang kanais nais. Tss

Kinalabit ko ang balikat niya para lumingon ulit siya sakin "Woy! Ano ba yung tinitingnan mo?" Pero ang gaga di ako nilingon

"Hindi 'ano' kundi 'sino', Aya. Shet ang gwapong nilalang" sabi niya habang hindi pa rin ako tinitingnan. Sabi na e nakakita ng kanais nais

"Saan ba? 'Pag yan hindi gwapo sasapatusin kita" agad naman niyang itinuro yung tatlong lalaking kumakain at nag dadaldalan.

"Ayan oh! Yung nasa kaliwa" kinikilig na sabi pa niya

"Psh, e hindi naman yan gwapo e. Ayan? Potek hindi nga yan gentleman e" sabay ikot ng mata ko. Agad naman niya akong tiningnan gamit ang nanlalaki niyang mga mata sakin

"Kilala mo siya?? Aya pakilala mo 'ko huyyyy" sabi niya with matching hawak pa sa balikat ko na niyuyugyog niya pa

"Hindi ko siya kilala, sira ka. Kung gusto mo siyang makilala edi kausapin mo 'wag mo akong idamay d'yan" sabi ko at nagulat ako nang tumayo siya bigla. Hinatak ko siya agad paupo

"Bakit? Kakausapin ko lang yung costumer natin" nakangising sabi niya saka tumayo at nagtungo sa table kung saan naroroon yung tatlo

Takteng 'to

Malapit na kami sa table nila pero sakto namang nagsitayuan sila kaya napahinto kami ni Desi. Aalis na ata sila

Pagharap nila samin ay literal na napanganga ako dahil umatras si Desi at tinulak niya ako, taena. Taka naman nila akong tiningnan pero yung kamukha ni tukmol ay nakangiti sa akin, nuekajan?

"T-thank you, sir-----" hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil naglakad na sila patungo sa pinto para lumabas

"See you soon" bulong ni Desi

"Hays pinapahamak mo talaga ako Desi e. Sabi mo ikaw kakausap d'on napahiya tuloy ako"

"Hindi ko kinaya, Ang gugwapo nila. Nahiya ang aking ganda shems"

"Ang kapal ng mukha nito, diyan ka na nga"

Kakahiya, baka mag assume naman yung tukmol tss

"Oy Aya, wait lang" balakajan







Hi guys don't forget to VOTE, COMMENT, and SHARE💖 










RᴏʟᴇPʟᴀʏᴇʀ WᴏʀʟᴅTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon