Quisling's Identity

58 18 0
                                    

Sabi nga ni Prof. Emmelline, we should take a rest para sa pagsabak namin bukas ay may sapat na lakas kami na harapin ito. Bandang alas-singko kami nagising ng mga kasama ko dahil ngayon ang araw na darating ang Council. Kagabi, nauna nang makabalik ang iba namin mga kasama sa kani-kanilang quarters except for Loki, Rincewind, Luccas, Rage, Stella and me, as well. Lihim kaming kinausap ni Mrs. Clementine at Prof. Irvin, kasama si Prof. Beatrix. Napagkasunduan namin na bukas sa pagdating ng Council, ipapaalam na nila sa mga ito na ako ang nawawalang anak ng reyna, at sumang-ayon dito sina Loki, samantalang inulanan naman ako ni Rage ng mga katanungan nang malaman niya na ako ang prinsesa. Napangiwi na lamang ako dahil hindi ma-digest ng utak ko ang “out of this world” questions niya, yet friendly naman ang approach niya sa akin, sanhi para bahagya akong tumawa. Napag-diskusyonan din namin kagabi na kailangang magmamatyag nina Stella, Rage, at Prof. Beatrix sa oras na magsimula ang gagawin na pagpupulong sa Council, gayundin ang isasagawang interrogation sa mga witnesses at kung kinakailangan, gumamit na ng dahas kung mahuli at manlaban ang posibleng traydor ng academy, dahil iyon din ang kanilang hinuha matapos tahasang sinabi ni Rage ang konklusyon ukol dito. Oo nga pala, isinama ni Mrs. Clementine si Rage dahil malaking tulong ang kaniyang glass magic dahil versatile ito. Rage had the ability to use his glass magic in different aspects, at una kong nasaksihan ang magic niyang ito noong naging teammates kami sa nakaraang Death Match.

Nang magising na kaming lima, nagsimula na kaming mag-ayos ng aming mga sarili. Dahil hindi na ako nakapagluto ng breakfast namin since napuyat kami dahil sa emergency meeting, at naiwan pa kami ni Stella sa conference house kagabi,  napagdesisyunan namin na sa café na muna kami kumain ng breakfast. Thank goodness, libre lahat dito. Hindi ko alam kung gaano ba kayaman ang pamilya ng ina ko sapagkat mukhang hindi na kailangan ng academy na ito ang pera para punan ang pangaraw-araw na pangangailangan ng mga estudyante. Mapa-pagkain, damit, bath essentials and etcetera. Ang kaibahan lamang, hindi uso ang cellphone dito. Nami-miss ko na rin kasing maglaro ng Mobile Legends, isang sikat na video game sa mundo ng mga tao. Ang katangahan ko, naiwan ko ang cellphone ko sa may drawer ko sa loob ng girls dormitory sa Heather U kaya wala akong mapaglibangan minsan dito sa Lunaire Academy. Napabuntong-hininga ako saka isinubo ang pagkain na nasa kutsara ko. Narinig kong may sinasabi si Verdana habang punung-puno ng cheese tamagoyaki ang bibig saka siya iritadong sinaway ni Phyra, “Puwede ba lunukin mo muna ang kinakain mo bago ka magsalita.”

Nilunok muna ni Verdana ang nginunguyang tamagoyaki saka lumagok ng isang baso ng tubig, “Sabi ko, ang sarap ng Japanese-style breakfast natin ngayon, kaya i-enjoy na natin ang pagkain kasi mamaya mukhang mapapasabak tayo sa laban.”

Pinaikut-ikot ni Stella ang hawak niyang tinidor sa kaniyang plato saka biniro si Verdana, “Wow ah, hindi ka lang pala isang magaling na nature witch Verdana, isa ka na rin foreteller! Dana the great foreteller!”

Nagsimula na kaming magtawanan samantalang nginusuan lamang kami ni Verdana at maya-maya pa ay nauwi na rin siya sa pagbungisngis. Sana palagi kaming ganito, masaya at walang iniisip na problema. Ngunit, alam kong sa tunay na buhay, hindi parating ganito. Palagi rin itong may kaakibat na kalungkutan at kabiguan.

Right after we finished eating our breakfast, we headed toward the convention hall of the academy. Maraming bulwagan kasi rito sa academy kaya kung anu-anong “hall” ang nararating ng aming mga paa. Bago pa man kami maka-order ng kakainin kanina sa loob ng café, tinawag kami ni Prof. Beatrix upang abisuhan na darating ang tatlong miyembro ng Council at magsisimula ang nasabing trial ng eksaktong alas-siyete ng umaga sa academy’s convention hall. Take note, invited din manood ng trial ang mga students ng academy. Hindi na lamang kami umimik bagkus sabay-sabay kaming tumango bilang tugon sa propesor kahit na nakaramdam kami ng kaba, saka siya lumabas na ng café.

Nang makarating na kami sa convention hall ng bandang 6:54 a.m., nag-aalangan pa si Zera na buksan ang pinto, ni ayaw nga niyang hawakan ang sosyal na doorknob ng nasabing hall. Mukhang kinakabahan siya kaya ako na ang nagprisinta na magbukas ng pinto. Ngunit bago ko pa man hawakan ang doorknob ay may sumigaw sa aming likuran, “Hey wait for me!” sigaw ni Gwen habang pahingal-hingal na tumatakbo papalapit sa amin.

Lunaire Academy: Wizards And Witches Saga [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon