CHAPTER TWENTY-TWO

32 1 0
                                    

ANG plano ni Skye ay humilata na lang buong araw dahil ayaw man niya o hindi, masama ang pakiramdam ng utak niya. Oo, utak lang niya. Well, pati puso.

 

Pupugak-pugak pa rin kasi ang sistema niya sa realisasyong nabuo sa banggaan nila ni Wynter kahapon. Pano ba naman? Kung kalian nag-ta-try na siyang mag-move on ay saka naman ito muling susulpot at magpapadama sa kanya ng kung anu-ano na naman.

Tanggap na nga kasi ng utak niya na assumera at feelingera lang siya eh. Konti na lang at matatanggap na rin sana ng puso niya. Kaso naunsiyami pa eh.

Because the moment he barged into her life again and touched her, itinae lahat ng puso niya ang mga pangaral na ipinalalamon niya rito. Hindi lang yon, pinururot pa. Gaga talaga.

Kung pwede lang ipa-diagnose ang puso ay gagawin na niya. First, from falling from a very great height that it was injured severely. Second is from being insane and unteachable in every sense of the word. Autistic heart nga siguro ang napunta sa kanya eh. Kung kulang sa buwan o sa pagmamahal ay ewan na niya.

Nang for the nth time ay tumunog ang alarm niyang isang daang beses na yata niyang nai-snooze, nagdesisyon siyang bumangon na. Mahirap na. Puma-part time na nga lang siya, aabsent pa siya? Baka tanggalin na siya niyan.

Mabilis siyang naligo, nagbihis, at pumasok sa trabaho. Bahala na si Wonderwoman. Sa sahig o di kaya’y sa mga pinggan sa restaurant na lang niya ibabaling ang animosidad na nararamdaman. Who cares kung makabasag siya? Sisisihin na lang niya yung Scotch Brite or yung dishwashing liquid sa tabi niya.

~_~_~

NAPATDA si Skye nang mapagsino ang sinasabing valued customer  na sinasabi ng manager niya na nag-request raw mismo sa kanyaa para kunin ang mga orders ng mga ito. Bagaman nariyan an gang pagtahip ng dibdib, mas nangingibabaw sa kanya nang mga oras na iyon ang pinagsamang paninibugho at panlulumo.

Ano na naming trip ng Wynter na to?Forcing her out of obligation para lang kunin niya ang order nito at ng diyosang kasama nito? Ano, para ipamukha sa kanya ang isang bagay na alam na alam na niya?

Oo na! Masakit na! Nasasaktan na ako! Sobrang sakit na, demonyo ka! Ano pa bang gusto mo? You’re really making this life fucking hard for me!

 

Kinalma muna niya ang nagbabagang kalooban bago poker-faced na nilapitan ang mga ito at tumikhim.

“Naka-order na po ba kayo?” Atas ng kagandahang asal ay wika niya.

“Actually, not yet.” Wika ng nakangiting anghel na kasama nito. Awtomatiko siyang inatake ng insekyuridad.

“Surprise us.” Ani Wynter at nginitian pa siya. Ngalingaling sapakin niya ito.

Surprise? Ano, party? Mabuti at nakapagpigil siya at ang pinakamahal na dish ang lumabas sa bibig niya. Okay yun…para mamulubi ito kahit alam niyang imposible. “Would that be okay?”

Tumatango pa lang si Wynter ay tumalikod na siya. Yan. Para maramdaman nito ang di ginagalang.

Love of the Seasons: YOUR LOVE IS A LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon