Chapter 13

383 19 5
                                    

AYA'S POV

Dalawang buwan na kaming nag-uusap ni Ashton. At aaminin kong sobrang komportable ko na sa kaniya. Pansin ko rin na mas active ako sa rp account ko kaysa sa real account ko. Alam kong dahil iyon kay Ashton. Hindi ko alam pero gusto ko palagi na kausap siya. Gusto ko na naririnig yung boses niya kaya palagi siyang may sinisend na mga vm's sa akin.

Oo aminado akong ang ganda ng boses niya lalo na pag kumakanta siya. Alam ko na ang boses niya pero yung boses ko ay hindi pa niya naririnig. Nahihiya ako na ewan.

Maganda boses ko kapag ako lang ang nakakarinig. Pero hindi ko alam kung anong boses ko kapag iba na ang nakakarinig. Muntanga lang.

Nagrerequest din si Ashton na magsend din ako ng vm pero tumatanggi ako, kaya 'di niya na ako pinilit. Inuuto pa ako na pakiramdam daw niya maganda raw ang boses ko. Pakiramdam niya lang 'yon

Napagtanto ko rin na ang saya rito sa rpw. May makikilala kang tao na hindi mo inaasahan na magpapasaya sa'yo. May mga magiging kaibigan ka pa rito. At ang ingay rin dito sa rpw, puro gc.

"Aya, gusto mo bang isali kita sa gc namin? Masaya ro'n," pagtatanong ni Desi nang makalapit sa akin

"Gc? Saan?" Tanong ko habang busy sa pagcocompute ng kita nitong coffeeshop namin

"Basta gc sa rpw 'yon, dali na sali ka na! Iaadd kita mamaya ah HAHAHA,"

"Ang dami ko na ngang gc e," nakabusangot kong sabi "Ewan ko ba kung sino ang nagsali sa'kin do'n"

Natawa naman siya bigla "Bakit? Wala ka bang kachat d'yan? HAHAHA" awtomatiko akong napalingon sakan'ya nang itanong niya 'yon

Sasabihin ko ba sakan'ya? "Ano HAHAHA s'yempre meron" natigilan ako nang madulas ang madaldal kong bibig. Aish

Nanlaki ang mata niya saka agad akong hinampas at tumili pa. Agad akong napalingon sa paligid nitong coffeeshop kung may nakarinig sa ingay niya. At tama ako dahil nagsitinginan ang mga costumers namin.

Yawa ka

"Sino 'yan ha? Ikaw ha 'di ka nagsasabi sa'kin na may kachat ka na," pang-aasar pa niya habang sinusundot ang tagiliran ko

"Ha?" Tanging nasabi ko nalang

"Ha? Hatagi ko,"

"Ang dami mo na ngang kachat, bibigyan pa kita?" Natatawang asar ko rin sakan'ya

"Sige na bigyan mo na ako dali!!!" kinikilig na sabi niya pa

"Ng alin?" painosente kong tanong

"Ng kachat, ano pa ba? Tagal tagal ko nang walang kachat e. Kaunti nalang at mabubulok na ang rp account ko"

"Ano bang akala mo sa'kin? Maraming kachat?"

"Ang damot mo naman e, pero sino muna ba 'yang kachat mo ha? Ikaw ha naglilihim kana sa'kin baka nakakalimutan mo na ako ang nagturo sa'yo kung paano makapasok sa mundo-----" tinakpan ko agad ang bibig niya. Napakadaldal

RᴏʟᴇPʟᴀʏᴇʀ WᴏʀʟᴅTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon