CHAPTER EIGHT

60 0 0
                                    

"Tingnan mo yun....ang aga-aga, ang sungit-sungit." Nakasimangot na wika ni Wynter sa mga kaibigan nang makaraang layasan siya ni Skye. Hindi tuloy niya naituloy ang balak na pasimpleng kumustahin si Carrie.

"Eh ikaw naman kasi eh, ang aga-aga, binanatan mo agad ng pick-up line. Hindi ka man lang nagdahan-dahan. Na-buwiset siguro sa ka-atat-an mong maka-score." Wika ni Brayden with a hint of mischief in his eyes.

Siya naman ay awtomatikong napatindig. "WTF are you talking about?!" Halos lumabas lahat ng litid niya sa leeg nang sabihin niya iyon at sa hindi niya alam na dahilan, parang gusto niyang kilabutan. "Are you nuts?" He furiously added.

"Uuy, namumula siya." Tatawa-tawang tukso ni Raven.

Naghalakhakan ang apat niyang kasama. He stopped. Four? Luminga-linga siya sa paligid. "Nasaan na nga pala si Jake? Bakit lima lang tayo?" He carefully took his seat eyeing the four cautiously.

"There he is." Nguso ni Brayden sa kakarating pa lamang na si Jake.

"Anong meron dito?" Tanong nito at humila ng isang monoblock chair.

"'Bro, guess what? Umuwi na daw si Carrie! Finally, after five years! Hindi na magiging playboy si Wynter! Wala na akong kaagaw sa trono!" Animo naka-drugs na turan ni Raven.

Natawa si Jake. "Buti naman. But I have a much better news than yours." buong kumpiyansang wika nito.

"And what was that?"- Zach

"Remember Leigh?"

"Sino? Yung first kiss mo dati?" nakangising sabi ni Blue.

"Yes, that one." Tila proud pang wika nito.

"Andito lang siya kanina-nina lang ah...sayang di mo naabutan. Itinakbo na kasi ni Skye eh." Sumimangot na naman siya.

"Ah yes. Naabutan ko sila sa hallway. Natapunan ko pa nga ng iced tea si Skye eh."

Nagliwanag ang mukha niya. "Talaga? Namura ka ba?" Balak na sana niya itong asarin nang biglang tumanggi ito.

"Hindi naman ganoong klase si Skye. She's too adorable and nice to do such things."

"Ha?! Talaga?!"

Nagsingisihan ang iba nilang kasama sa kaniya. "Pano ba yan, 'tol? Sayo lang ata galit si Skye?" nang-aasar na tudyo ni Brayden.

"I don't care! Wala akong paki sa kanya at sa kaartehan niya." Angil niya sa mga ito. "Si Carrie ang gusto ko at hindi siya so why the hell would I care?!"

"Okay....easy. Ang puso mo,"-Raven.

"But back to my good news, kaya ako wala last friday, kinausap kasi ako ng mom ni Leigh. She asked me to be her daughter's tutor."

"Well, that's really a good news. Makakaganti ka na kay Leigh. Ninakaw niya yung first kiss mo, nakawin mo rin yung first time niya." Zach suggested maniac-like, kaya nabato ito ng ballpen ni Jake.

"Shut up. Puro ka kamunduhan!"

"What? Tama naman ako ah!" Bawi nito.

"Siraulo!"

"Thank you."

Argh!!! To hell with these men!

Ipinasak na lamang niya sa mga tainga ang earphones at nakinig ng tugtog. He must think of a way kung paanong makakalapit kay Carrie sa lalong madaling panahon. Baka mamaya, umalis na naman ito at tuluyan na siyang mawalan ng pagkakataon.

LOVE CAN BUILD A BRIDGE by WESTLIFE

Love can build a.....

Napaisip siya. Oo nga 'no? Bakit di ko naisip agad yun?

Love of the Seasons: YOUR LOVE IS A LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon