CHAPTER SIXTEEN

36 0 0
                                    

NAPATILI si Skye nang kasabay ng pagkidlat at pagkulog ay namatay ang ilaw sa buong kabahayan. Mabilis ang kilos na sumampa siya sa sofa at sumiksik kay Wynter. He chuckled then stood. Pinigilan niya ito at muling hinilang paupo.

Yes, she was scared. Pano ba naming hindi? Eh ang siraulo at sadistang kasama niya, kinuwentuhan pa siya ng ghost experiencenito sa lumang villa na yon.

Noong ten years old pa lang raw ito at first time sa villa na yon, di daw ito gaanong napapansin ng mga ate nito so wala daw itong makalaro. Kaya ang lagging tambayan nito ay ang kusina kung saan may magiliw na mag-asawa pa ang nag-aalaga dito---ang caretakers daw ng villa ng mga ito na sina Mang Rico at Aling Melba. Kinuwento daw ni Wynter ang kabagutan sa mag-asawa atnagpayo nga raw na dun na lang ito sa front lawn dahil mas nakaka-enjoy daw doon. He followed them and met the sweet and charming Lea. Anak daw ito nina Aling Melba. Naging playmates ang mga ito for many days at inamin sa kanya ni Wynter na nagka-crush daw it okay Lea.

Bago umuwi ay nalaman nito na isang beses lang nagkaroon ng mag-asawang caretakers ang bahay and that was about ten years ago. Namatay daw sa isang aksidente ang mag-asawang iyon kasama ang anak na si Lea na at that time daw ay asawa ng present caretaker na si Mang Rodel---na hanggang ngayon ay caretaker pa rin.

Kinilabutan talaga siya nang marinig niya iyon. Iisipin pa lang kasi niya na sa kanya mangyayari ang ganon ay parang ikakamatay na ata niya. Pero wala naman daw siyang dapat na ipagalala dahil na-blessan na raw yung bahay sabi ni Wynter.

Muli siyang nagprotesta nang tumayo ito.

“Sa’n ka pupunta? D-dito ka lang!”

“Maghahanap lang ako ng kandila.”

“Hindi! I mean…wag na, din a kailangan.”

“But we still need light. Teka lang.”

“Wag sabi!”Tili niya muli. “Pag di ka tumigil, lalabas ako dito.” Banta niya.

“It’s raining. You can’t do that.”

“Oh, I would. Mas maliwanag pa naman don.”

“I wouldn’t bet on that.”

“Try me.”

“Bahala ka.” He walked away.

“Wynter!” She screeched before bolting towards him and grabbing his arm. She gave in her full force to drag him while running as if it was for her life. Buong lakas na itinulak niya ang backdoor at tinakbo ang garden, bitbit pa rin si Wynter. Or sana, si Wynter.

Kahit nakalabas na sila sa ulanan ay hindi pa rin niya ito magawang tingnan dahil baka mamaya ay ibang tao—or what—pala ang nakaladkad niay. So instead, she closed her eyes, continued to run, and screamed and screamed and screamed again.

Sa sobrang nerbiyos at takot , hindi na niya napansin na nasa poolside na pala sila at nagpatuloy lang siya sa pagtakbo.

“Skye----!”

Tili na lang ang naisagot niya nang maramdaman aniya ang unti-unting paglubog ng katawan.

==

SUNOD-SUNOD ang naging pagbahing ni Skye. Inatake rin siya ng sobrang ginaw kaya mas hinigpitan pa niya ang pagkakabalot ng makapal na comforter sa katawan.

“Ayan. Sinabi na kasing umuulan pero tumuloy ka pa rin eh.” Panenermon sa kanya ni Wynter at iniumang sa bibig niya ang kutsarang may lamang instant noodles.

Suminghot muna siya bago isinubo iyon. “Bakit? Ako lang ba? Sino bang nanakot? Tsaka sumabay ka rin naman sa akin sa pagtatampisaw sa ulan ah. Ano? Sabihin mong hindi?”

Pumalatak ito at muli siyang sinubuan. “Sandali lang naman yon eh. Ikaw nga dyan parang batang first time nakaligo sa ulan eh.”

“Ayoko na…”tukoy niya sa pagkain, “pero totoo naman eh. First time ko kanina kaya hindi pa rin ako magsisisi kahit magka-AIDS man ako dahil don.”

“O eh di ngayon nagkasakit ka? Tsaka anong AIDS? Nakipag-ano ka ba para magkaganon?”

“Kaya nga di ako magsisisi kasi never naman akong magkakaganon.” Ngumisi siya pero parang biglang kumirot ang sentido niya.

Inilapag nito ang mangkok sa tray at inabot sa kanyayung paracetamol at tubig. Ininom niya iyon at ibinalik ang baso rito.

Kinuha nito ang bimpo na nakapatong sa noo niya at pinalitan iyon ng bago. Pagkatapos ay inayos ang pagkakahiga niya at kinumutan siya hanggang leeg. Then, he picked up the tray and turned to leave.

“Wynter,,,”Parang biglang nanghinang wika niya. Pumihit ito paharap.

“Bakit?”

“Pwedeng dito ka muna? Wag ka munang aalis.” Animo batang pakiusap niya. Biglang namigat ang mga talukap niya at kusa iyong nagsasara. But even in her blurred vision, she still saw him as he set the tray down, pulled a chair beside the bed and sat looking at her like he was her guardian angel.

Kontento siyang napangiti at nakatulog.

==

PAKIRAMDAM ni Skye ay binibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit niyon. Hinang-hinang nagmulat siya ng mga matangunit wala siyang nakita sa sobrang dilim. Biglang binundol ng kaba ang dibdib niya nang makitang wala si Wynter sa tabi niya.

Brown-out pa rin ba?

Bumangon siya at bumaba ng kama and for a moment, she thought the room was spinning. “W-Wynter…?” namamaos na tawag niya pero walang sumasagot.

She reeled her way out of the room at napagtantong brown-out pa rin nga. She walked again and ended up at the staircase. Napatingin siya sa grandfather clock sa gilid niyon at nalamang 3:05 am pa lang. Pinanlamigan siya ng katawan. Babalik n asana siya sa kuwarto nang may matanaw na pigura sa baba ng hagdan. Figure of a…..

Little girl!

Parang siyang naparalisa at hindi makagalaw sa kinatatayuan habang pinapanood niya itong pumanhik. She opened her mouth to scream but not a word came out.

“T-tay…” she heard the girl whispered.

Umiling-iling siya. “N-no….”It was merely a croak. “W-Wyn….W……Wynter…!” Kahit nanghihina ay sinubukan pa rin talaga niyang tumakbo. Pero sa kasamaang palad, dumulas pa ang isa niyang paa sa isang step doon and she fell instantly.

Wala nang ibang natatandaan ang mahilo-hilo niyang diwa kundi ang pagdalo ng pigura ng bata at ang…..

“Skye!”

Boses ni Wynter?

Love of the Seasons: YOUR LOVE IS A LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon