CHAPTER EIGHTEEN

52 1 0
                                    

No word has been said about the event after that. Maski si Wynter na kilala niyang hindi nananahimik basta-basta pagkatapos ng isang kataka-takang insidente ay hindi nagtatanong. Siguro ay iginagalang nito kahit paano ang pananahimik niya. O marahil ay nanibago dahil nawala bigla ang outgoing at palabang personality niya. Or maybe he doesn’t want to pry even further. Either of the three, hindi niya alam. Pero kahit paano ay nagpapasalamat pa rin siya sa pagtatanggol nito sa kanya against her dad. Nakaramdam na ayaw na talaga niyang lumaban matapos ang sampal. Kaya ito na ang pumagitna para sa kanya.

Nang ma-discharge sa ospital ay hindi na sila bumalik ng villa at inihatid na lang siya nito sa bahay nila. Para ngang nag-aalangan pang pababain siyang kotse but she assured him that she would be alright.

Or so she thought.

Nang makaaakyat ng kuwarto ay pabagsak na inihiga niya ang sarili sa kama. Ngunit hindi pa nagtatagal buhat ng humiga siya ay nakarinig agad siya ng sunud-sunod na katok sa pinto. Kasunod ay ang pagtawag ng kapatid.

“Ate, Dad wants to see you in his study. ASAP.”

Napabuntung-hininga siya at bagsak ang mga balikat na lumabas ng kuwarto at tinungo ang kinaroroonan ng ama. Kumatok muna siya bago pumasok.

“Take your seat,” pormal na utos nito na agad naman niyang sinunod. At least that’s all she can do to forfeit even just slightly what she threw at him the other day. Kahit naman kasi totoo yon, na-gi-guilty pa rin siyang nasabi niya ang mga iyon. Anak lang naman siya. So….that makes her dad’s accusation right, too.

Ingrata nga siya.

She opned her mouth to speak but he raised his hand to silence her. Then, pinagsalikop nito ang kamay at tumitig sa kanya. “I won’t beat around the bush, Skye. Hindi na ako natutuwa sa mga ipinapakita mo.” He paused. “I don’t think the environment here would help any further. You’re being far too stubborn and hard-headed than I expected you to be. Puro kasutilan at masasamang impluwensiya na ang naidudulot nila ngayon sayo. Look how you’ve answered me the last time!”

Umalma siya. “But they have nothing to do with it, Dad! T-they’re….they….” It was no use. Hindi rin naman siya papakinggan nito. Better shut her mouth and save her breath.

“I’ve talked to your principal, and according to the records she gave me, your grades on the major subjects lowered and you have cut three classes already.”

“It wasn’t me! Sinabihan kami nun na walang klase so I took my time finishing a thesis! Malay ko bang nanggu-good time lang yung isa kong ka-block section!”

Umiling ito na tila sinasabing, ‘Wala na, Skye. I’ve made up my mind.’ “Remember your Aunt Carol in London? We’ve decided to petition you with her. That way, mas mababantayan at mas matutuwid pa yang mga gawain mo. Sinabi ko na rin to sa principal and professors mo and they’ve agreed with me.”

“What?!”

“You heard me.”

“But you can’t do that! That’s unfair!” She raged furiously. Napatindig na rin siya.

Love of the Seasons: YOUR LOVE IS A LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon