CHAPTER TWO

79 1 0
                                    

KANINA pa hindi makapag-concentrate si Skye sa nire-review dahil sa ingay ng harutan ng mga nakaupo sa harapan niya sa school bus nila. None other  than Wynter  Dimartino and Mia Punzalan, Wynter’s latest playmate. Kung bakit pa kasi ngayon sila nagkasagutan ng daddy niya at na-late na siya ng alis. Mas nais kasi niya ang mag-commute kaysa ang sumakay ng school bus dahil eto na ang inaaasahan niyang worst case scenario.

Wala pang ilang segundo, malanding humagikhik na naman si Mia. Darn! Hindi ba tatahimik ang dalawang ‘to?!

Hinalungkat na lamang niya sa bag ang earphones at nagpatugtog na lang ng classical music. There! Ahhhh…very relaxing…

Muli niyang itinuon ang atensyon sa binabasa.

@@@@@@@^0^@@@@@@@

Pythagorean theorem: "..................."

Taylor expansion: "..........."

@@@@@@@^0^@@@@@@@

Muli na namang umalingawngaw ang tawa ni Mia.

Anak ng----!!!

Hindi na talaga siya makapagpigil. Padabog na isinalampak niya ang notebook sa bag at matalim na tinitigan ang dalawa. Yaman din lang na iniistorbo niyo ako, magkaistorbohan na tayo!

Walang pag-aalinlangan siyang tumikhim nang napakalakas upang tawagin ang atensiyon ng dalawa. But as it turned out, lahat ng kapwa nila estudyante sa bus ay nakuha niya ang atensiyon, including them.

Kita niyang bubuka pa lang ang bibig ni Wynter upang magtanong nang sansalahin na niya ito. “ Hold it right there, mister.  Hindi ka na nakakatuwa. Kanina pa bumubuka yang bunganga mo at sawang-sawa na ako sa ingay na lumalabas diyan.”

“Uhm…excuse me?” halatang nagulat na tanong nito.

Pa-excuse-excuse me ka pa dyan! She cleared her throat. “Mr Dimartino, kayo ng kasama mo….you have been bothering me eversince I sat in my seat.”

Noon may gumuhit na ngiti sa labi nito. “I’m sorry honey, if that’s the case. But as you can see, hindi pa ako libre. Baka bukas siguro, I’m all yours.” Anito at kumindat pa.

She looked at him in disgust. "What the heck are you talking---"'

"Look, miss... you're pretty. Pero nauna si Mia so---"

“Maghunos-dili ka nga sa mga pinagsasabi mo. Hindi ka man lang ba kinikilabutan?! My gosh, Wynter, di tayo talo! Tandaan mo yan!”

“Why? Are you a Lesbian?”

“NO, I’M NOT!!!”

“Why is it then?”

“Because first of all, you’re not my type. Second, you’re every mom’s nightmare. Third, I don’t need another nuisance in life. Fourth, I don’t fancy you for a partner because fifth, you’re too bad for me and I’m too good for you!” A disgusted frown was written all over her face as the bus came to a stop. She strode for the exit  and left him speechless.

Love of the Seasons: YOUR LOVE IS A LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon