Reunited

106 12 12
                                    

“Mira. Mira.” Naririnig ko ang pamilyar na tinig ng babaeng bumabanggit sa pangalan ko, ngunit hindi ko magawang imulat ang aking mga mata sapagkat tila ayaw pa akong lubayan ng malalim kong pagtulog. “Mira, gumising ka.” May maiinit na kamay ang dumampi sa aking mukha. Ang pakiramdam na ito. Tila kailangan kong gumising agad dahil maging ang puso ko ay nananabik na makita ang babaeng patuloy na sumasambit sa aking ngalan, kaya sinubukan kong imulat ang aking mga mata. Sa pagdilat ko, nasa ibang mundo muli ako, katulad ng mga nauna kong mga panaginip. Naramdaman ko na parang nakahiga ako sa kanlungan ng isang babae, ngunit hindi ko maaninag ng maayos ang kaniyang mukha dahil sa liwanag na bumabalot sa kaniyang pagkatao. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata at ng luminaw na ang aking paningin, gumuhit ang malapad na ngiti sa kaniyang labi, saka siya nagsalita.

“Ako ay Ikaw, dugo at laman mo’y nanggaling din sa akin, dahil ikaw ay akin. Batid kong may hinuha ka na kung ano ang tunay kong katauhan.”

“Opo, mahal kong ina.” wika ko sabay niyakap ako ang aking ina. Mahigpit at maaalaga na may halong pananabik ang kaniyang pagkakayakap sa akin. Buong buhay ko, hindi ko naranasan ang yakap ng isang magulang, ina ko man o ama ko dahil hindi ko sila nakagisnan. Pero heto siya sa harap ko ngayon. Matagal na siyang yumao ngunit tila buhay pa siya. Nahahawakan ko siya at hindi malamig ang buo niyang katawan. Para pa rin siyang buhay at nananatili siya rito sa isip at puso ko. Minsan, masasabi ko rin na ang tanga ko. Sana naisip ko na agad na siya ang aking ina sa simula pa lamang. Niyakap ko rin siya katulad ng pagkakayakap niya sa akin.

“Mira, sa tingin ko ito na ang huling beses na magkikita tayo.” malungkot na winika sa akin ni ina.

Marahas akong bumitaw mula sa pagkakayakap sa kaniya saka tiningnan siya ng deretso na may halong pagtataka, “B-Bakit po ina? Sa ilang beses na pagpapanaginip ninyo sa akin, ngayon ko lamang napagtanto na ikaw si Lady Minerva, ang aking ina. Bakit ngayon pa?!” halos mautal-utal kong bulalas sa aking ina dahil na rin sa pagkagulat.

Marahan akong hinawakan ni ina sa aking balikat at ngumiti, “Matagal na akong yumao, natupad na rin sa wakas ang hiling ko na makilala mo ako, bilang iyong ina. Isa pa malapit ng mangyari ang bagay na kinatatakutan ng lahat.”

“Ano pong kinatatakutan ng lahat?” nakakunot-noong tanong ko sa aking ina.

“Ang pagsasaklop ng buwan at ng araw. At ang muling pagbangon ng kadiliman. Ang paggising muli ni Morgana mula sa kaniyang pagkakahimlay.”

“Iyon po ba ang binanggit ninyo sa akin noong unang beses na nagpakita kayo sa aking panaginip?”

Tumango lamang ang aking ina, saka ako marahas na napabuga ng hininga.

“Okay alam ko na po ang bagay na iyon. Pero, ang hindi ko po maunawaan ina, paanong natutulog lamang si Morgana? Hindi ba gising na gising pa siya at siya lahat ang may pakana ng kaguluhan? Kaya nga po babawiin namin ang mga dinukot niyang estudyante ng Lunaire sa kaniya.”

Bumuntong-hininga si ina saka siya marahang nagsalita, “Matagal na siyang nahihimlay. Ang mga naiwan niyang kampon ang kumikilos para sa kaniya upang siya ay muling magising. Para mangyari muli ito, kinakailangan niya ang dugo mula sa susunod na tagapagmana ng pamilyang Whittaker, Ravencraft at Fontanelli. Ang pamilyang naglingkod sa kaniya, ngunit sa huli ay umanib sa amin. Kaso bago pa man nila nalaman na ginamit lamang sila ng aking kapatid, nagkaroon na sila ng kasunduan na kailangan isakripisyo ng mga pamilyang ito ang dugo ng mga susunod na tagapagmana kung kinakailangan. Muling manunumbalik ang kapangyarihan ni Morgana sa oras na maglinya-linya ang mga planeta, at mga bituin, ganoon din ang pagsasaklop ng araw at buwan.”

Napasinghap ako saka bumuga muli ng hininga, “Ibig pong sabihin, kailangan pala talaga namin mapigilan ang napipintong paggising ni tita. I mean, my evil tita?!” bulalas kong muli na may halong pagtatanong.

Lunaire Academy: Wizards And Witches Saga [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon