Chapter 8

461 20 2
                                    


AYA'S POV

"Desi!" Sigaw ko pagkapasok ko sa unit namin. Pero wala siya sa sala.

Engkk baka tulog na siya.

"Bukas ko nalang ikukwento" nagtungo ako sa kwarto namin at ayun nga tulog na siya sa kama niya. Nagpalit ako ng pantulog na damit saka nahiga sa kama. Pinikit ko na ang aking mga mata para makatulog na rin ako

.

.

Lumipas ang ilang minuto pero hindi ako dinadalaw ng antok. Anyare? Inaantok na ako kanina ah. Baka masyado akong nacurious sa kapitbahay namin. Babae kaya? Sana nga.

Tumagilid ako sa pagkakahiga at saktong nakita ko ang cellphone ko na nakapatong sa bedside table. Kinuha ko naman ito

"Sabi ko matutulog na ako e" mahinang bulong ko at nakabusangot na nagpipipindot sa cellphone ko.

May ilang nagchat sa akin sa ra (real account) ko, ang iba ay mga kaibigan ko at ang iba naman ay mga staff namin sa coffeeshop. Pagkatapos ko silang replyan ay naglog in naman ako sa rpa (roleplayer account) ko. At expected ko nang nagchat si Ashton.

Ashton: Wuy xyrix!

Xyrix: Oh?

Ashton: Anong oh? Ba't ka nagalit nung isang araw?

Xyrix: Wala

Ashton: Ang sungit mo talaga

Xyrix: 'di ko itatanggi

Ashton: Ay sus, iniwan ka siguro ng boyfriend mo kaya ang sungit mo

Xyrix: Pake mo ba?

Ashton: So, may boyfriend ka? Nako harot mo ah

Aishh sino ba 'to para sabihan ako ng maharot, epal 'to ah

Xyrix: For your information, wala akong boyfriend, saka anong maharot ka d'yan. Baka ikaw

Ashton: Galet ka na n'yan?

Xyrix: Ginigigil mo kasi ako

Ashton: Ang init ng dugo mo sakin 'no. Hindi ka ba pwedeng maging mabait kahit isang beses? Hahahah

Xyrix: Aishh ewan ko sayo

Ashton: Sure ka? wala kang boyfriend?

Xyrix: Arghhh ba't ba ang kulit mo? Ilang beses ka ba iniri ng nanay mo?

Pagkatapos kong sabihin 'yan ay hindi agad siya nakapag reply. Pero na seen naman niya

Xyrix: Woyy, may nasabi ba akong mali?

Ashton: Wala naman.

Xyrix: Eh ano?

Ashton: Wala, may ginawa lang ako saglit

Xyrix: Weh? Eh ba't naseen mo?

Ashton: Makulit ka rin e 'no. Ano kasi, haha nabanggit mo kasi yung nanay e.

Xyrix: Eh ano naman?

Wait? Hindi kaya..?

Ashton: Nevermind

Xyrix: Halaa sorryyy, ngayon ko lang nagets, ang slow ko hehe

Ashton: Okay lang sungit hahaha

RᴏʟᴇPʟᴀʏᴇʀ WᴏʀʟᴅTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon