Pagkatapos ng tour ay inihatid ako ni Prof. Beatrix sa silid na tutuluyan ko. Nang makarating na kami, naglabasan ang mga babae sa dormitory. Mga witches. Magkakasama ang mga witches na may iba't-ibang kapangyarihan sa isang silid. Nakatayo na kami sa labas ng Room 106. Marahang kumatok si Prof. Beatrix sa pintuan ng kuwarto at pinagbuksan kami ng babaeng blondish with a touch of green highlights ang buhok at nakasalamin. May suot din siyang koronang bulaklak at binati kami ng may malawak na ngiti sa labi. Sa tingin ko makakasundo ko siya.
"Hi, Prof. Beatrix!" ani ng dalagang bahagyang nagulat nang makita kami ni Prof. Beatrix. Tiningnan lamang siya ng propesor at iginala ang tingin sa loob ng silid.
Sumulyap naman ng tingin ang tatlo pang babae. Ang isa na nakaupo sa may bintana ay may magandang hubog ang katawan at may kaakit-akit na mukha. Para siyang boyish. Her hair is similar to an orangey fire which suits her fair complexion. Ang isa naman ay nagbabasa ng libro. Parang siyang "emo" dahil all dark ang suot niya, maski ang shade ng lipstick niya ay "black" at natatakluban rin ng bangs niya ang kaniyang mga mata. Tumingin naman ako sa babaeng katabi ng "emo girl". She seems "weird". Nakasalamin rin siya ngunit ang kaibahan ay malalaki ang mga salamin nito. Her hair color is candy-pink. Maputi rin siya at may kaliitan ang height. I think her height is four-nine. May mga hawak siyang mga flasks na may mga iba't-ibang liquid color seems like chemicals. Parang nage-experiment siya. Nagulat kami ng sumabog sa mukha niya ang mistulang chemicals.
"Kainis! Hindi ko maperfect!" Nabuburyong niyang sinabi habang nasasamid. Tumikhim si Prof. Beatrix dahilan para bigla siyang mapatingin sa amin, na nakatayo sa pintuan. Inayos niya ang kaniyang sarili at biglang pumirme sabay nagsalita ito.
"Prof. Beatrix! Ahm... Ano po ang ginagawa niyo dito?" ani ng babae na nasabugan ng mga chemical-like liquids ngayun-ngayon lang.
"Hindi mo ba nakikita Stella? Kasama niya yung bagong student ng Lunaire. Iyong kasama raw ni Loki pabalik dito sa academy."
"Ah ganoon ba Zera." sabi niya sa babaeng halos di na makita ang mata dahil sa bangs. Then she looked and studied the whole me.
"Girls, siya si Mira. Siya ngayon ang bagong roommate niyo. Pero hindi niyo siya makakasama sa klase pansamantala dahil kailangan niyang humabol sa mga lessons na natapos na kung kaya't, sasailalim siya sa isang special classes at training." Paliwanag ni Prof. Beatrix sa apat na babae.
"Magpakabait kayo girls kay Mira, at Mira..." sabay harap niya sa akin, "Maging mabait at palakaibigan ka rin sa kanila, okay?"
May pagka-kikay palang magsalita si Prof. Beatrix, pero kung titingnan siya ay mukha siyang seryoso sa pagtuturo. Iniwan na ako ni Prof. Beatrix sa silid, kasama ang apat na babae na tinitingnan ako na parang kakainin ako ng buhay. Hindi ko alam kung may galit ba sila sa akin o ano. Napatingin ako sa babaeng may orange ang buhok dahil nagsalita siya.
"Balita nga namin, kasama ka raw ni Loki pagbalik dito, at nakatulog ka pa raw sa kuwarto nila." Iba ang aura ng pagsasalita niya. Ah, kaya ganoon na lamang sila makatingin sa akin ay marahil, dahil sa kumalat nga ang balita na nakitulog ako pansamantala sa kuwarto nila Loki, and the fact na babae ako.
"Nakakainggit nga siya Phyra eh. Sana na-experience ko rin yon para naman makita at makasama ko si Gwydion." ani ng babae na may green highlights ang buhok.
"Verdana, kahit ano ang gawin mo, hindi ka mapapansin ni Gwydion, hindi ba Stella?" ani Zera.
Humalakhak ng tawa si Stella. "Tama yun Zera. Eh takot sa babae si Gwydion no, kaya hindi siya nanliligaw sa kahit sinong witches dito sa academy." Sa mga sinabi ni Stella ay nanlumo si Verdana at muli siyang nagsalita. "Joke lang ung Dana, huwag mong seryosohin. Malay mo magbago ang ikot ng mundo." Tinapik-tapik nito ang balikat ni Verdana at tumingin sa akin. "Mira hindi ba? Ano ang full name mo?" She smiled.
![](https://img.wattpad.com/cover/209982744-288-k771189.jpg)
BINABASA MO ANG
Lunaire Academy: Wizards And Witches Saga [ONGOING]
FantasyMIRA LUNA CRESCENCIA is a simple lady na nag-aaral sa Heather University. Nagbago ang kaniyang buhay nang makilala niya ang wizard-warlock na si Loki na may misyon sa mundo ng mga tao and it is because she has a magical power katulad ni Loki na isan...