Initiation

99 51 5
                                    

Konnichiwa minna-san!

Heto na po ang 13th Chapter of Lunaire Academy, and I want to dedicate this chapter to maam Franxx_02. I really appreciate po your comments amd suggestions po sa aking story. Maraming salamat po!!! 😍😍😍. Heto na po mga gorgeous! Stay tune po tayo for updates. Love you all!!!

*******************

Napatulala at napanganga ako sa sinabi nilang "initiation". Hindi ko alam ang gagawin ko kung pupunasan ko ba ang pawis ko sa kaba o susundin ko ang request nila sa akin as part of their "initiation" thing.

"Like I said a while ago Mira, Starlight Coven has an initiation, and that is, you need yo show your magic on us." Stella insisted then she grinned at me cunningly. Parang planado na niya yata ito. I clutched my right hand.

"Pero kasi Stella..." Pinutol ni Phyra ang sanang sasabihin ko.

"No buts Mira, pakita mo na sa amin. Kami lang naman ito."

"Oo nga Mira, sige na." ani Verdana habang sinusuklay niya ang buhok ni Zera gamit ang kaniyang mga daliri. Habang si Zera naman ay patuloy pa rin sa pagbabasa ng kanyang libro - The Untold Story of the Dawn Witch.

"O-okay." Nanlalamig ang buong katawan ko sa pagsang-ayon ko sa kanila, dahilan para magsimula akong pagpawisan, at kahit alam ko na baka "disaster" ang maging epekto ng kapangyarihan ko kapag pinakita ko ito sa kanila-- Damn. I have no choice but to do it. Hindi ko naman ito gagawin kung hindi nila ako pinipilit at isa pa, sila ang roommates ko -- my new friends. Kailangan kong makisama at ayoko rin na sumama ang loob nila sa akin. Lalong humigpit ang hawak ko sa aking kanang kamay. Napapikit ako at ipinagdarasal na sana hindi pumalpak ang pagpapakita ko ng aking mahika.

Iminulat ko ang aking mga mata at isa-isa ko silang tinitigan. I stopped my gaze at Stella. She grinned at me again. It seems like she's telling me that I need to do it and I do not need to worry because nothing terrible will happen. I smiled back at her with confidence. I showed my right hand's palm on them, while still wearing the black glove Mrs. Clementine gave me the other day. Ayokong alisin ang glove na ito dahil baka malaman nila ang real identity ko. I closed my eyes and tried to concentrate on the magic within me. Kailangan ko lang mailipat ang magical energy sa palad ko at makapagpalabas ng isang mumunting magic. Tama, iyon ang nasa isip ko, isang mumunting magic. Mga two percent sapat na iyon. I felt my own magic running through my veins, since a tickling sensation due to some imaginary dusty-like powder was pouring from my head down to my feet. Dahil rito, unti-unti kong nararamdaman na umiipon ang taglay kong magic sa aking kanang palad, hanggang sa narinig ko ang boses nila Verdana.

"Wow! Ang galing!" Verdana said amusingly.

"It's odd. Ngayon ko lang nakita ang ganyang magic." ani Phyra.

Sa sinabi ni Phyra ay dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nakokontrol ko na pala kahit papaano ang kapangyarihan ko. Tama ang hinala ko, may something talaga itong guwantes na ito. But I think, nakatulong din ang 'glove' na ibinigay sa akin ni Mrs. Clementine at ang mga lessons na natutunan ko sa klase ni Prof. Beatrix, specifically, yung subject na Manipulating and Controlling the Magic Within. But, what made me nervous was that, Zera noticed something unique about my magic, dahilan para lalong tumagaktak ang pawis sa aking noo.

"But, her magic was good. Tingnan niyo guys..." sabay itinuro ni Zera ang mistulang maliit na pigura ng nagliliwanag na buwan sa gitna ng aking palad. Tuluyan ng tumulo ang pawis sa aking noo nang itinuro niya ang pigura sa aking palad.

"...and look, pinapalibutan ng mga silver dusts itong bilog sa gitna.. It's like a moon, protecting by the silver dusts like fireflies. It's pretty!" dagdag ni Verdana.

Salamat kay Verdana at tinanggal niya kahit papaano ang kaba na nadarama ko. I gave Verdana a genuine smile after hearing her comment. "Thank you, Verdana." You're my savior talaga!

"Dana na lang Mira, okay?"

"Okay" I said.

Tiningnan ko muli ang munting mahika na nasa palad ko. It's a job well done para sa akin, at laking pasasalamat ko kina Mrs. Clementine at Prof. Beatrix. Ganoon din kay Loki. I smiled unconciously as I pictured Loki's face and his smiles in my mind. But wait, may nakalimutan pa yata ako. Tama, the guy who unsealed the sealing spell on my magic, si Rincewind. Kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ko magagamit ang kapangyarihan ko. Sobrang pasasalamat ko because he had done a great job for me, kahit hindi ko pa naipapaabot ang pasasalamat ko sa kaniya ng personal.

As I look at the magic floating on my palm, I felt a sudden pang on my right hand -- my moon's mark. I winced and the magic on my palm vanished. Tila nag-iinit ang marka sa kanang kamay ko kahit natatakluban na ito ng gwantes.

"Aray!" I grasped my right hand with my left hand, caressing the mark on my right hand.

"Bakit Mira?" tanong ni Stella na may halong pag-aalala sa kaniyang mukha.

Dali-daling kinuha ni Verdana ang aking kanang kamay, akma niyang tatanggalin ang gwantes na suot ko.

"Huwag!" Hinila ko ang aking kanang kamay, dahilan para mabitawan ito ni Verdana.

"Papagalingin ko lang Mira, baka kasi nagkasugat ka dahil sa magic mo." ani Verdana na may pagtatangka pa rin na hawakan ang kanang kamay ko.

"Thanks Dana, but I'm fine."

Stella and Phyra raised their eyebrow because of my behavior. They stared at me then they began to speak.

"May tinatago ka ba sa amin, Mira?" Stella asked me with wonderment.

Lalo akong pinagpawisan at nanlalamig na ang mga kamay ko. Nasa hot seat ako at kulang na lang ay lagyan na nila ako ng lie detector test o kung anu-anong paraphernalia para mapaamin ako. I bit my lower lip and held my right hand tighter. Mira, you need to think an excuse, excuse, excuse...

The three of them are still waiting for me to spurt a response.

"Ah, kasi ang totoo..." Naputol ang sanang sasabihin ko nang biglang umalingawngaw sa buong dormitory ang tunog ng kampanilya.

"Guys, we need to sleep na. For sure may maglilibot na professors on duty para i-check kung natutulog na tayo, next time na lang tayo mag-conduct ng 'real' meeting." Zera said.

Whew! Buti naman, I am saved by this bell.

"Okay, basta Mira. If may problem ka, wag ka mag-aalinlangan na magsabi sa amin, at kung may secrets ka, i-share mo iyon sa amin. Friends tayo dito. Right?" ani Verdana.

"No problem, pasensya na rin, dala lang siguro ng antok ko ito." I said to her.

"Sige na matulog na tayo, at Mira..." Stella looked at me then winked. "Your magic is wonderful, and powerful, I think. Ngayon lang kasi kami nakakita ng ganyang klase ng mahika, ang kulang lang, you need to practice controlling it. Parang... Parang... Ahm... Tama! Moonlight's magic! Para siyang ganun, dahil katulad ng moonlight ang ipinakita mo sa amin ngayon."

Stella's statement made a slam on my heart, making it pound fast. Shit. Alam na kaya niya. Stella is witty and a keen observer. Papaano na ako nito, alam ko rin na kaya niyang mag-mind read, pero nababasa kaya niya ang nasa isip ko lately?

"Well, it's pretty odd, but I enjoyed staring at your little magic trick, Mira. Kalimutan na natin ang gabing ito." ani Phyra at ngumiti sa akin.

"Salamat, Phyra." Napatingin ako sa bintana at nakita ang nagliliwanag na buwan mula sa aming kuwarto.

"We should sleep girls, maaga pa tayo bukas." Zera said to us, dahilan para mapabalik ang tingin ko sa kanila.

"Yessi!!!" The three of us answered in chorus.

Lunaire Academy: Wizards And Witches Saga [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon