Emergency Meeting

54 18 3
                                    

Sumunod kami kay Mrs. Clementine palabas ng witches’ dormitory hanggang sa makarating kami sa conference house ng academy. Pagpasok pa lamang sa gusali, masasabi ko na may kalawakan ang loob ng conference house at mayroong mahabang varnished wooden conference table ang naka-ayos sa sentro, habang ang mga bintana ng conference house ay gawa sa pinakamatibay na uri ng salamin. Take note, magic-proof din ito. May ilang conference chairs ang nakapalibot din sa table. Nagtaka kami kung bakit kasama rin namin sa conference house sina Loki, Rincewind, Luccas, Calum, at Gwydion. Maging sina Leon at Rage ng Twilight Flame, Loure at Von Marcus ng Night Shadows at Henry ng Radiant Heart. Habang kami ay nakatayo sa may bandang pintuan ng conference house, pabulong na nagtanong si Phyra kay Prof. Rudolf na katabi lamang niya dahilan para makuha ang atensiyon namin mga babae, “Mawalang-galang na po prof, bakit po nandito sina Aeris at ang iba pang taga-kabilang dorm?”

Kalmadong sumagot si Prof. Rudolf kay Phyra, “You were on the same boat, Ms. Blaise. Parehas lamang ang insidenteng na-experience ninyo at ng mga warlock na’to ngayong gabi, and Mr. Worth was one of the victims, at nawawala rin si Crow Ravencraft, the younger brother of Loure.”

Nagkatinginan kami matapos sagutin ni Prof. Rudolf ang usisa ni Phyra. Pati kapatid ni Loure nawawala, pero bakit? Tumungo ako at napakagat-labi saka mahigpit kong hinawakan ang kanang kamay ko kung nasaan naka-ukit ang crescent moon mark ko. This was my fault. I am a weak and helpless heiress. Nagutla ako and I came back to my senses nang hinila na ako ni Stella papalapit sa conference table.

Pina-upo kami ni Mrs. Clementine sa mga conference chairs. Samantalang umupo ang matandang dalagang propesor sa malaking swivel chair sa unahan. Katabi naman niya si Prof. Beatrix sa bandang kanan, sa bandang kaliwa naman si Prof. Rudolf. Katabi naman ni Prof. Beatrix si Professor Crazy Jerk, at si Prof. Irvin naman ay naka-upo sa tabi ni Prof. Rudolf. Seryoso ang mga hitsura ng mga propesor na kaharap namin, habang ang mga kasama ko ay halatang hindi makalimutan ang mga nasaksihang pangyayari kani-kanina, lalo na ang mga ka-roommates ng mga nabiktima. Mukhang mabigat ang magiging diskusyonan namin ngayong gabi. Naantala ang pag-iisip ko nang naulinigan ko ang marahang pagpalakpak ni Mrs. Clementine sa kaniyang mga kamay, dahilan para maagaw ang atensiyon namin lahat.

“Una sa lahat, ikinalulungkot ko ang nangyari kay Ms. Hyacinth Gray ng Night Shadows. As for Mr. Wainsley Worth ng Twilight Flame, nasa emergency room siya ng ating klinika, kasama si Margaux, ang batikang academy’s doctor natin,” malungkot na saad ni Mrs. Clementine.

Napasinghap kami ng mga kasama ko dahil sa gulat. Ibig sabihin, pati na rin sa boys’ dorm ay nangyari rin ang ganitong kahindik-hindik na insidente.

“S-Si Wainsley? A-Ano po ang nangyari kay W-Wainsley?!” gulat na bulalas ni Agatha.

“Nang maabutan namin siya sa may aisle ng dorm, naghihingalo na siya. Thank goodness at naroon pa sa salas ng dorm ang Big Three, si Gwydion, Calum, at maging si Von Marcus, kaya agad siyang nalapatan ng lunas.” saad ni Leon.

Tumulo muli ang mga luha ni Agatha saka napahawak siya sa kaniyang dibdib. Ngumiti naman si Von Marcus kay Agatha, “Don’t worry Agatha, he’s safe now. Matutuwa siya kapag nalaman niya na nagwo-worry ka sa kaniya once he wakes up.”

I saw Agatha flashed a genuine but painful smile at Von Marcus. May kung anong bagay ang sumalpok sa dibdib ko sa mga ngiti nyang iyon. Awa at simpatiya para sa kanila ang naramdaman ko dahil sa pighati na dinanas nila ngayong gabi. I felt guilty as well, dahil bilang anak ng sumakabilang reyna, wala akong magawa para protektahan ang mga kasama ko. Kung sigurong hindi ako nag-emote sa kuwarto dahil sa pagpapahiya na ginawa nila sa akin kanina sa dininig hall at nag-stay muna ako sa salas ng dorm namin, baka sakaling nailigtas ko pa sina Alice at Carmilla, maging si Hyacinth, kahit hindi maayos ang pakikitungo nila sa akin. Gulong-gulo ang utak ko. And, the fact na kakaiba rin ang kinikilos ni Lucia de Sienna lately, ang isa sa nakakadagdag sa stress at isipin ko. I heard Mrs. Clementine coughed to caught our attention again.

Lunaire Academy: Wizards And Witches Saga [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon