PAGKARATING namin tatlo sa pinaka-sentro nang tinatawag ni Rincewind na La Luna Silva, napatunghay ako sa angking kariktan ng lugar. Sumilay na si haring araw ngunit makulimlim pa rin ang buong paligid lalo pa at kitang-kita ang bilog at maliwanag na buwan. Bukod doon, tila kumikislap-kislap pa rin ang mga bituin na nakasaboy sa mala-dagat na kalangitan. Ngayon, nagtipon kami sa pinaka-gitna ng malawak na kapatagan habang pinapalibutan namin ang tatlong councillors ng Lunaire.
"Welcome to La Luna Silva," maligaya ngunit maangas na pagbati sa amin ni Leona Blaise. Medyo may pagka-boyish itong si Leona, komento ng aking isip habang nakangiwing ngiti ako.
Tila ako lang yata sa amin lahat ang hindi nakakaalam sa lugar na ito. Kung aaralin ang bawat ekspresyon ng mukha ng mga kasama ko ay parang hindi sila nagulat o namangha man lang. Ayaw ko man magtanong ngunit may kung anong bagay ang namuo sa aking dibdib at nagkaroon ako ng lakas ng loob para tanungin ang tila bruskong councillor. "Mawalang galang na po Councillor Leona, pero ano ba itong... La Luna Silva na lugar na 'to?"
"Moon's Forest," mahinahong sabad ni Dorothy Hellis.
"Moon's Forest?" inulit ko ang sagot ni Dorothy sa'kin ng patanong.
Umentrada si Byron dahilan para mapalingon ako sa aking likuran. "Yep. This is the Moon's Forest. This is the best training ground para sa mga wizards and witches upang mas lalong lumakas pa ang inyong magic. Ang mga kilala at naunang wizards at witches na nagtanggol sa Lunaire city ay dito rin nag-ensayo."
Tumango-tango ako bilang tugon rito. Muling nagsalita si Byron. "Katulad nga ng sinabi ko kanina, kailangan niyo lang akong patumbahin sa puwesto ko bago kayo tumunton sa susunod na baitang ng ensayong ito."
Nahimigan kong tumikhim si Gwydion. "That means, kailangan ka talaga namin patumbahin? Hindi ka ba talaga nagbibiro diyan sa plano mo, Councillor?" pag-uulit na tanong ni Gwydion kay Byron habang nakataas ang isang kilay. Mukhang hindi siya kumbinsido sa mga sinabi ni Byron kani-kanina lang.
"Paulit-ulit? Magkapatid talaga kayo ni Gwen Randall?" sarkastikong tugon ni Byron kay Gwydion.
Napansin kong napakamot ng ulo si Gwydion ngunit sinalo ito ni Calum. "Sino ba naman kasi ang maniniwala sa'yo. Hindi por que isa ka na sa mga council ay hahamunin mo kaming lahat na patumbahin ka," paangil na protesta ni Calum na tila tumaas ang tono ng kanyang boses.
Napakunot ako ng noo. Ano ba problema ni Calum kay Byron Siegfried? tanong ng kabilang bahagi ng isip ko.
Bigla na lamang may tumilapon na bolang apoy kay Calum dahilan para mapamulagat kaming lahat. Ngunit sa isang wasiwas nito ng kamay gamit ang kanyang mahika, tila naging halipawpay ang apoy. Napalingon kaming lahat sa direksyon kung saan nanggaling ang bolang apoy. It came from her, Leona Blaise. Sinuri ko ang uri ng kanyang tingin kay Calum. She was quite pissed.
"Calum Aeris! Ganyan ka bang ka-walang modo sa isa sa mga council?"
Nilapitan kaagad ni Loki, Rincewind, Gwydion at Luccas si Calum na parang inaawat dahil gagap-gagap ng apat ang balikat at katawan nito. Nag-aalab ang kanyang tingin kay Byron Siegfried. Samantala, inihilig ko ang aking ulo upang pagmasdan si Phyra. Ngunit, nakita ko na lamang na mariin niyang ikinuyom ang kanyang mga kamay habang nakatungo. Kung ano man ang kanilang issue, kailangan na nila siguro itong maayos kaagad. I thought as I pressed my lips together.
"Tama na 'yan! Kung ano man ang issue mo Aeris kay Siegfried, pakisantabi mo na muna ito. Igalang mo bilang councillor si Byron," matatag na saad ni Dorothy.
Tila binuhusan ng malamig na tubig si Calum. Bahagyang humupa na rin ang tensyon na namuo sa pagitan nila. Marahan na rin inalis ng tatlo ang kanilang mga kamay mula sa mga balikat ni Calum. Kapagdaka'y humugot ng malalim na buntong-hininga ito saka iniling ang ulo. Napabaling ang aking mga mata kay Byron na ngayon ay marahas na napa-ihip ng hangin.
BINABASA MO ANG
Lunaire Academy: Wizards And Witches Saga [ONGOING]
FantasiMIRA LUNA CRESCENCIA is a simple lady na nag-aaral sa Heather University. Nagbago ang kaniyang buhay nang makilala niya ang wizard-warlock na si Loki na may misyon sa mundo ng mga tao and it is because she has a magical power katulad ni Loki na isan...