CHAPTER NINE

52 2 1
                                    

"Ay kabayong malandi...!"

Muntik nang mabitawan ni Skye ang ga-dangkal na mga librong hawak nang buksan niya ang locker niya kinahapunan. Paano ba naman kasi, isang bungkos ng mga rosas at dalawang kalapating puti ang bumulaga sa kanya sa loob niyon!

Nang lumipad palabas ang mga kalapati, saka niya pinagdiskitahan ang mga rosas. Inamoy-amoy niya iyon and for normal roses, these roses smell better. She searched for any possible evidence para matukoy kung kanino nanggaling ang mga yon pero ni card ay wala siyang nakita. 

Her lips curved into a smile. Mukhang may secret admirer na naman siya

Ipinatong niya muna ang mga rosas sa ibabaw ng locker at ipinasok muna ang mga bitbit na libro doon bago kuning muli ang mga iyon at dalhin sa kotse niya. Bubuksan pa lamang sana niya ang pinto nang may mapansin siyang nag-aabang sa isa pang kotse, di kalayuan sa kotse niya. Nag-double beat na naman sa kaba ang puso niya pero agad din siyang nakahinga nang maluwag nang makitang Wynter iyon.

At nakangiti ang mokong! Nagsimula na namang manikip ang dibdib niya. His smile was really gorgeous it could make her heart beat 10x faster.

"O, anong ngini-ngiti mo dyan?" Nakapamaywang na tanong niya.

"Wala." Bumaba ito sa hood ng kotseng kinauupuan nito.

"Anong wala? Ano ka baliw para ngumiti mag-isa?"

"Well...I'm just glad that you liked the flowers I sent you."

Maang na napatingin siya sa hawak na bouquet. "S-sayo galing to?"

"Yup."

"Ano?" Wala sa loob na naihagis niya rito ang mga bulaklak.

"Whoa, be careful....sayangnaman kung ipambabato mo lang."

"Hindi yan masasayang kung sayo ko naman ibabato! 'Loko ka! Bakit di mo sinabing iyo yan galing?"

"Para ano? Para maitapon mo sa basurahan?"

"Nag-iisip ka rin pala........Etong tatandaan mo ah....'wag mo 'kong babanatan ng mga NINJA MOVES mo at baka ma-samurai kita!" Akmang sasakay na siya nang kotse nang pigilan siya nito.

"Teka lang naman, Skye...kausapin mo muna ako. Ano bang ginawa ko at ganyan na lang ang galit mo?"

"FYI, hindi ako galit sayo."

"T-talaga?"

"Yes. Far from it, KINASUSUKLAMAN KITA!!! Jerk!" Ganap na siyang nakapasok ng kotse pero hindi pa rin niya naisasara ang pinto dahil nakaharang ito.

"Hoy hindi ako jerk ah."

"Eh ano ka? Superjerk?" Tinulak niya ito at nang di ito natinag ay kinuwelyuhan niya ito. "You'll leave or do I have to---"

"Uh-uh-uh....not so fast, Skye. Marami pa tayong dapat pag-usapaan. Just please give me a chance and I'll make it upto you. Pero kung ayaw mo talaga sa akin pagkatapos nun, I'll spare you forever." His eyes were full of sincerity that she agreed to what he said. 

They ended up having late lunch together.

Love of the Seasons: YOUR LOVE IS A LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon