Chapter 3

553 36 0
                                    


AYA'S POV

Agad akong nagising nang makaramdam ako ng uhaw. Tiningnan ko ang orasan bago lumabas ng kwarto namin. 12:46am na pala. Nang makainom ako ng tubig ay bumalik na ulit ako sa pagkakahiga pero hindi na ako makatulog, ilang beses ko pang ipinikit ang mga mata ko.

Dahil hindi naman ako makatulog ay nagonline nalang ako, binuksan ko muna ang real account ko. Wala namang ganap kaya binuksan ko naman ang Rp account ko. May isang nag message at marami ang nagnotif. Binuksan ko muna ang notification at isa isa ko itong tiningnan pero biglang dumilim ang paningin ko nang mabuksan ko ang huling nag notif.

'Ashton Devon Allarde likes your post'

Siya lang naman ang kaisa isang naglike ng pinost ni Desi yung 'Im newbie here' straight love react na nga tapos nilike pa. Kairita amp

Pagkatapos kong mainis sa notification ko na yun ay binuksan ko naman ang messages. Bumungad lang naman sakin itong Ashton na to. Nagwave lang naman siya. Winave back ko nalang siya dahil online rin naman siya.

Maya maya pa ay bigla siyang nagmessage.

Ashton: Hello

Xyrix: Anong hello? Bakit mo nilike yung post ko?

Wala pang isang minuto ay nagreply na agad siya

Ashton: Sorry, napindot ko kasi yung like button

Xyrix: Ibig sabihin i haheart mo talaga?

Ashton: Bakit ko naman ihaheart? 'Di ba pwedeng napadaan lang?

Xyrix: Alam mo? Siraulo ka

Ashton: Huwag kang mag alala matagal ko nang alam

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako kasi may nagchachat sa account na to o maiinis dahil siraulo ang nagchachat dito

Ashton: Btw, bakit ka sumali dito sa Rpw?

Xyrix: Pake mo ba?

Ashton: Nagtatanong lang ako, 'wag kang maaning dyan

Xyrix: Woy ang kapal ng mukha kasing kapal ng kalyo mo sa paa! Anong maaning?!

Ashton: Edi ibig sabihin malambot mukha ko? Kasi wala akong kalyo sa paa at malambot yung paa ko. Paano ba yan  HAHAHA

Xyrix: Bakit ka ba kasi nag wave hinayupak ka!

Ashton: Eh bakit mo winave back? HAHAHA

Xyrix: Dahil nakakaawa ka?

Ashton: Anong nakakaawa dun Ms. Xyrix?

Xyrix: Alam mo matutulog nalang ako kaysa makipagchat sa panget na bakulaw na katulad mo

Ashton: Baka magsisi ka kapag nakita mo ko, xyrix

Xyrix: Bakit naman ako magsisisi? Abnormal kaba?

Ashton: Masyado naman atang mainit ulo mo HAHAHA, Sige itulog mo muna yan

Xyrix: Hakdog

Ashton: Pikunin ka pala, sige matulog ka na, mahirap na baka umiyak ka pa

Xyrix: Ano ako? Bata?

Ashton: Malay ko, baka grade 1 ka palang diba

Xyrix: Siraulo ka ba?

Ashton: Matagal na

Xyrix: Kala mo kung sino to kagigil ka

Ashton: Pa'nong gigil?

Xyrix: Epal ka talaga !!

Ashton: Sanaol epal

Xyrix: Goodnight nalang sayo letse ka!

Ashton: Sige goodnight din sayo! Muaahhh

Xyrix: KADIRDIR KA!

Ashton: Bakit? HAHAHA

Xyrix: Siraulo ka talaga buset

Ashton: Matulog ka na, Iyakin

Xyrix: 👍

Ashton: Aray naman, nalikezone ako

Xyrix: 'Wag ka na kasing magreply hayp ka talaga

Ashton: Oo na, gg ka na e HAHAHA

Xyrix: Mabaog ka sana

Ashton: Hoy 'wag! Mawawalan ng magandang lahi ang buong mundo

Xyrix: Gago masyado kang nag aassume baka lumakas hangin dahil sayo

Ashton: Nagsasabi ako ng totoo, saka 'wag mo kong minumura ng ganyan 'pag ako hindi nakapag timpi baka puntahan kita dyan tapos hahalikan kita hanggang sa hindi ka makahinga

Xyrix: Ang manyakis mo!

Ashton: Lahat nalang tinawag mo sakin HAHAHAHA

Xyrix: Oo nalang, hindi na ako nakatulog! Anong oras na oh! 2am na!

Ashton: Edi 'wag kang matulog

Xyrix: Ano ako? Siraulo katulad mo?

Ashton: Edi mas okay, magiging kapareha kita

Xyrix: Eww! Nakakadiri talaga

Ashton: Wow! Ikaw pa nandiri sakin ah. Dapat nga, ako yung mandiri sayo yaks!

Xyrix: Woy ang kapal ng pagmumukha mo! Matutulog nalang ako!

Ashton: Sige lang HAHA

Pagkatapos ng mahabang usapan na iyon ay napuyat ako dahil sakanya. Perstaym kong matulog ng alas dos ng madaling araw hayp na ashton yan, ako pa naman ang bantay mamayang umaga sa coffee shop namin

"Natututo ka nang magpuyat ah" nagulat ako ng bigla nalang magsalita si Desi. Gising pala siya

"K-kanina ka pa gising?" Agad kong tinabi ang selpon ko

"Hindi naman. Kani kanina lang" nakangising sabi niya at tumingin ng makahulugan sa akin

"B-ba't ganyan ka m-makatingin sakin?" Sabay iwas ng tingin ko sakanya saka tumagilid ng higa

"Basta kapag nahuhulog kana sa kanya, 'wag mong hahayaan yung sarili mo na masaktan ka. Saka huwag ka ring papayag na ikaw lang yung nagmamahal tas siya biro lang lahat, char HAHAHA sige na ituloy mo nalang yan mamayang umaga. Yang kachatmate mo nako, sanaol" mahabang litanya niya saka siya bumalik sa pag tulog

'Sana nga hindi na ako masaktan. Nakakapagod din kasing masaktan ng paulit ulit.'

'Sana nga sa mundong 'to, maging masaya ako lalo. Hindi yung dahil sa mundong 'to makakakilala ako ng taong dudurog sa pagkatao ko'






Hi guys don't forget to VOTE, COMMENT, and SHARE💖 

RᴏʟᴇPʟᴀʏᴇʀ WᴏʀʟᴅTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon