CHAPTER THREE

76 2 0
                                    

“HOY, matagal pa ba yan? Dalian mo na!”

“Oo na! Wait lang, pwede?” halos isalpak na ni Skye ang mga gamit na ilalagay sa locker, magkasya lang ang mga iyon. Masyado kasing nagmamadali si Leigh dahil may date yata.

“O siya siya. Bilisan mo na at magpa-powder room lang ako.” Umalis na ito kapagkuwan.

Nasa kasagsagan siya ng pagtatambak nang may umistorbo sa kanya.

“Miss Skye Lorenzana?”

She turned and was quite surprised to see who it was. “O Mia! You need anything?”

“How dare you? Sino ka ba para pagsalitaan nang ganoon si Wynter?” Bira agad nito na hindi na nya ikinagulat.

“You just called me earlier. I’m Skye Lorenzana, right?”

"SHUT UP!!!!"

Ngek! Nagtanong ka pa!

"Fine."

"Don't 'fine' me!" Mia flung, obviously losing her composure. "Alam mo, wala kang karapatang ganun-ganunin si Wynter!"

"Oh I have every right, Miss Punzalan. Ano pang silbi ng pagiging demokratiko ng pamahalaan natin kung bawal palang ipagsabi ang nasasaloob mo? Haven't you heard about the freedom of speech? I thought your father was a lawyer?"

"Yes, he is so don't ever question that!" She screeched.

Nagsisimula na ring lumapit ang mga nakiki-usyoso. "Okay...okay. Loosen up. You're already making a scene!"

"I don't care! I just wanted to warn you about what you did to Wynter."

Sa loob-loob niya ay napapailing siya. Poor lady...tuluyan nang nauto nung damuhong 'yon!

"'Tell you what...maganda at matalino ka Mia. Wag mo na lang sayangin sa isang katulad ni Wynter. He's not worth it, after all." She said matter-of-factly as she closed her locker and picked her things. She was starting to walk away nang may maalala siya. "And by the way, Ngayon pa lang ay iwas-iwasan mo na siya. He has a pretty bad reputation, as we all know. He's only good for nothing." Hahakbang na sana siyang muli nang tumama ang katawan niya sa isangmatigas na bagay.

Or rather, matigas na dibdib.

"'Done insulting me, Miss Lorenzana? Because if not, I'm telling you...stop now before it's too late." Puno ng babala ang nagsalita niyon. Pero hindi siya natinag.

"Are you threatening me, Mr Dimartino?"

"Why? Are you threatened?" She saw a hint of mischief in his eyes.

"No. Though it's too pathetic for a last resort...threatening people, I mean." She smirked at him.

"You're not really scared of what I might do to you, are you?" Nginisihan siya nito.

"And why would I be? Ano bang gagawin mo? ipapa-suspend ako?" She shot him a mocking glare.

"Nah! Pero nag-iisip pa ako."

"Oh yeah? Aabangan ko yan ah." She smiled teasingly, this time. Parang nag-evaporate din ang inis niya rito nang ngumiti ito.

""Be sure of that. A man like me can't afford to be forgotten." Anito sabay kindat. Noon bumalik ang asar niya sa kayabangang ipinakita nito.

"Duh! Whatever." Eksaherada muna niyang itinirik ang mga mata bago taas-noong nag-martsa na palayo. Nakita rin kasi niya na papalapit na si Mia.

She had enough dose of nuisance for the day. Hihintayin na lang siguro niya si Leigh sa kotse.

Love of the Seasons: YOUR LOVE IS A LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon