CHAPTER 11

44 0 0
                                    

 

Halos liparin na ni Skye patakbo ang corridor ng Business Ad building bitbit pa ang labingsiyam na tumpok ng librong nahiram niya sa library. Sa ibabaw ay ang thesis niya. Nagmamadali siya dahil ni hindi pa niya nakakalahati iyon kasi these past few days ay mas naging busy siya bilang Business Manager ng Student Council nila sa pag-oorganize ng school fair na isasabay na nila sa teacher’s day which will be celebrated on Monday next week. Masyado siyang nalubog doon dahil ang magagaling niyang co-officers, iniwan siya sa ere dahil rin sa mga sandamakmak na requirements. Ngayon siya naman ang naghahabol dahil nalimutan niyang mamayang hapon na nga pala ang pasahan ng thesis paper sa may pagka-terror nilang professor. When at last, natanaw na niya sa malayo ang classroom nila dun naman may kung sinong humawak sa likod niya kaya napaigtad siya at naging imbalanced ang tumpok na hawak niya.

“Shit!” She muttered under her breath.

“Oh, I’m sorry. Here, let me.”

Nang marinig niya ang baritonong boses na iyon ay awtomatikong nagulat siya at natigilan. So the next thing she knew, wala na siyang hawak na libro and she was staring eye to eye with Wynter.

“W-Wynter?”

“Yeah.” He said beaming which made him look more angelic and at the same time, so gorgeous.

Dahil sa hingal or what, she felt her heart thump hard inside her chest. Maya-maya’y umagapay na ito sa kanya.

“How’s my great and favorite  ‘acquaintance’?”

As if on instinct, pinaningkitan niya ito ng mga mata. “What are you doing here, Wynter?” Sita agad niya.

“Wala lang. Kinakausap ka.” Sagot nito.

She pursed her lips. Tumawa ito.

“Ikaw naman, napikon agad.”

Inirapan niya ito na mas lalong nagpalakas ng tawa nito. “You really look cute when you do that. Isa pa nga.”

“Leche. Tigilan mo nga ako.” Tinangka niyang agawin rito ang hawak niya kanina. “Akin na yan.”

“Ayoko nga. Kiss muna.”

Nanlaki ang mga mata niya. “What the----“

“Joke lang!” Tinampal niya ito sa likod. “Aray! Balak mo bang ipasuka sakin yung baga ko?”

“Oh, I wouldn’t mind.”

“You’re so mean to me. Crush mo ko no?”

“Asa ka. Di kita type ‘no.”

“Weh?”

“Hindi ka bagay sakin. Mabait ako, badboy ka. Anghel ako, demonyo ka. At higit sa lahat, mature na ko, ikaw…well, kundi immature, autistic naman.”

“Grabe. Ang sakit mo naman magsalita. Change topic na nga lang.”

“Truth hurts.”

“Yeah,yeah,whatever. Anyway,anong gagawin mo’t ganito karaming libro ang dala mo?”

“Thesis. Kaya pakibilisan ang paglalakad at nang masimulan ko na.”

“Saan ka na ba?”

“RRL.”

“Kailan pasahan?”

“Mamaya.”

“What? Kaya mo ba yon?”

She shrugged.”Why not?”

Nanahimik ito saglit.

She:O anong nangyari sayo?

Him: Anong next class mo?

She: Wala na.

Him: (taking my hand) Good. Halika na.

She: H-ha…? Teka, teka…oy! Wait sabi eh!

Him: Why?

 

She: Anong why ka diyan? Saan mo ko dadalhin?

Him: Basta sumama ka na lang.

She: Ano ako tanga? Manigas ka dyan.(pouted)

Him: (Sigh) Skye Lorenzana, whether you like it or not, sasama ka sa akin at hahayaan mo akong tulungan kang tapusin yang thesis mo. Now, let's go bago pa kita maisipang buhatin...or worse, baka maha.......argh! Nevermind.

She: H-ha?

Nagulat na lamang siya nang gagapin nito ang kamay niya habang ang isang braso nito ay nakabuhat sa mga libro niya. The moment they held hands, a shot of electricity course through her body. Napaigtad siya sabay bitaw sa kamay nito. Nagkatinginan sila as if they both felt the same thing. Pero napagtanto niyang siya lang pala ang nakaramdam nun.

"What?" Kunut-noong tanong nito.

"D-did you feel that?"

"H-ha? Feel what?"

Sa di malamang dahilan ay parang na-dissapoint pa siya. "N-nothing. H-halika na."

 

Love of the Seasons: YOUR LOVE IS A LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon