Unveil

64 30 3
                                    

Tuluyan ng lumabas si Loki mula sa loob ng tahanan ni Prof. Irvin. Hindi ko maunawaan kung bakit gano’n na lamang ang naging reaksyon niya nang malaman niya ang katotohanan na ako, si Mira Luna, na aksidente niyang natagpuan sa mundo ng mga tao ang nawawalang prinsesa nila. Gustuhin ko man siyang habulin papalabas ngunit pinigilan ako ni Rincewind. Pahamak kasi kayo. Mukhang galit na sa akin ang future jowa ko. I facepalmed as I shook my head exaggeratedly. Hindi ko akalain na napuna pala ni Luccas ang behavior ko, “Nababaliw ka na niyan princess?” tanong  ni Luccas sa akin na halatang pinipigilang tumawa, but in the end, humagalpak na ito sa kakatawa. Sige tawa pa, walang nakakatawa. Biglang napangiwi si Luccas nang hinampas ni Prof. Irvin ang kaniyang ulo gamit ang tungkod niya. Buti nga sa’yo. Bumungisngis ako sa ginawa ng matandang propesor saka tumikhim at pumirme. Matalim akong tiningnan ni Luccas.

“Lolo naman e, It’s a joke. So— I-Ikaw ang anak ni Lady Minerva?” tanong ni Luccas sa akin habang hinihimas-himas ang ulo.

Marahan akong tumango sa kaniya. Sa ipinakitang ekspresyon ni Luccas, mukhang hindi big deal sa kaniya na ako ang nawawalang anak ng dating reyna ng Lunaire city, at founder ng academy. Hindi katulad ni Loki na nag-walk out pa, at tila may sama ng loob sa amin ni Rincewind.

“Tingin ko, hindi pa nakakalimutan ng anak ni Victor at Sylvia ang masalimuot na pangyayari sa pamilya niya,” malungkot na pagkakasabi ng matatandang propesor.

“Victor, Sylvia?” tanong ko. Sumagot si Prof. Irvin, “Ang mga magulang ng batang iyon,” Napasinghap ako sa nalaman ko, “I-Ibig pong sabihin—,”

Naputol ang sasabihin ko nang magsalita si Rincewind, “Paano niyo po nalaman na anak siya ni Tita Sylvia?” Ngumiti ang propesor, “Sapagkat naroon ako ng isinilang siya, at naroon din ako ng isinilang ka, anak ni Wind at Rina Martin.”

Napakagat-labi si Rincewind sa mga sinabi ng propesor, “So, all this time, you knew us?”  Tumango lamang ang propesor saka ngumiti bilang tugon kay Rincewind saka nagsalita, “Pasensya na kayo, kasalanan ko na tahasan kong sinabi ang mga nalalaman ko. Hindi ko naisip na mukhang mayroon pala akong masasaktan.” paliwanag ni Prof. Irvin sa amin habang nakayuko na sa kinau-upuan. Naku prof, late na po ang sorry mo.

Biglang sumabad si Luccas sa usapan, “Lolo, Mira, Rincewind. Hindi niyo rin kasi masisisi ang nararamdaman ni Loki. Alam niyo kung bakit gano’n ang naging reaksyon ni Loki sa mga nalaman niya, dahil nagkaroon siya ng galit sa puso niya ng mamatay ang kaniyang mga magulang sa holocaust.” Luccas said in a serious tone. Aba, may pusong mamon din pala si Luccas. Ngunit, napukaw ang interes ko sa sinabi niyang holocaust, “Holocaust?”

Umayos ng pagkaka-upo ang matandang propesor at tumikhim, “Noong panahon na sinugod ni Alistair, ang bagong hari ng underworld, kasama si Morgana at ang kaniyang mga kampon. Inuna nilang kitlin ang buong pamilya ng Greyhound. Walang ititirang buhay, dahil natunugan nila na isa sa mga kandidatong tagapagmana ng grimoire na sumasagisag sa araw ang pamilyang Greyhound. Ngunit, may nakaligtas na bata, at iyon ang anak ni Sylvia at Victor. Itinakas agad siya ni Sylvia mula sa mansion, at nang matagpuan ni Clementine ang pamangkin na si Sylvia na nagaagaw-buhay sa kagubatan habang bitbit ang pitong-taong gulang niyang anak, ipinagkatiwala niya agad ang kaniyang anak kay Clementine bago ito tuluyang mawalan ng hininga,” humugot ng malalim na hininga si Prof. Irvin, “Tama ka apo, at sa pagkakatanda ko, ang sinisisi niya sa lahat ng mga nangyari ay ang anak ni Minerva.”

Biglang bumagsak ang mga balikat ko. May kung anong bagay rin ang malakas na sumuntok sa dibdib ko. Halu-halo na ang emosyon at sakit na nararamdaman ko ngayon at hindi ko na namalayan na pumatak na rin ang luhang pinipigilan kong tumulo. Kaya pala gano’n na lamang ang reaksyon niya, ako pala ang sinisisi niya sa lahat ng nangyari sa buhay niya.

Lunaire Academy: Wizards And Witches Saga [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon