CHAPTER FOURTEEN

34 1 0
                                    

NAPABALIKWAS nang bangon si Skye nang maulinigan ang sunod-sunod na malalakas na katok sa pinto ng kanyang kuwarto. Iinat-inat pa siyang tumayo at hinagilap ang tsinelas habang isang mata lang ang nakadilat bago susuray-suray na pinagbukasan ang kumakatok. Haaanubayan kasheee….hang haga-haga pa eeehhhh…penyemes…..yaa----haaaaannnn…. Napahikab siya.

“Bhaaakeeet….hmmmmmm???” She yawned again. Napagbukasan niya ang half-sister na si Sun. Napasimangot siya agad.

“Ate, may naghihintay sayo sa baba.” Kunut-noong imporma nito.

Inis na napapalatak siya at isinara ang pinto. “Shabihin mo…wala…tulog…umalis…”

“Wynter daw.” Narinig niyang sagot nito. Tila siya nag-ice bucket challenge na nagising ang buong diwa. Awtomatikong napasugod siya sa pinto at binuksan iyon. “Seryoso ka?”

Tumango ito.

“Shit, shit shit!”Inamoy niya ang sarili at napatakbo sa direksiyon ng banyo. “Pakisabi sandal lang! Susunod na ako!” natatarantang sigaw niya, parang tandang na nakalimutang turukan ng anti-depressants.

==

“HI, CARRIE! Fancy seeing you here, huh?” Lihim na nagdiwang si Wynter nang makita ang galak sa mukha ng binati. He saw Carrie flashed that breath-taking smile of hers.

“Uy, hi! Good morning!” Bati rin nito at humalik pa sa pisngi niya

“Yeah. The morning is really good.” He remarked and grinned.

“Halata nga sayo eh. Ano? Ang aga yata nating umakyat ng ligaw ngayon ah.”Carrie smilingly teased and for a moment, he was taken aback. Pero sandal lang iyon dahil may sinabi pa ito. “Hintayin mo’t bababa na rin yon si Skye. Tulog pa kasi nung iniwan ko sa kuwarto.”

Umawang ang bibig niya upang magprotesta pero naisip niya, pag nag-explain naman siya ay magmumukha siyang defensive. So instead, he smiled again then brought out the long-stemmed rose he bought on his way there. “Here. Iyo na lang.”

Nanunudyo pa rin siyang tinitigan nito. “Na lang? So hindi talaga para sa akin yan?”

“No! I mean, this is really meant for you.” Inabot na niya iyon dito.

“Ikaw ah,” Wika nito at tinanggap na ang bulaklak, “Pamilya muna ang nililigawan…”Nangingiti pa itong pumalatak.

Hindi na siya nakatiis sa panunudyo nito sa kaniya. “Look…Skye and I…”

“Yeeessss?” Kunwari’y maang nito kaya sa kaloob-looban niya ay nakaramdam siya ng iritasyon. And to think that never pa siyang nairita kay Skye kahit to the highest level na ang pang-aasar nito sa kanya. Eh kasi, ikaw ba naman ang i-matchmake sa iba ng babaeng gusto mo?

Weh? Akala ko ba mahal mo siya? Bakit ngayon, gusto na lang?

“Magkaibigan lang kami, okay?” He said more to himself than to her. She laughed.

“Fine. Magka-ibigan. Right.”

Ay, ang kulit. “Carrie---“

“O Skye! Ang aga mo yata? Di ba mamaya ka pa dapat babangon?” Sumulyap pa si Carrie sa kanila at makahulugang nginitian si Skye. Tila naman na-pick up naman ni Skye ang pakahulugan ng pinsan dahil sumimangot ito.

“Pwede ba? Spare me from your morning hallucinations, Carr. Baka makalbo kita. Hindi ako basta-basta pumapatol kahit kanino noh!”

“Ay oo nga pala. Mataas pala standards mo.” Pumapalatak itong bumaling sa kanya. “Paano ba yan Wynter? Basted ka na agad, di ka pa nga nagsa-start.”

Love of the Seasons: YOUR LOVE IS A LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon