📌 Collaboration#23

9 1 0
                                    

Matagal Na Pala

     Collaboration with : Joshua G. Acuzar
       



Joshua :
Maghahalos magdadalawang taon
Kung paano ko pinalagpas ang pagkakataon ..
Ang luksa ng isang dukha sa isang ilusyon...
At sa nakalipas na oras ay nagkaroon na pala ng ibang bersyon..
Ang dati ay inaakala lang nating piksyon...
Ang mga tagpuan sa upuan ng estasyon ..
Matagal na palang walang aksyon..
Ang storya na binalot ng papel at marka ng ibon...

Naaalala ko pa kung paano tayo nagsimula sa pluma..
Ang kasaysayan kung paano nakatulog si snowhite at paano naging prinsesa si Cinderella...
Ito yung panahon na di pa uso ang koreanobela..
Di ko alam kung ano yung kahulugan ng " HOTEL DE LUNA"
Ang alam ko palang na kwento ay tungkol sa " ibong adarna"
At ang storya nating dalawa ...
Na di isang kdrama...
Kundi isang malaking trahedya...



Aria Villa :
Maghahalos Dalawang taon na
Simula Ng iniwan mo akong mag-isa
Akala ko ikaw na pala
Akoy nagkamali pala
Pinalagpas ko Ang pagkakataon
At natapos Ang Dalawang taon
Pero simula noon lumisan ka
Naging magulo Ang buhay ko akin sinta
Korean Nobela , Isa na Ang Hotel de Luna
Pero kahit gustohin ko mn
Hindi ako Ang bida sa estorya nating dalawa
Ako Ang iyung Pangalawa
Ako pala Ang reserba
Nabuhay ako sa ilusyon
Na ikaw at ako parin sa dulo
Kahit Hindi Naman totoo
Kahit Ito ay malabo
Ang mga tagpuan natin noon
Binabalikan pa hanggang ngayon
Dahil mahal, akoy nagbabasali na
Babalik ka
At hihingi ka Ng tawad sakin aking sinta
Hanggang ngayon parin nabubuhay ako sa pangasya
Na
Ikaw at Ako , kapiling Ang isat Isa na masaya

Naalala ko pa Kung paano tayu nagsimula
At natapos Ang ating storya
Sa una Lang pala ako sasaya
Kahit sasaktan at iiwan mo Lang pala
Say mga taon Ang nagdaan
Wala akong pinagsisihan
Hindi pinagsisihan minahal Kita
Dahil Kahit Wala ka na sa piling ko
Masaya ako
At contento Kung ano na Lang Ang mayroon ako
Naalala ko
Hindi ako si Cinderella na hahanapin Ang nawawala g princess
Hindi and si Snow White na natangpuan na Ang lalaking minahal siya ng totoo
Ako Lang pala
Si ako
Normal na tao
Umibig sa maling tao
Nagmmahal Ng totoo
Nasaktan Ng tudo..


Joshua:
Pero habang sinusulat mo ang salitang "ako" ng mag isa...
Napupunit yung papel kasi mahal di na itim ang gamit mo na tinta...
Ang maling ginagamit mo pangsulat sa nakatakda...
Di mo pwedeng basain ang bawat letra ng mga mapapait na luha...
Di naman ako isang pahina..
Na kapag napagod ka ay agad kang magpapahinga...
Kasi mahal parin kita
At sa bawat apoy na nagpapalala ng mga pasa...
Mga pasa na marka ng alala...
Matagal na pala... Pero mahal parin pala kita...

Di ko na mababalik ang mga saknong
Ang paghula sa pala isipang bugtong...
Sa mga tugma nawasak ng mahinahong tanong...
Pilit ko man iwaksi sa isang nakataob na kabaong...
Di ko alam mahal di na pala tayo maikakasal kasi ako nalang ang magsusuot ng barong..
Di na pala kita makakasama sa isang bubong...

Matagal na pala... Pero bakit may bumabalik..
Ang mga hanap ko sa mapupula mong labi para humalik..
Pinilit tanggapin ang sakit kahit matinik...

Matagal na pala... Matagal na palang wala tayong tinta...
Kailangan na pala tuldokan ang huling kabanata ng storya...
Matagal narin pala talaga...

𝐏𝐎𝐄𝐓𝐑𝐘 : 𝐌𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐃𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 //𝐁𝐎𝐎𝐊 𝐓𝐖𝐎 - 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon