CHAPTER FOUR

83 1 1
                                    

WALANG tigil sa pag-ring ang talepono ni Wynter kaya wala siyang nagawa kundi ang iwanan ang hinandang bathtub at magdali na lamang sa paliligo.

"What's up?" Bungad niya nang sagutin ang telepono.

"Bro, this is Red."

"O Red...napatawag ka?"

"Si Raven kasi eh...nangumbida na naman dun sa bahay nila. Wala naman daw sila tito. Sama ka?"

Saglit muna siyang tila nag-isip then, "Sure. Knowing Raven...baka may nasagap na naman yang nakabibighaning balita..." Makahulugang wika niya bago humalakhak.

Pumalatak ito sa kabilang linya."Yeah right. Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Wynter. You still can't get enough of women."

"I already told you, Red...titigil lang ako kapag nahanap ko na yung katapat ko at hindi na mangyayari iyon. My heart beats for only one woman at wala na siya dito ngayon...last time I heard, she was already arranged to be married."

"Kalimutan mo na kasi si Carrie, pare. 17 ka pa lang nun, 5 years have passed. Learn to love again!" mapagbunying wika nito.

"Hindi pa ba halatang sinusubukan ko na?" Biro niya.

"Darn, Wynter! Are you serious? With those bunch of girls? Sa tingin mo?" Nakikinita na niya ang di mapuknat nitong pag-iling sa kabilang linya.

"W-well...in a way.....yes." amin niya.

Humalakhak ito. "Know what?"

"What?"

"Get lost! You're only fooling yourself around! Magkita-kita na lang tayo kina Raven."

"Fine. Thanks for the advice, though."

"No prob." 

Pagkatapos magbihis ay agad na niyang kinuha ang susi ng kotse niya at dire-diretsong bumaba. Nasalubong niya sa garahe ang ate Summer niya at lalagpasan na sana niya ito nang bigla itong mag-usisa. "Saan na ka na naman mag-gagala Wynter?"

Napakamot muna siya sa batok bago ito hinarap. "Dyan lang kina Raven, Ate."

Tumango-tango ito." Siguraduhin mo lang. Umuwi ka rin nang maaga ah. May movie night pa tayo. Maganda yung papanoorin.... A walk to remember"

Napangiwi siya sa sinabi nito. He almost forgot...friday night means movie night. It has been their tradition since he was born. Ngayon, pinagdudusahan niya ang kababawan ng mga kapatid na babae pagdating sa mga lovestories. Wala naman siyang magawa dahil kapag nagsasalang siya ng mga brutal movies and actions, nagrereklamo ang mga ito. Palibhasa puro mga babae. Yun nga lang, hindi nila kasama ngayon ang Ate Autumn niya dahil pinadala ng mga magulang nila sa States para dun mag-aral. Nung highshool kasi ito ay puro gulo at iskandalo ang mga pinaggagagawa kaya hayun, naipadala sa ibang bansa nag wala sa oras. Ang Ate Summer niya ang pinakamantada kaya ito ang nangangalaga sa kanila kapag wala ang parents nila. Masyadong istrikta ang hitsura nito kaya mapagkakamalan mong matandang dalaga na kahit ang totoo'y 27 pa lamang ito. ang Ate Spring naman niya na sumunod dito ay kasalukuyang nasa Paris ngayon for some personal reasons. And he, the youngest of them all, heto at pabanjing-banjing lang and enjoying the company of girls.

He glanced  at his wristwatch then smiled at Summer. "Sige na ate, mauuna na ako." Pagkuwa'y tumalikod na siya at sumakay sa loob ng bagong-bagong Ford Fiesta AT-11 niya.

"Don't forget to come home early, Wynter! May consequence ang mahuhuli!" Pahabol pa nito na tinanguan lang niya.

Love of the Seasons: YOUR LOVE IS A LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon