Nakabalik na kaming dalawa ni Loki sa aming mga kani-kaniyang silid. Inihatid muna niya ako sa witches’ dormitory bago siya pumanhik sa kanilang dorm nila Rincewind. Bukod doon, nangako rin siya na susunduin niya ako before the dinner, at nang makabalik na ako sa tinutuluyan kong silid, sinalubong ako ng mga ka-roommates ko ng isang mahigpit na yakap.
“Mira! Na-miss ka namin, sobra!” maligayang bulalas ni Verdana.
“Pero, na-miss ka nga namin. Totoo, kahit isang araw ka lang lumiban sa klase,” dagdag ni Zera.
“So, anong nangyari sa training thing na ginawa ninyo? Nabanggit kasi sa amin yoon ni Prof. Emmilline kahapon pagkabalik niya mula sa office ni Mrs. Clementine,” mausisang tanong ni Phyra sa akin.
“Ahm… biglaan lang ito guys, but I can control my magic now, at nakuha ko na rin ang grimoire ko,” nag-aalangan kong sagot sa kanila habang hinihila-hila ko ang buhok ko.
“Wow! Puwede ba namin makita ang grimoire mo, Mira?” tanong ni Verdana sa akin na may pagkamangha. Bahgya akong nag-alangan dahil hindi nila maaaring makita ang Lunar grimoire.
Tumikhim si Stella saka nagsalita na tila walang gana, “That’s unusual para sa isang araw na training and yet, nakuha mo na agad ang grimoire mo. Anyway, congrats Mira! At least you have your grimoire.”
“Bakit parang hindi ka masaya, Stella?” bulalas ni Phyra.
Stella glared at Phyra, at nilabanan din siya ni Phyra ng matalim na tingin. Bigla kaming natakot at nabalisa sa titigan ng dalawa. Biglang iniwas ni Stella ang kaniyang mga tingin kay Phyra saka niya ibinaling ang atensiyon sa bintana ng kuwarto. Muling nagsalita sa amin si Stella ng may kahinahunan, “Sorry guys. There are odd things that makes me feel uncomfortable.”
Bumuntong-hininga si Phyra, “Whatever! Mag-ayos na tayo at kailangan na natin pumunta sa dining hall.”
Sumang-ayon kami kay Phyra at nagsimula na naming asikasuhin at ayusin ang mga sarili namin. Napansin ko na iba ang ikinikilos ngayon ni Stella, at masasabi ko rin iyon sa facial expression niya. Matapos namin mag-ayos, I saw Stella motioned toward the window. Nakatulala lamang siya sa may bintana saka siya humalukipkip. Hindi ko mawari kung ano ba ang itinatakbo ng isip niya ngayon, but she seemed to be a different person. Nilapitan ko siya dahil nag-aalala ako sa inaasal niya kani-kanina.
“May problema ba?” I asked her in a sincere tone.
“Ayokong magsinungaling lalo na sa’yo. Kaya, oo.”
Napaka-straighforward talaga niya. Huminga ako ng malalim bago nagsalita, “Puwede ka naman magsabi sa amin ng problema.” Deretsong tumitig sa akin si Stella saka ngumuso, “Let’s talk after dinner sa may greenhouse malapit sa botanical garden, tayong dalawa lang Mira.”
Nagtaka ako bakit gusto niya na mag-usap kami ng pribado. Hindi na ako nagdalawang-isip, dahil sigurado ako na mayroon siyang nararamdamang kakaiba, kaya pumayag ako sa kagustuhan niya. Palabas na kami ng dormitory nang impit na tumili si Verdana at itinuro kung sinong Apollo ang nakasandal sa tabi ng pintuan ng witches’ dorm. My heart skipped as I turned my face to saw Loki in his fitted v-neck shirt and maong ripped jeans. He’s so damn hot!
“Mira, sabihin mo nga, mag-on na ba kayo ni Greyhound or nasa ligawan stage pa kayo?” pabulong na tanong ni Zera sa akin.
“Nililigawan or not, at least tinalo ni Mira ang mga ingratang mga kaklase natin na may pagnanasa kay Greyhound!” bulalas ni Verdana, dahilan para mag-init ang mga pisngi ko saka marahas kong tinakpan ang bibig niya.
Nahimigan kong umalik-ik si Loki, kaya inalis ko kaagad ang kamay ko sa bibig ni Verdana at tumikhim. Pinilit kong ipirme ang aking sarili saka umiwas ng tingin kay Loki para hindi ako lalong kabahan, nang bigla siyang nagsalita.
BINABASA MO ANG
Lunaire Academy: Wizards And Witches Saga [ONGOING]
FantasyMIRA LUNA CRESCENCIA is a simple lady na nag-aaral sa Heather University. Nagbago ang kaniyang buhay nang makilala niya ang wizard-warlock na si Loki na may misyon sa mundo ng mga tao and it is because she has a magical power katulad ni Loki na isan...