Prophecy

74 37 3
                                    

Napasinghap ako sa winika ng propesor.

"Nalalaman? So prof, masasagot mo ang-I mean, ako gusto kong malaman ang buong katotohanan sa pagkatao ko, kahit alam ko na ang minor details about sa akin."

Blangko ang ekspresyon ng mukha ni Prof. Irvin nang tumingin siya sa akin saka napabuga siya ng hangin.

"Halika muna kayo at pumasok muna tayo sa loob ng munti kong tahanan," pag-aanyaya sa amin ng propesor.

Nasa likuran niya kami nang binuksan niya ang pintuan ng kaniyang tinutuluyan, saka kami sumunod sa kaniya na pumasok sa loob. Sinenyasan niya kami na umupo sa wooden sala set niya. Iginala ko ang aking mga mata sa loob ng bahay ng propesor. Simple at maimis ang mga gamit. May mga kakaibang halaman din na nakatanim sa mga paso at naka-display sa sala at kusina. Umupo ang matandang propesor sa harap namin.

"Makinig kayong mabuti, kailangan ninyong malaman kung papaano nagsimula ang lahat, lahat-lahat."

I gulped, and I heard Loki and Rincewind gulped as well. Pero si Luccas, chill na chill sa isang sulok habang pinaglalaruan ang kaniyang grimoire gamit ang kaniyang magic. Napa-iling na lamang ako. Itinutok na namin ang aming atensiyon sa propesor nang muli siyang nagsalita ng marahan.

"Ayon sa lumang paniniwala ng mga wizards o tinatawag na manggagaway noong sinaunang panahon, nagsimula ang lahat dahil sa alitan ng mga anak ni Bathala- ang mga anak niya mula sa isang mortal."

Nandilat ang mga mata ko, dahil naalala ko ang Philippine Mythology subject na pinag-aaralan ko noong nasa Heather U ako.

"Alam ko po 'yan prof, ilan sa mga anak ni Bathala sa isang mortal ay sina Hana at Tala saka si Mayari at Apolaki!" bulalas ko na ikinagulat ng tatlong heartthrob na kasama ko saka sila napanganga habang napatulala sa akin. May silbi rin ang pakikinig ko sa literature subject ko!

"So, may alam ka pala sa ganiyan, Mira?" tanong ni Luccas sa akin. "Sakto lang, pinag-aralan ko kasi iyan noong nasa Heather U ako, sa university na pinapasukan ko sa human world."

Tumango-tango si Luccas at ibinalik naman nila Loki at Rincewind ang atensiyon kay Prof. Irvin. "Please prof, pakituloy po ang inyong kuwento," paki-usap ni Rincewind.

Tumikhim-tikhim ito bago itinuloy ang kuwento. "Nagsimula ang sigalot ng magkapatid na si Mayari at Apolaki nang manghina si Bathala. Ayon sa mga ninuno ko, hindi raw magkasundo ang magkapatid na sina Mayari at Apolaki, na parehas may pagnanasa sa trono at ang puno't dulo ng lahat ng kanilang alitan ay dahil sa pambubuyo ni Sitan sa magkapatid. Si Sitan ang hari ng sinaunang impiyerno, ang pinuno ng kasamaan. Sinamantala ito ni Sitan dahil nais din niyang agawin ang trono mula kay Bathala, kaya nilipon niya ang kaniyang mga alagad upang lipulin ang mga diyos, diyosa, mga diwata, pati mga mortal na nasa panig ni Bathala."

Pansamantalang tumigil ang propesor saka ikinumpas ang kaniyang kamay. May biglang sumulpot na isang baso ng tubig saka niya ito ininom. Pakiramdam ko, hindi na humihinga sina Loki at Rincewind sa pakikinig habang patuloy pa rin nag-iisip bata si Luccas sa isang tabi. Itinuloy muli ng propesor ang kaniyang pagku-kwento.

"Huli na ng malaman ng magkapatid ang tunay na pakay ni Sitan mula sa mga anito na inatasan ni Bathala. Ayon sa mga anito, ginamit lamang ni Sitan si Mayari, ang diyosa ng buwan at Apolaki, ang diyos ng araw at patron ng mga mandirigma para maisakatuparan ang kaniyang mga plano. Sapagkat sa alitan at labanan ng magkapatid, hindi sinasadyang nabulag ni Apolaki si Mayari. Dahil ditto, lalong tumindi ang poot ni Mayari kay Apolaki, ngunit huli na para magsisi si Apolaki, dahil sa matinding poot ni Mayari sa kaniya, hindi na niya kinayang kontrolin ang kaniyang kapangyarihan- ito ang plano ni Sitan sa simula pa lamang. Ang nakakahalinang liwanag ng buwan ay naglaho ng tuluyan, at lalong dumilim ang gabi. Lumamang sa laban ang kampon ni Sitan kahit nagsanib-puwersa na ang mga diyos at diyosa."

Lunaire Academy: Wizards And Witches Saga [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon