CHAPTER SEVENTEEN

36 1 0
                                    

HINDI mapakali si Wynter. Kanina pa siya paroo’t parito sa hospital hallway habang paulit-ulit na minumura ang sarili. Kesyo ang tanga-tanga niya, hindi siya nag-iisip, wala siyang kuwenta. He shouldn’t have left Skye alone. Hindi na siya muna dapat nagpalit ng damit. Dapat nag-stay na lang siya sa kuwarto nito. Hindi na rin siya dapat nagkuwento ng kung-anu-anung kabulastugan. Eh di sana, hindi ito natakot siguro kay Rhea, yung apo ni Mang Rodel.

“Damn!” Gigil na wika niya at napasabunot sa sarili.

“Sir…” Tumayo si Mang Rodel mula sa kinauupuang bench at lumapit sa kanya. “Pasensya na ho talaga. Ako na po ang humihingi ng paumanhin para ka y Rhea. Natakot po kasi yata niya yung nobya niyo.”

Nakakaunawang tumingin siya rito at umiling. “No. It’s my fault. I shouldn’t have left her alone. Di sana—“

“Uhm, excuse me,” putol ng isang nurse, “sino po ba si Mr. Wynter?”

Nagtaas siya ng kamay. “Why?”

“Uh, hinahanap na po kayo ng girlfriend niyo sa room 117.”

Tumango siya at nagpaalam kay Mang Rodel bago inilang hakbang ang kuwarto ng ‘girlfriend’ kuno niya. Lihim siyang napangiti pero agad ding binawi nang mapagtantong parang natutuwa pa yata siya sa turing ng mga tao sa kanila ni Skye.

“Hey,” bati agad nito sa kanya. Nakaupo na ito at nakasandal sa headboard ng kama at napansin niya ang medyo mahaba at medyo kulot-kulot nitong buhok na inilugay nito. Sa tagal nilang magkasama ay ngayon lang niya nakita na naglugay ito and he would say, maganda naman ito.

“Hey girlfriend,” ganting bati niya, smiling warmly.

“Girlfriend?” nagsalubong ang kilay nito. He chuckled.

“That’s what they call you. Ginagaya ko lang.”

“Ah.”

“So…how are you feeling? Okay ka na ba?”

“Medyo.”

He sighed. Bumalik na naman ang guilt at pag-aalala. “Pasensya ka na kay Rhea ah. You must’ve been frightened at her.”

“You mean Lea.”

Umiling siya. “No. It’s Rhea. Siya yung apo ni Mang Rodel. Nagising siguro dahil nainitan.”

Kumurap-kurap ito. “What about Lea?”

“Sabi ko naman sayo, wag ka nang maniwala dun.”

“But you said it. And I’ve always believed everything you said.”

Bigla siyang natigilan. Did she really trusts me that much? Parang gusto tuloy niyang ma-guilty at umamin na lang rito sa mga katarantaduhan niyang pinaggagagawa. Ang totoong motive lang naman niya talaga sa pakikipaglapit ditto at ang mapalapit sa pinsan nito. So why now…parang gusto niyang totohanin na lang ang ginagawa niyang pagpapa-fall dito at kalimutan na lang si Carrie at ang unang plano? No, Carrie is the one I love and Skye…I just cared for her, that’s all. Hindi ko siya mahal at hindin-hindi ko mamahalin.

Malungkot siyang tumitig dito. “Not everything said by someone you believed in is all true. Malay mo, yung iba ginagamit ka lang.” Hindi niya alam kung paano niya nasabi yon but it just came out. Para na rin ipinagkanulo ang sarili rito. No more than picking a rock to hit his head.

“Kilala naman kita eh. Nung una siguro, oo, yan yung iisipin ko sayo. Pero ngayon, I know you could never and would never lie to me. Hindi ka ganoong tipo ng tao. Tsaka aalagaan mo ba ako ng ganito kung lolokohin mo lang naman pala ako? Ano ka, tanga lang? So there’s nothing I should worry about. Right?”

Sapol siya roon. Mas lalo lamang bumigat ang nararamdaman niya sa sinabi nito. He gave her a sly smile before tugging her to sleep. “Magpahinga ka na muna. Babalik na lang ako mamaya.”

Tumango ito then settled into sleep.

**

MARAHANG nagmulat ng mga mata si Skye. Kumurap-kurap pa siya nang tumambad ang napakaputing paligid ng di pamilyar na kuwartong iyon.

Where am I?

Tsaka niya naalalang nasa ospital nga pala siya because of that scene in the staircase. Nevertheless,magaan-gaan na ang pakiramdam niya. She was never more refreshed, actually. Thanks, of course, to Wynter for taking care of her. As if for the first time in her 22 years on earth, nakaramdan din siya ng kalinga at malasakit mula sa iba. And she’s very grateful for that. Habang tumatagal tuloy ay mas lalo niyang di pinagsisisihan ang pagtanggap dito sa buhay niya. Gradually showing her how much he really cared for her. ‘Di tulad ng—

“Glad to see you’re awake now.”

Lumipad ang tingin niya sa nagsalita and she found herself staring at a tauntingly grim face. Far from being glad, she reckoned.

“Dad…!” Hindi agad siya nakahuma.

Napatiim ang bagang nito. “You have a lot of explaining to do, young lady. And I’m telling you, you won’t easily get away with this!”

**

“YOU really cannot follow a single order, can you?!”

Napatigil si Wynter sa akmang pagbubukas ng pinto nang marinig ang mataas na tinig na iyon na nagmumula sa kuwarto ni Skye.

“I didn’t permit you to go here but what did you do? Nagmatigas ka pa rin! Anong nangyari? Nadisgrasya ka pa!”

Bigla siyang na-curios sa nagsalita kaya marahan niyang ipinihit ang pinto. Una niyang nakita si Skye. She was sitting up and staring blankly at the floor. Her fists were clenched.

“Look at me, young lady! I’m talking to you!” demanded the angry voice.

Ano bang nangyayari?

“I’m old enough to handle myself, dad.” Walang-imik na wika nito pero bakas ang pagmamatigas sa anyo.

“Handle yourself?” The old man he recognized as her father sarcastically taunted. “Really? Eh by the looks of you, napaka-immature mo pa rin. And hell for getting into this mess! Alam mo ba kung anong perwisyo ang ginawa mo? I’d have to leave an important board meeting just because your sister called and told me you were sent here! Nakakahiya ka! Naturingan ka pa naman na panganay! Napaka-iresponsable mo!” Bulyaw nito.

Skye furiously looked up at the man. Nakabalatay sa mukha nito ang matinding galit at hinanakit. The same expression she gave him when he practically told her to get lost—hurt of being rejected.

“Ako? Iresponsable?” itinuro pa nito ang sarili at pagak na tumawa. “Really Dad…you should’ve told yourself the same thing when you saw my own mom dying because of the heartaches you yourself had caused. You should’ve screamed at yourself the same thing, like what you’re doing now, when you got my mom’s snake for a bestfriend pregnant!” Nangingislap ang mga mata dahil sa luha itong napangisi. “Okay pa sanang sinabi mo na lang na hindi mo kami mahal dahil talaga namang pagkakamali lang ang ugat ng pagsasama niyo ni mommy eh. Pero anong ginawa niyo? You’d rather have an affair with the only person my mother trusts and impregnate her. That way nga naman, mas maipaparating niyo kung gaano kami kawalang halaga and luckily, to fasten the death of my mom…which actually happened!”

Isang malakas na sampal ang lumagapak sa pisngi nito.

“How dare you, you insolent ingrate!”

Sa di malamang dahilan ay nagpuyos ang kalooban niya samantalang di naman siya ang nasampal. Mabilis ang kilos na pumasok siya sa kuwarto at pumagitna sa dalawa.

“Mawalang-galang na po, but I think sir, that’s enough.”

Halatang nagulat ito sa pag-entrada niya dahil nabakasan niya ito ng rekognisyon sa mukha nang makita siya. Pero agad din itong nakabawi.

Tiim-bagang itong tumalikod at nagmartsa palabas ng hospital room.

Love of the Seasons: YOUR LOVE IS A LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon