Chapter 9

508 20 3
                                    


ETHAN'S POV

"Uy kuya, hindi ba si Abbigail 'yon?" Agad na sabi ni Glenn kaya napatingin ako sa paligid. Si Abbigail nga kaso nakatalikod na sila

"Oo nga 'no, sino yung kasama niya? Si Courtney na ba 'yon?" Pagsang ayon ni Hanz. Nag iwas lang ako ng tingin sa kanila

"Ewan ko" tanging sagot ko lamang pero itong dalawang kasama ko ay walang balak magsitigil sa pag uusap tungkol kay Abbigail

"Tagal ko na rin silang hindi nakita simula nung nagpunta sila sa Canada" sige paalala niyo lang mga hayp kayo "Lalong gumanda si Abbigail ah" dagdag pa ni Glenn

"Nakita mo yung mukha niya? Eh si Courtney?" Curious na tanong netong si Hanz

"Nahaharangan ng buhok niya yung mukha e kaya hindi ko nakita"

"Saan kaya sila papunta?"

"Woy? Wala kayong balak bumalik sa unit natin ha?" naiinis na saad ko

"Gagi may nakalimutan pala akong bilhin. Hintayin niyo 'ko babalik ako agad" sabi ni Hanz kaya tumango lang kami

Naghintay lang kami kay Hanz. At inabot siya ng 20 mins. bago nakabalik.

"Apakatagal mo" bagot na sabi ko. Nang bumukas na ang elevator ay nagsipasok na kaming tatlo. Sasara na sana ang pinto nang may nakapasok na babae. Si Abbigail. Nakatalikod siya ngayon sa amin. Siguro ay hindi niya agad kami napansin. Sana nga 'di niya kami napansin

"Uy gagi 'di'ba si Abbigail 'yan?" Mahinang bulong ni Hanz. Taena talaga subukan niyo lang pansini------

"Abbigail?" Napapikit nalang ako sa inis nang sabihin ni Glenn 'yon. Hindi ko alam kung nang aasar ba kayo o ano e. Kaagad namang napaharap sa amin si Abbigail at agad sumilay ang mga ngiti niya sa labi, damn

"Owemjiiii, is that you, Glenn?" Gulat na sabi niya saka napatingin kay Hanz na nasa gitna namin. At huli niya akong tiningnan. Pero nag iwas lang ako ng tingin kaya sila ni Hanz ang dinaldal niya

"Kamusta ka na? Ang laki ng pinagbago mo ha" sabi ni Hanz

"I'm doing well, wala kayong dapat ipag alala. Maganda pa rin naman ako HAHAHAH charot" madaldal pa rin talaga

"Ba't ba kasi kayo nagpunta sa Canada HAHAHA" pabiro ni Hanz

Natawa naman si Abbigail "Actually, gano'n talaga siguro 'pag nasaktan ka? HAHAHA kailangan mong mapag isa" hindi ko alam pero parang may pinapatamaan siya. Mukha namang nakamove on na siya

"Sabagay HAHAHA ano palang ginagawa niyo rito? Nagbabakasyon? We saw you with Courtney earlier" napakadaldal mo talaga Glenn

"Ah yeah, naisip lang naming bumisita rito. Namiss ko na rin dito e. Saka si Courtney? I'm not with her earlier, may inasikaso lang siya sa kanila e"

"Eh sino yung babaeng kasama mo kanina na kasingtangkaran mo lang?" Nanatili lamang akong nanahimik sa isang tabi habang nakikinig sa kanila

"Owemjii baka si Athena yung tinutukoy niyo, siya lang ang kasama kong lumabas kanina e"

"Sino 'yun? New friend?"

"Mmm, katapat na unit namin sila, ang bait nga niya saka ang ganda pa. Sayang nga lang kasi 'di 'ko siya kasama ngayon. Nakita siya ng friend niya kaya ayun nauna na ako sakanya"

RᴏʟᴇPʟᴀʏᴇʀ WᴏʀʟᴅTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon