📌 Collaboration #01

534 91 11
                                    

Akala ko Ako?

Collaboration with : Jerald Lucion


Yanie:

Mahal ko..
Akala ko ako
Akala ko ako
Ang Mahal mo
Per nagkamali ako
Sino siya
Kaibigan?
Barkada?
Gamemate?
Ano pa..
Hanap ka ng rason para makalusot ka naman
Akala ko ako?
Sino siya
Bakit di ko kilala
Mahal...
Mahal mo ba talaga ako?
O option Lang ako..
Mahal mo ba
O ginagago mo Lang
Mahal mo ba
Tung babaeng to
Sagutin mo nga ako
Mahal mo ba ako?

Jerald:

Akala ko ako?
Akala ko ako lang?
Pero bakit?Saan?at sa paanong paraan?
Wala naman akong pagkukulang
Sino itong naging balakid natin dalawa?
Hindi ka na ba sakin masaya?
Bakit naghahanap ka pa ng iba?
Minahal naman kita ng totoo
Pero bakit mo ako ginaganito?
Akala ko ako lang?
Akala ko ako?

Yanie:

Ikaw naman talaga
Ang Mahal ko
Alam ko Yan simula pa Lang
Tinatanong mo ako?
Kung bakit ako naghanap?
Kung bakit napalitan ka?
Mahal ko
Bakit ako tinatanong mo
May pagkukulang ka
Asan ka sa mga oras na kailangan Kita
Asan ka sa mga oras na Ako Lang mag-isa?
Asan ka ba
Sagutin moko
Di Lang ako may nagawang Mali dito
Ikw din naman Mahal ko
Mas inuna mo pa mga hilig mo
Nakalimotan mo ako?
Ako?
Nagiisa ako
Siya ang andon
Wala ka kasi
Siya ang Tumulong
Sa panahong naghihirap
Akala ko
Kasanga Kita
Pero asan ka?
Wala!

Jerald:

Wala akong pagkukulang dahil ikaw ang may pagkukulang
Lumaban ako kahit ako lang
Sumuko ka naman habang ako ang sugatan
Hindi mo kailangan magpanggap na kailangan mo ako
Hindi mo kailangan sabihin na mahal mo din ako
Hindi mo kailangan ipagpilitan ang sarili mo
Kung mahal mo talaga ako bakit ka nagbago?
Hindi ka na masaya dahil meron ka ng bago?
Isa na lang akong simpleng tao sayo dahil meron ka ng bago
Hayaan mo meron na din akong bago
Hindi na tayo tulad ng dati dahil ngayon kailangan ko ng magbago
Kailangan ko ng Baguhin ang sarili ko
Akala ko ako..

𝐏𝐎𝐄𝐓𝐑𝐘 : 𝐌𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐃𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 //𝐁𝐎𝐎𝐊 𝐓𝐖𝐎 - 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon